part 15 muling pagkikita

119 1 0
                                    

Ellaine’s POV

“This sounds cliché pero I don’t give my name to strangers, and I don’t think magkikita pa tayo but maybe next time when I see you again,” ‘yun ang sabi ko dun sa lalaking nakita ko kanina, actually medyo familiar sya sa akin pero hindi ko talaga maalala kung saan ko sya nakita, hmp siguro may kamukha syang artista kasi tisoy ganon naman minsan ‘yung mga gwapo nagkakahawig-hawig lang.

Buti na lang hindi na nangulit ‘yung guy, nung una talagang nainis ako sa kanya pero ‘nung nag-sorry na sya parang nawala ang inis ko, mukha namang kasing sinsero ‘yung sorry nya e pero kahit nagsorry sya at nag-offer ng tulong hindi ko pa rin ibibigay ang pangalan ko, baka isipin pa nya na easy-to-get ako at tsaka malamang hindi ko na rin makita ‘yun, sa tinagal-tagal ko ba naman dito sa campus na ito ngayon ko lang sya nakita so possible na hindi na kami magkita muli.

Dumiretso na ako sa loob ng library at isinoli ‘yung mga books na hiniram ko. Sa susunod ko na lang ulit hihiramin kapag nagka-vacant ulit ako. Nagkataon kasi na may meeting ‘yung professor namin kaya wala kaming pasok sa isang subject kaya nagkaroon ako ng time para makapag-library, si Mandy naman nagpa-alam na sasaglit sa mall kasi may bibilhin lang daw kaya nag-iisa ako ngayon.

“Ate shiela, salamat sa mga books ha,” sabi ko sa librarian na naging ka-close ko na rin.

“Sige, basta magsabi ka lang kung may kailangan ka pang books ha,” sabi nito.

“Opo, salamat po ulit, alis na po ako,” pag-papaalam ko dito.

“You’re welcome! Ingat!” sabi nito.

Pumunta na muna ako sa canteen para kumain ng lunch at tsaka dumiretso sa classroom namin para sa last subject ko ng araw na iyon.

“Oi ate Ellaine, kumain ka na ba?” kadarating lang ni Mandy mula sa mall.

“Oo naglunch na ako sa canteen,” sagot ko.

“Ay buti naman, pasensya na ha hindi na kita nasamahan maglunch kasi natagalan ako dun sa pagpili ng panregalo sa 18th birthday ng pinsan ko,” hinging paumanhin nito.

“Sus okay lang ako, e ikaw kumain ka na ba?” sabi ko dito.

“Oo nag-quick lunch ako sa mall bago bumalik dito,” sabi nito.

“O kain tayo?” alok ko ng binili kong dried beans.

“Wow beans, thanks!” sabi nito sabay kuha ng beans.

“Welcome!” pareho kaming mahilig sa beans, ito ang paborito naming kutkutin.

Maya-maya lang dumating na rin ang teacher namin, nagbigay sya ng schedule ng site visitation namin para sa susunod na linggo. May mga titignan kaming housing designs sa may parteng cavite kaya excited na naman kami ng mga classmates namin dahil actual designs na naman ang makikita namin at bukod dun makakapasyal na naman kami.

Matapos ang klase namin, nagpaalam na ako kay Mandy dahil pupunta pa ako sa office ni Prof. Marie, doon kasi ang schedule ko after class bilang student assistant nya.

Usually kapag dumadating ako doon nakasarado pa ang office ni Prof. kaya nagtitigil lang muna ako sa waiting area katapat ng table ng secretary pero iba ngayon kasi nakabukas ang ilaw sa office na kita sa glass window ng office nya, mukhang maagap natapos ang klase ni Prof. Marie.

“Excuse me, ate Carrie, nandyan na ba si Prof.?” tanong ko sa secretary na mukhang busy sa kausap sa telepono. Saglit nitong tinakpan ang telepono at iniabot sa akin ang ilang pages ng documents at sinabing “Binilin ni mam, paki-encode daw, pasok ka na sa loob.”

“Ah ok, tnx!” sabi ko na lang para hindi na sya maabala.

Dumiretso na ako sa pinto ng office ni Prof. at pumasok ng hindi kumakatok.

“Siguro naman pwede ko na malaman ang pangalan mo ngayon?” Isinasara ko na ang pinto ng biglang may nagsalita paglingon ko nakita ko ang lalaking nakatabi ko kanina sa park.

“Bakit ka nandito?” tanging nasabi ko dahil sa pagkagulat. Nakaupo ito sa sofa na nasa kabilang dulo ng office katapat ng lamesa ni Prof. Marie, hindi ko ito agad napansin kanina dahil natatabingan ito ng pinto pagpasok.

“This is my mom’s office and I’m waiting for her, sorry nagulat ba kita?” sagot nito.

“Ikaw si Alexander?” tanong ko.

“The one and only, hindi na kita tatanungin kung pano mo nalaman ang pangalan ko kasi for sure you learned it from mom, mahilig kasi talaga magkwento si mommy,” sabi nito.

“Yeah right, you are the great pasaway,” bulong ko.

“May sinasabi ka?” tanong nito.

“Wala, ako ang student assistant ni Prof., at may pinapagawa sya sa akin, so, excuse me lang po magtatrabaho na po ako,” sabi ko dito at dumiretso na ako sa harap ng desktop at naiturn-on ito.

“Really? assistant ka ni mom?” sabi nitong ngiting-ngiti.

“Yup and so?” tumingin ako dito.

“Wala lang….. ibig sabihin we are meant to……. be friends,” sabi nito.

“Talaga lang ha?” sabi ko na lang.

“Oo naman, sino ba namang mag-aakala na magkikita ulit tayo agad, so meaning we are destined to meet again, so gaya ng promise mo can you tell me you’re name now?” Asus, nagpapacute pa ‘tong lalaking ‘to, ilang babae na kaya ang naloko ng mga ngiti nito? “Affected much?!” bulong ng kabilang side ng utak ko. Haist! Erase! Erase! Erase! Sagot naman ng kabilang utak ko.

“Miss? What now?” naiinip na yata ito sa sagot ko.

“Hindi naman ako nagpromise ah,” sagot ko.

“Not directly but ganon na rin ‘yun, sabi mo maybe next time when…”

“Ok, ok fine! Its Ellaine ok? Can I go back to my work now?” pagsuko ko dito.

“Ellaine… tama Ellaine nga” sabi nito.

“Anong Ellaine nga?” anong pinagsasabi nito, Ellaine nga? Parang may ibig sabihin sya dun ah.

“Ah wala, I mean Ellaine pala, Ellaine pala ang pangalan mo,” sabi nito. Hay nako ang weird ha.

“O… K… dyan ka na ha, may tatapusin pa ako e,” at sinimulan ko na ang trabaho ko. Magsasalita  pa sana  ito pero dahil sa tinalikuran ko na ito e mukhang nakahalata naman na ayokong magpaistorbo kaya bumalik na lang ito sa sofa na inuupuan nito kanina.

Pero maya-maya lang tumayo na naman ito at lumapit sa akin.

“You need help?” tanong nito.

“Nope!” sagot ko.

“Sure?” tanong ulit nito.

“Yup!” sagot kong hindi man lang lumilingon sa kanya.

Umupo ulit ito at mukhang kumuha ng babasahin sa mga magazines sa tabi ng sofa.

“Matagal ka na ba kay mommy?” maya-maya ay tanong ulit nito.

“’Nung June lang ako nagsimula,” sagot ko.

“Ah, so anong course mo?” tanong ulit nito.

“Architecture,” maikling sagot ko.

“Wow, nice…” sabi nito.

“Anong year mo na?” tanong ulit nito.

Haist! Tumigil ako sa ginagawa ko, tumingin ako dito at ang loko nakakiller smile. Akala naman nya uubra sa akin ‘yung ngiting ‘yun.

“4th year,” ay putik bakit ako sumagot? ang balak ko patahimikin na sya sa katatanong e. Hayyy maituloy na nga lang ‘tong ginagawa ko.

“So kung fourth year ka, you’re 20 years old?” tanong ulit nito.

“Nope, nag-stop ako ng 2 years, I’m 22,” sagot ko. Haist! kelan ba ito titigil?

“Ahhh…. May boyfriend ka na?”

Grrrr that’s it! Ayoko na! Pagsasabihan ko na sana ito nang biglang bumukas ang pinto.

“Hi to both of you!” bati ni Prof. Marie.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon