Prologue

817 5 0
                                    

Bakit nga ba ang buhay minsan napakakomplikado? Masyadong maraming isipin at kailangang lutasin. Pero sadya yatang ganon ang buhay, yun nga lang nakakapagdamdam lang hindi nga yata patas ang mundo, bakit kailangang merong naghihirap samantalang ung iba nagpapakasasa sa kaginhawahan… haaayyy!

Ako si Ellaine, at sa mura kong edad masyado na akong seryoso sa buhay. Sa mura kong edad natutunan ko na walang ibang makakatulong sa sarili ko kundi ako. Kaya gagawin ko ang lahat para matupad ang lahat ng pangarap ko para sa akin at sa pinakamamahal kong inay, ang inay ko na pinaghuhugutan ko ng lakas para magpatuloy at lumaban sa buhay.

Ako si Ellaine, nangangakong mas matimbang ang utak kesa puso. Hindi ko hahayaang magaya ang kapalaran ko sa aking inay na dahil sa pagmamahal sa maling lalaki ay naging dahilan ng patung patong na kamalasan sa buhay namin.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon