Part 1 totally not a perfect family...

474 3 0
                                    

Ellaine's POV

Kabilang sa may kayang pamilya ang aking ina, nag-iisang anak ng mag-asawang Legazpi, ngunit dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ang magandang buhay at sumama sa walang kakwenta kwenta kong ama. At dahil dito tuluyan nang itinakwil ang aking inay ng kanyang mga magulang. Hindi ko alam kung anong nakita ng inay ko sa ama ko, oo nga’t may itsura pero saksakan naman ng tamad at wala ng ibang inatupag kundi ang magbisyo, inom, yosi, sugal, at ang pinakasusuklaman ko sa lahat ang mambabae. Sabi ni inay hindi naman daw ganoon ang itay ko noong una, simula lamang daw ng maloko ito sa negosyo ng isang kaibigan at mabaon sa utang. Pero kahit na hindi katwiran ang dagok na dumating sa kanya para kalimutan nya na may asawa’t anak sya na kailangan nyang alagaan at pahalagahan. Pero kahit na ano pang sabihin ni inay hindi ko pa rin mapaniwalaan na mabuting tao nga ang itay ko dahil simula pa ata ng magkaisip ako nasaksihan ko na ang mga kalokohang pinaggagagawa nya.  At sa tuwing sasaktan ni itay si inay parati nya na lang sinasabi sa akin na wag ko masyado damdamin dahil darating ang panahon na magbabago rin ang itay at babalik sa dati nyang katauhan. Ay ewan, pakiramdam ko si inay na ang may problema, hindi kaya ginayuma lang ni itay si inay? O kaya baka nagkunwari lamang sya noon na mabuting tao para makuha nya si inay at ang ipinapakita nyang ugali ngayon ay ang tooto nyang pagkatao? Hayyy… eto namang si inay masyadong martir pwede na nga syang patayuan ng monumento at isama sa hanay nila rizal sa luneta. Kung hindi ko lang mahal si inay, matagal ko nang iniwan ang bahay na ito. Pero ipinangako ko sa sarili ko na matapos ko lng ang pag-aaral ko, ako na ang gagawa ng paraan para makalayo kami sa hinayupak na itay ko at sa lugar na ito na pinamumugaran ata ng lahat ng klase ng masasamang tao pwera na lamang sa ninang ko na madalas tumulong sa aming mag-ina sa oras na kumakalam na ang sikmura namin.

“Ellaine! Ellaine! Bumaba ka na dyan s bubong at matulog ka na, may pasok ka pa bukas ng maaga! Sigaw ni inay mula sa baba ng dalawang palapag na barong barong namin dito sa eskwater’s area sa pasig. Naputol tuloy ang pagmumuni muni ko sa ibabaw ng bubong na sadyang libangan ko na matapos kong gawin lahat ng assignments ko sa school.

“Opo! Matutulog na po ako!,” ganting sigaw ko sa inay ko at bumalik na ako sa loob ng bahay upang matulog.

Matapos kong magsambit ng munting dasal upang tulungan ako ng Diyos na matupad ang mga pangarap ko ay humiga na ako sa banig na sa tingin ko ay hindi na tatagal ng ilang taon dahil sa lagas lagas na hibla nito. 

"Dadating ang panahon, malambot na kutson na ang hihigan namin ni inay..." wika ko bago tuluyang pumikit ang mga mata ko sa pagtulog.

Kinabukasan...

"Hoy! babae k, wag mo nga akong pakialaman gagawin ko anuman ang gustuhin ko... Baka gusto mong masaktan ulit... 

Nananaginip ba ako? Bakit parang naririnig ko ang walang hiya kong ama na inaaway na naman si inay.

"Parang awa mo na Luis, wag mong kunin yang perang yan, pambaon yan ng anak mo at pambayad sa eskwela"…

Si inay bay un? Ano ba yan pati ba naman sa panaginip ganito pa rin ang sitwasyon?

Blag!

Isang malakas na kalabog ang nagpagising sa diwa ko. Hindi na  pala ako nanaginip, dumating na pala ulit si itay matapos ang ilang araw na pagkawala na madalas naman nitong gawin at pagkatapos ay guguluhin na naman kami ni inay. Agad akong bumangon at pilit na inawat si itay na akmang susuntukin na naman si inay.

“Huwag mong saktan si inay, wala ka na ngang pakinabang sa amin mananakit ka pa!” sigawko habang hawak hawak ko ang braso ni itay.

“Lumayo ka nga peste ka!” sabay tulak sa akin ni itay kaya sumalya ako sa upuang kahoy sa may likuran ko.

“Tama lang sa inyo yan, kayo ang malas sa buhay ko, simula ng dumating kayo ngkaletse-letse na ang buhay ko!” wika ni itay sa nanlilisik na mata.

“Ikaw ang letse! Ikaw ang gumagawa ng sarili mong kapalaran bakit sa amin mo isisisi ang lahat!” paglalakas ng loob ko kahit alam ko na maaari akong masaktan dahil sa pagsagot ko sa kanya.

“Gago kang bata ka ah!” sabay sugod sa akin ni itay at sinampal ako ng ubod ng lakas.

“’Wag mong saktan ang anak ko!” nagulat ako ng sumigaw si inay, noon ko lang sya narinig na sumigaw kay itay marahil dahil ngayon rin lang nya ako nakitang sinaktan ni itay kaya hindi nya na kinaya ang magtiis.

“Aba at lumalaban ka na ha, sige ganyan nga, eto yata ang gusto mo e” sabay lapit sa akin ni itay at sinipa sipa ako, parang wala na talaga sa sarili si itay at hindi ako magtataka kung nasa ilalim na sya ng impluwensya ng droga dahil sa nanlilisik niyang mga mata. Tumakbo si inay papuntang kusina, at sa pagbalik nya dala-dala nya ang kutsilyo at inihamba kay itay.

“Sige saktan mo pa ang anak mo at papatayin kita!” sigaw ni inay kasabay ng pagbuhos ng luha sa kanyang mga mata habang wala ring pagsidlan ang pagluha ko dala ng takot, kaba at sakit mula sa pananakit ni itay sa akin.

Halata ang pagkabigla ni itay sa galit na nakita nya kay inay habang hawak hawak ang kutsilyo kaya’t  dahan dahang ito lumayo sa amin ni inay.

“Oo na, aalis na ako pero humanda kayo, gaganti ako sa ginawa nyong ito sa akin!” pagbabanta nito at tuluyan na nga itong lumabas ng bahay namin.

“Inay! huhuhu!” niyakap ko si inay na ramdam ko ang panginginig ng katawan marahil dala ng pinaghalong galit at takot sa ginawa ng itay sa akin.

“Anak! Patawarin mo ako, alam kong matagal akong nagbulagbulagan sa ugali ng itay mo dahil umaasa akong magbabago sya pero hindi ko kaya na makita na pati ikaw ay saktan nya, patawarin mo ako anak…” wika ni inay habang yakap yakap nya ako ng mahigpit.

“Anong masakit sa’yo? Teka kunin ko muna ang gamot, wag ka na rin muna pumasok para makapahinga ka” hindi magkandatuto si inay sa pagsipat sa mukha ko at sa katawan ko na sinipa sipa ni itay.

“Okay lang po ako inay, kaya ko po pumasok, hindi po ako maaaring umabsent ngayon, malapit na po ang final exam at nagkukumpleto nap o kame ng mga requirements sa school. Huwag po kayong mag-alala ayos lang po ako, papahiran ko na lang po ng langis para mawala agad ang pamamaga”, paninigurado k okay inay. Hindi ko kasi maatim na lumiban sa eskwela dahil ayokong may mamiss akong leksyon bukod pa sa malapit na ngang matapos ang school year at marami na kaming dapat tapusin sa paaralan.

“Sigurado ka ba anak? Kaya mo ba talaga? Maaari ko naming kausapin ang teacher mo para ipaliwanag sa kanya ang nangyari sa’yo…” paniniyak ni inay.

“Opo sigurado po ako”, nginitian ko pa si inay upang mapawi ang kanyang pag-aalinlangan.

“E sya kung yan ang pasya mo, teka ipaghahanda kita ng makakain, kailangan mo na rin magmadali kasi baka mahuli ka na sa eskwela”.

“Sige po inay, aayusin ko na po ang mga gamit ko”. Matapos kong mag-ayos at kumain ay nagpaalam na ako kay inay para pumasok sa paaralan.

Hayyy... buti na lang malapit lapit lang ang paaralan namin at konting tyaga sa paglalakad ay makakarating din ako dun, yun nga lang medyo late kasi halos 30 minutos din na lakarin yun bago makarating ako sa school namin at yun ay kung medyo bibilisan ko pa ang paglalakad. Buwisit kasi talaga yang si itay e, dahil kinuha nya yung perang itinatago ni inay ayan walkaton na naman ang drama ko haayyy... Lord kasalanan bang ipagdasal na kunin mo na ang walang kwenta kong ama, hayyy sorry po Lord puro hayyyy na lang ako habang ngmamadali ako sa paglalakad. 

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon