part 4 graduation

177 3 1
                                    

Ellaine’s POV

Mabilis na lumipas ang mga araw, ngayon nga ay graduation na namin, at lubos ang saya namin ni inay lalo pa at gagradweyt ako na salutatorian. Si Raffy ang naging valedictorian ng batch namin pero yung grades namen halos magkapantay, mas lamang lang sya sa akin kasi mas marami syang extra curricular activities na nasalihan na isa sa basehan ng pagrarank ng honor students pero okay lang naman sa akin kahit salutatorian lang ako, ang mahalaga sa akin ay ang makagraduate tsaka matagal ko nang tanggap na wala akong laban pag isinali na ang points ng extra curricular activities kasi naman karaniwan sa mga activities na yun e kailangang gastusan at yun ang wala ako, yun nga lang gastos sa pang-araw-araw namin ni inay namomroblema na kame, iisipin ko pa bang sumali sa mga extra curricular activities na pede namang hindi ko salihan kaya okay na sa akin ‘to buti nga naging salutatorian pa ako e kahit kokonti ang nasalihan ko na extra curricular activities.

“Anak, magmadali ka baka mahuli tayo sa graduation mo”, wika ni inay habang inaayos ang mga gamit na kailangan sa graduation namin.

“Opo inay tapos na naman po ako, tara na po,” wika ko. Wala naman akong masyadong aayusin sa sarili ko, gaya ng dati itinirintas ko lang ang buhok ko, naglagay ng pulbo at ayos na.

“O siya tara na,” yaya ni inay. Papalabas na kame ng dumating ang ninang Anie ko, ang ninang ko na sabi nga nila e babaeng bakla kaya napakasaya kasama.

“Ay ang inaanak ko, congrats! Ang galing galing mo talaga, at ang ganda ganda pa manang mana sa ninang! Pero teka parang may kulang… a eto…” kinuha nya ang lipstick nya at nilagyan ako ng konti sa mga labi at pagkatapos ay nilagyan ako ng konting blush on sa pisngi para daw mas lalo akong gumanda. Hindi talaga ako sanay na may make up pero okay na rin manipis lang naman ang nilagay ni ninang sa akin at tsaka sabi naman ni inay bagay daw naman e kaya pumayag na rin ako. Nauna na kame ni inay sa eskwelahan kung saan idadaos ang graduation namin, si ninang ay susunod na lang daw kasi may dadaanan pa daw sya.

Pagdating namin sa school, nakapwesto na sa pila ang mga classmates namin para sa pagpasok ng mga magsisipagtapos, maraming bumati sa akin, isang matamis na ngiti at thank you naman ang binigay ko sa kanila, syempre si inay proud na proud sa akin, sa tingin ko nga parang maluluha na yata ang inay ko samantalang hindi pa naman nagsisimula ang program kaya biniro ko sya para naman kahit papano ay mapangiti ko sya.

“Inay naman buti na lang hindi ako naging valedictorian, kung hindi baka bumaha na ng luha dito at hindi pa matuloy ang graduation namin.”

“Ikaw naman masaya lang naman ako kasi kahit mahirap tayo at maraming problemang dumadating sa buhay natin eto at gagradweyt ka na at may honor pa kaya proud na proud ako talaga sa’yo anak,” lalo yatang napaluha ko si inay kesa sa mapangiti at dahil sa sinabi ni inay parang ako naman ata ang medyo maluluha.

“Salamat inay ha, para naman po sa inyo talaga itong mga pagsusumikap ko at tagumpay, gusto ko lang suklian ang pagmamahal na binibigay nyo sa akin,” sabi ko sa medyo manginig-nginig na tinig dala ng emosyon.

“Mahal din kita anak, pero wag mong kakalimutang utang natin sa Diyos ang lahat ng tagumpay na ating natatamo at tsaka sana wag mo akong masyadong isipin, okay lang ako gusto ko ienjoy mo ang pagiging dalaga mo baka naman puro ka na aral at nakakalimutan mo na ang sarili mong kaligayahan, aba minsan lang maging teenager anak dapat ienjoy mo ito… e anak meron ka bang crush dito? Ipakilala mo naman sa akin nang makilatis,” sabi ni inay habang palingon lingon.

“Inay naman e, wala pa sa isip ko ang mga bagay na ‘yan,”

“Hi Ellaine congratulations sa atin,” sabi nitong ngiting ngiti. Hindi ko na namalayan na dumating ito.

“Oi Raffy! Oo nga congrats sa atin, lalo na sa’yo…” bati ko dito.

“Para namang anlaki ng lamang ko sa’yo e ang alam ko nga lumamang lang ako dahil sa mga extra curricular activities ko,” sabi nito.

“Kahit kailan talaga napaka humble ni Raffy,” isip-isip ko.

“Kahit na, congrats pa rin, u deserve it more than I do,” wika ko. Maya-maya naramdaman kong may sumisiko sa akin. Pagtingin ko si inay pala at ngiting ngiti sa akin at parang may gustong ipahiwatig. At napansin din ata ito ni Raffy.

“Kayo po ba ang nanay ni Ellaine? congrats po sa inyo ang galing nyo pong magpalaki ng anak, napakabait at napakatalino po nitong si Ellaine,” sabi nito.

“At napakaganda pa, gusto mo bang ligawan ang anak ko?” sabi ni inay na ikinagulat ko.

“Inay naman, ang bata bata ko pa tsaka huwag kayong ganyan nakakahiya,” pakiramdam ko biglang nag-init ang mga pisngi ko. At pagtingin ko kay Raffy, ngiting ngiti ito na parang enjoy na enjoy pa sa pagkapahiya ko.

“Asus, ano bang nakakahiya dun, di ba iho? Ano bang pangalan mo?” dagdag pa ni inay. Ano bang nakain ni inay at biglang naging hyper.

“Raffy po ang pangalan ko,” sagot nito.

“Ah Raffy, di ba totoo naman, maganda ang anak ko?”

“Opo,” si Raffy. “Inay!” halos magkasabayan naming sabi ni Raffy kaso napalakas ata ang biglang sigaw ko kaya napalingon tuloy ang ibang mga tao sa paligid namin.

“We are about to start the program, may we please request everybody to please proceed to your respective places…” pumaibabaw ang boses ng emcee para sa graduation namin ngayon.

Haayyy! Saved by the bell. Buti na lang, kung hindi, hindi ko alam kung pano puputulin ang kakulitan ni inay at pagkapahiya ko sa harap ni Raffy at ng ibang taong nakakapansin na sa amin.

“Tara na po, magsisimula na ang program,” yaya ko kay inay.

Nagsimula na nga ang program pero dahil honor students kame ni Raffy ay magkatabi kami sa upuan sa unahan. Nakakainis, hindi tuloy ako mapakali at hindi makatingin sa kanya, nahihiya ako, hindi ako sanay ng ganito.

“Huwag kang mag-alala, binibiro ka lang ng inay mo, huwag ka nang mahiya masyado lang proud ang inay mo sa’yo kaya ganon,” pasimpleng bulong nito sa akin habang nagsasalita ang bisitang pandangal upang magbigay ng mensahe para sa mga nagsisipagtapos.

Napansin ata nito na masyado akong naapektuhan sa ginawa ng inay ko kanina.  

“Thanks at pasensiya na,” sabi ko na lang.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon