part 3 lihim na pagtingin

200 3 0
                                    

Raffy’s POV

Buti naman napapayag ko na sumabay sa akin si Ellaine, matagal ko nang crush si Ellaine simula pa ata grade schoolers pa lang kame ay humahanga na ako sa kanya, hindi kasi sya gaya ng ibang babae na maarte. Si Ellaine super independent pero kahit ganon pa man parang ang sarap pa rin nyang alagaan kaso sa sobrang pagka independent nya wala tuloy masyado makalapit sa kanya ng basta-basta, maswerte na nga lang ako dahil madalas ko syang makasama at makausap dahil sa mga competitions na sinasalihan namin.

Alam ko na maraming gustong pumorma sa kanya kaso naiintimidate sa kanya, beauty and brains kasi si Ellaine, ang nakakatawa dun hindi ata aware si Ellaine sa mga nagpapalipad hangin sa kanya o mas tama sigurong sabihin na wala syang panahon at pakialam sa mga crush at ligaw ligaw na yan kaya ang ilan sinasabi na tomboy ata daw ito pero alam ko na hindi totoo ito sadya lang hindi sya ang tipo na kinikilig sa mga nagpapakita ng interes sa kanya.

Pakiramdam ko rin hindi sya aware na may angkin syang kagandahan na kung tawagin nga nila ay effortless beauty. Iisa lang karaniwan ang hair style nya, ang natural na kulot na buhok na madalas na nakatirintas at dahil nga sa kulot ay may mangilan ngilang hibla ng buhok ang umaalpas framing her face. She has almond-shaped dark brown eyes, covered with lush lashes, perfectly shaped eyebrows, turned up nose and cute lips, cute kasi maliit pero parang iginuhit ng isang magaling na pintor. Hindi sya katangkaran, 5’4 lang ata ang taas nya, may balingkinitang pangangatawan at medyo maputi ang balat.

Wala akong alam na barkada o bestfriend si Ellaine pero hindi naman masama ang ugali nya, siguro masyado lang syang loner. Sabagay, karamihan kasi sa mga babae dito sa school namin walang inatupag kundi magpacute sa mga crush nila at hindi ko yata magugustuhan kung mahahawahan ng ganoong ugali si Ellaine.

“Oy pare baka naman matunaw si Ellaine sa pagkakatitig mo sa kanya!” iiling-iling na sabi ni Jeric sa akin.

Hayyy… nakatitig na naman pala ako kay Ellaine ng hindi ko namamalayan. Nandito kami ngayon sa classroom namin, break time kaya wala ang teacher namin. Tapos na akong kumain at kanikanina lang ay may sinusulat ako sa notebook ko ng mapansin ko si Ellaine na busy sa binabasa nyang libro. Lagi na lang kasi akong napapatitig ng hindi ko namamalayan kapag nakikita ko si Ellaine, ang sarap kasi nyang titigan para ka nang nakakita ng anghel sa katauhan nya.

“Oo nga pare, ligawan mo na kasi kesa nakukuntento ka na lang sa patingin tingin dyan!” sabat naman ng isa ko pang kaibigang si Sony.

“Di ba kanina kasabay mo sya pagpasok, ano!? Nasabi mo ba na gusto mo syang ligawan?” tanong ni Jeric.

“Alam nyo namang…”

“Hindi mo nasabi?! Tsk... Tsk… sinasabi ko na nga ba e mahina ang manok natin”, putol ni Mon sa sasabihin ko.

“Hindi naman sa ganon pero hindi nyo ba nakikita kahit magsabi ako sa kanya ng nararamdaman ko hindi nya naman ako papansinin baka nga layuan pa ako kaya mas okay ng ganito, mga bata pa naman tayo e mahaba pa ang panahon para pag-isipan ko kung paano nya ako mapapansin,” pagpapaliwanag ko sa kanila. Si Jeric, Sony at Mon ang mga kabarkada ko dito sa school pero si Jeric ang pinakamatagal ko nang kaibigan dahil gaya ni Ellaine kaklase ko rin si Jeric simula pa noong nasa Elementary pa lang kame samantalang sila Sony at Mon ay naging kaklase lang namin nung tumuntong kame ng high school dahil nagmula sila sa ibang school.

 “Pero pare mabuti na yung naipahiwatig mo ang nararamdaman mo, kung tanggihan ka man nya ngayon e ang mahalaga nasabi mo at sabihin mo na rin na handa kang maghintay kung kailan sya magiging ready,” payo ni Sony.

“Di bale na lang baka kasi mailang sya sa akin sakaling malaman nya ang totoo”, sabi ko.

“Sige bahala ka, kapag ikaw naunahan ng iba wag mong sabihing hindi ka namin pinayuhan ha”, wika ni Mon.

Isang tipid na ngiti na lang ang ibinigay ko sa kanila dahil kahit anong paliwanag ang gawin ko hindi nila maiintindihan, kilala ko si Ellaine alam ko na iiwasan na nya ako kapag nagtapat ako sa kanya dahil ganon ang nangyari sa mga lalaking sumubok na manligaw sa kanya, kulang na nga lang e pagtaguan nya ang mga ito at ayokong mangyari sa akin ang ganon masaya na ako ng ganito gaya nga ng sinabi ko mga bata pa kame at dadating din ang araw na masasabi ko rin sa kanya ang nararamdaman ko at gusto ko yun yung panahon na ready na kame pareho at may maipagmamalaki na ako.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon