Part 23 muling ibalik ang tamis ng ...

126 2 0
                                    

1 msg received...

"I'll wait for you at the parking lot."

"Si kuya Alex ba 'yan?" Tanong ni Mandy nang tumunog ang cellphone ko.

"Oo, sa parking lot daw nya tayo hihintayin," sagot ko kay Mandy.

"Ayiii! Kinikilig talaga ako sa inyong dalawa," sabi nitong kilig na kilig.

"Kilig ka dyan, kaibigan ko lang si Alex noh! Para lang kaming magkapatid, tsaka naman, sobrang babaero nun kahit saan ata kami magpunta may lumalapit na babae," depensa ko.

"Natural ang gwapo kaya ni kuya Alex at tsaka ate Ellaine naman marami talagang nakakakilala sa kanya noh, one of the most sought after bachelor kaya sya, hinahabol ng mga anak ng mga businessmen sa bansa, kung hindi nga lang kita love e lalandiin ko talaga 'yang si kuya Alex e hihihi," sabi nito.

"Kadiri ka Mandy, as if naman marunong kang lumandi, pero wala ngang something sa amin ni Alex bakit ba ipinipilit mo na meron," depensa ko pa rin.

"Ay nako kahit sabihin mong wala, alam kong meron, may magic sa inyong dalawa pag kayo ang magkasama, siguro hindi mo pa lang napapansin pero meron talaga," pagpipilit nito. Matagal nang sinasabi nito na may something daw sa amin ni Alex pero hindi ko naman maintindihan kung ano.

"Bahala ka nga, tara na baka mainip na 'yun sa parking lot," aya ko dito.

"Ui concern! Ayiiii!" Tukso nito sa akin.

"Heh!" Saway ko dito.

Sa isang acoustic bar sa may intramuros namin naisipang kumain, maayos ang paligid, hindi maingay ang tugtog actually relaxing nga ang samyo ng musikang tinutugtog ng musikero gamit ang kanyang gitara. Masarap din ang mga pagkain, kumpleto ng klase ng pagkain pati pang pica-pica para sa mga gustong may makukutkot habang nakikinig ng musika meron din sila. Maganda rin ang design ng bar, may privacy ang bawat table dahil sa pacubicle na disenyo ng mga couch dito.

"Wait lang ha, CR lang ako," paalam ko sa kanila.

"Okay," sabi ni Mandy habang si Alex ay tumango lang.

Paliko na ako sa pasilyo papasok sa restroom nang parang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Ellaine? Ellaine!"

Lumingon ako para hanapin kung sino ang tumawag sa akin at mula sa may kanang bahagi ay lumapit ang nagmamay-ari ng tinig.

"Raffy?!" Hindi ako makapaniwalang sya nga ang nasa harapan ko. Kung dati ay gwapo na ito mas gumwapo pa ito ngayon, mas tumangkad, mas naging matipuno ang pangangatawan, at mas nagmature, wala na ang high school look na kilala ko noon, the one infront of me right now is a man, a matured, confident and a picture of a successful man. Makikita iyon sa anyo ng pananamit at sa tindig nito.

"Sabi ko na nga ikaw 'yan e, kanina pa kita tinitingnan, hindi ko lang masigurado kanina kung ikaw nga, you look great, i mean prettier," sabi nitong parang hindi malaman kung ano ba talagang sasabihin.

"Ikaw din hindi din kita agad nakilala, you look different, well the last time i saw you was on our graduation day so what can i expect its been 6? 7 yirs ago?" Sabi ko dito.

"Yeah its been a long time, ahm are you with someone? i want to catch up with you sana e, alam mo na 7 years din 'yun marami nang nangyari & gusto ko sanang makibalita sa'yo," sabi nito.

"Ah sure, sure pero excuse lang ha CR lang ako then ipakilala kita sa mga kasama ko, gusto ko rin namang makibalita sa'yo about sa iba nating mga classmates, hindi na rin kasi ako nakabalik sa lugar natin simula nang mangyari ang sunog, so excuse lang ha," paalam ko dito.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon