Part 10 the good hearted professor

113 2 0
                                    

Kinabukasan, pinuntahan ko agad ang HRM department para makausap si Prof. Valderama.

“Excuse me miss, I’m Ms. Ellaine Rosales, I’m looking for Prof. Valderama,” sabi ko sa secretary ng faculty ng HRM department.

“Oh yeah Ms. Rosales, Prof. Valderama is expecting you today, this way please,” sabi ng secretary at sinamahan nya ako sa kwartong nasa dulo ng faculty room at doon ko lang napagtanto base sa nakasulat sa pintuan ng opisina nya ang ROSE MARIE F. VALDERAMA, Ph. D. at sa baba ay ang Department Head, sya pala ang head ng HRM department, akala ko kasi isa lang sya sa mga ordinaryong Professors dito, ineexpect ko kasi na bilang asawa ng isang bilyonaryong may ari ng mga hotel sa Pilipinas ay part timer lang sya sa pagtuturo kung baga para lang mapagbigyan ang hilig sa pagtuturo, hindi ko inaasahan na mataas ang posisyon nya at nagpapakapagod masyado sa maraming trabaho sa university. Hmmnn… kaya naman pala pinapatigil na sya ng asawa sa pagtuturo e, masyadong maraming obligasyong nakaatang sa balikat ng asawa nya lalo na bilang head at lalo pa sa gaya ng unibersidad na ito na isa sa pinakamalaki at pinakamahusay na unibersidad dito sa Pilipinas. Pero sabagay, ikaw ba naman ang maging asawa ng mayaman, syempre ikaw ang priority ng nakararami para maging bahagi ng administrative officials ng university.

Kumatok ang secretary at saka binuksan ang pinto papasok.

“Excuse me Dr. Valderama, Ms. Rosales is here,” sabi ng secretary.

“At isa pa ‘yun, Dr. na sya, well lahat nga pala ng mga Professors at nagiging head ay may doctorate degree na, nakakahanga talaga hindi lang pala mahilig magturo ang multi-billionaire na Professor na ito kundi masipag din mag-aral, may karapatan talaga sya na maging head ng department na ito,” sa isip-isip ko. Hayyy ano bang iniisip ko hindi naman lahat ng mayaman gusto lang ay magpasarap at maglamyerda sa buhay, meron ding gaya ni Prof. Valderama, hayyy siguro I just find it amusing bihira kasi ang sobrang yaman sa mundo ng edukasyon bukod sa nakakapagod ang trabaho hindi rin kataasan ang sweldo.

“Ok let her in, and thank you Ms. Carrie,” patungkol nito sa secretary. Pumasok ako sa opisina at nakita ko ang sinasabi nila na famous na si Prof. Valderama, well sa akin naman lang ata sya hindi famous kasi hindi naman ako kabilang sa mundo ng mayayamang katulad nila kaya hindi ko sya kilala.

“Good morning Dr. Valderama, I’m Ms. Ellaine Rosales,” bati ko rito.

“Good morning Ms. Ellaine, have a seat please,” sabi nito at itinuro nito ang upuang nasa harapan ng lamesa nya na nakalaan talaga para sa mga bisita. Ngumiti ito sa akin, napakaaliwalas ng mukha nito, napakaapproachable ng dating, hindi ka maiilang kahit alam mo ang posisyon at estado nito sa buhay, sya ‘yung tipong parang ang sarap maging nanay, chubby ito pero maganda pa rin, maputi at medyo mestisahin ang dating, mahogany brown ang kulay ng straight na buhok nito na hanggang balikat, para itong si Tony Rose Gayda.  Napakasimple nitong tignan kahit bakas ang estado sa buhay sa suot nito marahil dahil hindi makapal ang makeup nito sa mukha at tanging hikaw at relo lamang ang alahas na makikita mo sa kanya.

“Thank you ma’am,” sabi ko dito.

“So I expect you already knew why you came here?” bungad nito.

“Yes ma’am, Dean Suarez told me already, and I’m so thankful that you consider me to be your student assistant,” wika ko.

“Well I heard a lot of good things about you, you just don’t know how much your professors adored you, they told me also your condition and how much you needed this job,” sabi nito.

“Yes ma’am, its just that I really wanted to finish my studies because I know that this is my passport for a good life,” paliwanag ko.

“Yeah I understand and that’s exactly what I’m looking for, so i’ll see you more starting June at huwag kang mag-aalala tutulungan kita every step of the way if you will just let me,” sabi nito.

“Salamat po ng marami, susuklian ko po lahat ng kabutihan nyo sa akin,” sabi ko dito.

“That’s good to hear, so, ibigay mo sa akin ang schedule mo pati na rin ang contact number mo or any details how to reach you if ever I need you okay?”

“Ok po,”

Matapos kong maibigay ang mga impormasyong kailangan nya tungkol sa akin, sumunod naman naming pinag-usapan ang magiging trabaho ko sa kanya. At tama nga ang sinabi ni Dean Suarez, magaan lang ang trabaho kay Prof. Valderama, kailangan ko lang magreport sa kanya everyday, umupo sa harap ng computer para icheck ang mga mails na dumadating sa kanya, maging messenger kung kinakailangan, encoder kung may rush report at maging companion sa mga panahong kailangan nito ng kasama. Hayyy another answered prayer na naman ang pagdating ni Dr. Valderama sa buhay ko, talagang hindi pinapabayaan ng Diyos ang mga taong humihingi sa Kanya ng saklolo. 

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon