Part 27 - Rebelasyon

7 0 0
                                    

Kinabukasan sa tambayan sa may likod ng Library...

"Hi!"

"Oi kuya Alex kumusta? Parang puyat ka ata, night out with the barkadas?" puna ni Mandy.

"Nope" Napansin rin pala nito ang pagkapuyat ko, hindi kasi ako makatulog kakaisip kung anong gagawin ko, kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi. Paniguradong magagalit si Ellaine kapag nalaman nya ang ginawa ko pero ayoko na namang dagdagan ang kasalanan ko sa pamamagitan ng paghahabi na naman ng panibagong kasinungalingan.

"Ah Ellaine eto na 'yung phone mo," sabay abot sa phone nya. Binawi ko ulit kay manang Dory ang phone ni Ellaine at ibinigay ko na lang ang pinaglumaang iphone ko kaya't tuwang tuwa ito dahil sigurado daw na matutuwa ang anak nya na padadalhan nya ng phone, hayyy at least may natuwa sa ginawa ko.

"O, akala ko ba nasira na, e mukha namang walang nangyari  dito ah," sabi nito habang sinisipat sipat ang cellphone nya.

"Ah eh kasi Ellaine, hindi naman talaga nasira ang phone mo..." Napapakamot kong pagtatapat.

"Ha? E bakit sabi mo... Alex!?" Sabi nito at pinaningkitan ako ng mata.

"May kailangan kang ipaliwanag," diretso nitong pahayag.

"Oh am i missing something here?" Lalo akong kinabahan dahil pati si Mandy ay nandito para saksihan ang pagtatapat kong gagawin.

"ahm kasi Ellaine.... kasi..." God ngayon lang ako kinabahan ng ganito, hindi naman ganon kalaki ang kasalanan ko pero bakit ganito na lang ang kaba ko na tuluyan syang magalit sa akin.

"Alex i'm waiting..." Si Ellaine na matamang nakatingin sa akin.

"Oh my this is so exciting, Alexander the great is blushing and sweating terribly, soooo cute kuya Alex hahaha," pang-aasar pa ni Mandy.

"Stop it Mandy," saway ni Ellaine kay Mandy.

"Okay..." Sabi nitong ngingisi-ngisi.

"Ano na Alex? What's with the lies? May ginawa ka ba at hindi mo masabi sabi sa akin ang nangyari?" Tanong pa ni Ellaine.

"Ellaine promise me first na hindi ka magagalit, maliit na bagay lang naman ang nagawa ko," paliwanag ko dito.

"Depende, kung maliit na bagay lang pala then spill it there's nothing to worry," sabi nito.

"Maliit na bagay pero kung pagpawisan wagas?" Sarkastikong pahayag ni Mandy.

"Mandy tigilan mo na yan," saway ulit ni Ellaine kay Mandy. 

"Sorry ate Ellaine, hindi ko mapigilan, pero promise i'll be quiet na," hinging paumanhin nito kay Ellaine.

"Ano na Alex?! Sasabihin mo ba o ano?" Madiing pahayag ni Ellaine.

"Okay, okay... naiwan mo nga 'yang phone mo, nahulog sa kotse ko," huminga muna ako ng malalim tsaka muling nagsalita.

"Hindi totoong natapakan ko at nasira, binalak kong ibigay kay manang Dory ang phone mo at palitan ng iphone ko kaso hindi mo naman tinanggap," pagsasabi ko ng totoo.

"At ano namang dahilan at binalak mong ipamigay ang phone ko sa iba?" Tanong ulit nito.

"Hindi ba pwedeng gusto ko lang mabago ang phone mo kaya ko ginawa 'yun?" Ayoko nang magsinungaling pero natatakot talaga akong umamin kya 'yun ang nasabi ko.

"Really? Welll Alex it doesn't make any sense at all, dahil pwede namang ialok mo sa akin ang phone mo na hindi ka na gagawa pa ng istorya so you better tell me the truth kung gusto mong kausapin pa kita," banta nito. Mukhang no choice na ako kailangan ko na talagang sabihin ang totoo.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon