part 16 the warning...

118 3 0
                                    

Alexander’s POV

“Hi mom!” Lumapit ako dito at humalik sa pisngi.

“Hi son, where have you been for the past 2 weeks? Akala ko wala na akong anak e,” sabi nito.

“Mom, alam ko naman na alam nyo kung nasaan ako parati, I’m just with my friends having fun somewhere and I’m so sorry kung hindi kita natawagan, promise babawi ako, kaya nga nandito ako ngayon,” lambing ko dito.

“Yeah I know mas masaya ka sa mga kaibigan mo kesa sa amin ng dad mo,” sabi pa nito na may halo pa ring pagtatampo.

“Of course not mom, syempre iba pa rin kayo, you’re my family,” paliwanag ko.

“Hmp! once in a blue moon ka naman kung dumalaw sa amin,” sabi nito.

“E yaan na natin ‘yun mom, ayaw nyo ba ako maging masaya?” tanong ko dito, alam ko kasi na kapag kaligayahan ko na ang pinag-uusapan sumusuko na ito.

“’Yan, yan, dyan ka magaling, alam na alam mo kung anong sasabihin mo para tumigil ako sa panenermon ko sa’yo,” sabi nito, mukhang napipikon na nga ata si mommy sa akin.

“Hindi naman sa ganon mom, alam ko lang na love na love mo ako and you would do everything to make me happy,” paliwanag ko.

“Oo nga pero hindi kasama dun ‘yung mapasama ka sa gulo to the point na makulong ka, my God Alex what’s happening to you? I don’t give you everything just to see you in jail!” galit na sabi ni mommy.

“Kaya nga po nag-sosorry na e, promise hindi na mauulit ‘yun, c’mon mom let’s go na mukhang pagod na kayo e, I’ll treat you out kahit saan nyo gusto ‘yung marerelax kayo,” yaya ko dito.

“Ok let’s go home, gusto ko sa bahay, and I want you to stay with us for a month, your so called family right?” sarkastikong sabi nito.

“Ok if that’s what you want,” sabi ko na lang, ayoko nang patulan ang pagtatampo ni mommy, I don’t want to add more fuel to the fire.

 “Ehem, ma’am excuse lang po,” biglang may tumikhim. Si Ellaine nga pala nandito kasama namin at pati si mommy mukhang nakalimutan na may kasama kami.

“Ellaine! I’m so sorry dear nakalimutan ko na nandito ka nga pala, pasensya na narinig mo pa tuloy ang drama naming mag-ina, wait, have you two met each other?” bigla-bigla ang pag-iiba ng mood ni mommy habang kausap nya si Ellaine, she must be really fond of her.

“Ok lang po and opo nameet ko na po sya, ahmn ma’am may itatanong lang po ako about dito sa ineencode ko,” sabi nito.

“Sure, sure! What is it?” lumapit si mom kay Ellaine at may mga pinag-uusapan sila na hindi ko na inintindi. Ang iniisip ko ngayon e kung pano ako gigimik kung sa bahay ako mag-stay ng buong buwan.

“Son, just wait for a few minutes okay? Ligpitin ko lang ‘yung mga gamit ko and then we’ll go ahead,” sabi nito sa akin.

“Ahm Ellaine, are you sure ayaw mong sumabay sa amin? Hatid ka na namin sa sakayan,” alok nito kay Ellaine.

“Hindi na po, tatapusin ko na lang po muna ito,” tanggi nito.

“Hindi naman urgent yan, pede pa ituloy bukas, sabay ka na sa amin para makauwi ka ng maaga ngayon,” pamimilit ni mommy kay Ellaine.

“Yeah, sumabay ka na sa amin,” dagdag ko kasi gusto ko rin naman talagang makasama pa si Ellaine, kahit sinusungitan nya ako gusto ko pa rin syang makasama.

“Huwag na po, okay lang po ako, may makakasabay naman po ako pag-uwi mamaya tsaka chance nyo na po yan para makapag-bonding kayong mag-ina kaya dito na lang po ako, tatapusin ko na po ito,” tanggi pa rin nito.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon