part 12 Alexander the Great

196 1 0
                                    

Alexander’s POV

Katatapos ko lang makausap si Mommy, sometimes I felt bad din naman kapag nabibigyan ko ng sama ng loob si mommy kaso I can’t help it marami kasing nakakapikon sa paligid at wala kaming magawa kundi ang patulan sila. Gaya ng nangyari sa amin ng barkada ko kanina na syang dahilan kaya nandito na naman kami ngayon sa kulungan.

Flashback…

Sa isang bar sa Makati…

“Oi Alexander the great pare!” bati sa akin ni Luke na gaya ko ay kadarating lang at papasok pa lang sa favorite bar naming barkada..

“Ulol!” sabi ko dito sabay high five.

“Nandito na ba ang barkada?” tanong ko dito.

“Si Andrew na lang ata ang kulang, tara na nga panigurado nalalamangan na tayo ng barkada sa mga hot babes dito sa bar,” sabi nito sa akin.

Si Luke ang isa sa pitong miyembro ng barkada. Gaya ko, gwapo din ito, actually lahat kami gwapo kumbaga walang tulak kabigin lahat may kanya kanyang personalidad at kanya kanyang dating pagdating sa mga babae. Pero sa aming pito, ako ang madalas nilang biruin na Alexander the great dahil ako daw ang pinakalapitin at pinakamatinik pag dating sa mga babae.

May isang spot kami sa bar na ito, naireserve na ng may-ari para sa amin dahil napansin daw nung bar owner na dumami ang kanilang parokyano lalo na mga girls simula ng magtigil kami sa bar na iyon kaya bilang incentive nireserve na nya sa amin ang spot sa gitnang bahagi ng second floor kung saan tanaw na tanaw ang mga nagpeperform na banda sa stage at kung saan malaya kaming makakapaghunt ng mga magagandang babae.

“Mga tol, musta na?” bati ko sa barkada pagdating namin sa pwesto namin.

“Oi pare late ka na naman ha, saan na naman kayo nagliwaliw nung brunette na kasama mo nung isang araw?” tanong ni Tom sa akin.

“Si Myla? Wala na ‘yun, ang kulit e sinasama ba naman ako sa probinsya nila, mamaya gayumahin pa ako nun!” sagot ko.

“Lupet mo talaga pre! Gusto ka lang ipakilala sa relatives nya hiniwalayan  mo agad?!” sabi naman ni Brix.

“Anong malupet? 1 week pa lang kame gusto na akong ipakilala sa pamilya nya, e pano pa pagtumagal pa kame baka itali na nya ako sa bewang nya,” sagot ko sa pangangantiyaw nila.

“Hoooo ang sabihin mo natikman mo na kase kaya ayaw mo na,” kantiyaw pa ni Brix.

“Lagot ka pre baka nabuntis mo un,” dagdag kantiyaw naman ni Fernan.

“Ako pa?! Magpapahuli ba naman ako ng buhay, syempre hindi!” sagot ko sa kanila.

“’Yan ang sinasabi ko e, kaya nga Alexander the Great di ba! So sino na ba ngayon?” sabi ni Luke na ngingisi-ngisi.

 “Natatandaan nyo si Carla?” sabi ko.

“Si Carla!?” sabay-sabay na sabi nila.

“Pare lupet mo talaga, si miss sungit? ‘Yung Call Center agent na akala mo saksakan ng ganda?” tanong ni Albert.

“Oo, tinawagan ako kanina e,” sabi ko.

“Tingnan mo nga naman, akala mo snob un pala may tinatagong pagnanasa sayo pre!” sabi ni Albert.

“So anung status?” tanong ni Brix.

“Tinatanong pa ba ‘yan? Wala pang babaeng magpapabagsak kay Alexander the Great!” sabi ni Tom.

“Mga loko talaga kayo, kasalanan ko bang sila ang lumalapit sa akin, e syempre hindi naman tayo suplado at sadyang mapagbigay lang kaya lets give them a little bit of heaven right?” sabi ko sa kanila.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon