part 7 sacrifice

139 1 0
                                    

Dahil sa sunog na naganap maraming nawalan ng tahanan, mabuti na lamang at may relocation area na ipinagkaloob ang munisipyo sa mga nawalan ng bahay. Si ninang ay sumama na rin lamang sa bahay na aming nilipatan dahil nag-iisa rin lang naman sya sa buhay kaya minabuti na nyang sumama sa amin. May mga nagdonate din ng mga damit at pagkain para sa mga nasunugan kaya kahit papaano ay may nagagamit at nakakain kami.

Nang lumabas na ang imbestigasyon ukol sa nangyaring sunog sa aming lugar, nagulat kami dahil nagmula pala sa bahay namin ang sunog at isang bangkay ng lalaki ang kanilang natagpuan at kinumpirmang bangkay ito ng walanghiya kong ama. Isang saksi rin ang nagpatunay na si itay nga ang nagsimula ng sunog. Lasing na lasing daw ito ng dumating sa bahay namin at nagsisisigaw at hinahanap kami ni inay at nang hindi kami natagpuan ay nagwala ito at ipinaghahagis ang mga gamit namin sa loob ng bahay kasama ang kalang de gaas na syang pinagmulan ng apoy dahil nabagsakan ng sigarilyong hawak hawak nya habang nagwawala. Hindi ko tuloy alam kung magpapasalamat ako o maguiguilty dahil hiniling ko na sana ay mawala na si itay. Hindi ko naman alam na sa paghiling ko ay kasama ang bahay namin sa mawawala pati na rin ang pagkaantala ng pag-aaral ko sa kolehiyo. Naisip ko tuloy masama nga yatang humiling ng masama para kapwa kahit gaano pa ito kasama.

Dahil sa nangyari, napilitan akong tumigil sa pag-aaral at humanap ng trabaho para matugunan ang mga pangangailangan namin at upang makapag-ipon na rin ng pera para maituloy ko ang pag-aaral ko. Ayaw sana ni inay pumayag na tumigil at magtrabaho ako ngunit wala naman kaming magagawa. Maaari sana akong mag-apply for scholarship para matugunan ang pangangailangan ko sa kolehiyo pero paano ang pamasahe at baon ko pati na rin ang mga pangangailangan namin sa bahay sa pang-araw-araw tiyak magugutom kami.

Hindi naman ako nahirapan makahanap ng trabaho, nakapasok ako bilang cashier sa isang grocery store malapit sa lugar namin. Ngtatrabaho ako doon mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, pagdating ng gabi nagtututor ako sa dalawang anak ng costumer ng ninang ko sa parlor na kanyang pinapasukan. Pinagtalunan pa nga namin ni inay ang pagtanggap ko ng tutee dahil baka daw magkasakit na ako sa sobrang dami ng trabaho ko, buti na lang tinulungan ako ni ninang makumbinsi si inay na hindi naman mabigat na trabaho ang pagtututor tsaka madali lang naman ang itinuturo ko dahil elementary pa lang naman yung mga batang tinuturuan ko, isang grade 1 at ang isa ay grade 2, plus ang babait pa nila pati ‘yung nanay at tatay nila lagi nga akong nabubusog kapag nagtututor ako dun kasi ang hilig kumain ng magkapatid kaya naman ang lulusog nila para silang mga Buddha, yung nga lang parehas silang girl, si Liza yung mas matanda at si Zally naman yung mas bata.

Sa paglipas ng mga araw, unti-unti na kaming nakakabangon nila inay, kahit papano ay may bago na kaming damit at ibang mga pangunahing kagamitan sa bahay gaya ng lamesa, upuan, lutuan at higaan  kahit hindi masyadong magaganda okay lang basta meron kaming magagamit.

Ang bilis ng panahon, isang taon na rin ang nakalipas simula nang mangyari ang sunog, andami nang nangyari kahit hindi ako nag-aaral masaya ako na kahit papano ay nakakatulong ako sa mga gastusin sa bahay. Ngunit minsan hindi ko maiwasang mapatitig sa mga mag-aaral na aking nakakasabay, hindi pa rin nawawala ang pangarap ko na makapagtapos ng pag-aaral para maging isang magaling na arkitekto at maging presidente ng isang kumpanya.  

Minsan ng kasama ko si inay pagpunta sa palengke, may grupo ng mga kolehiyala kaming nakasabay sa jeep, hindi ko namalayan na napatitig ako sa kanila habang masaya sila nagkukwentuhan hanggang sa bumaba sila sa University na kanilang pinapasukan.

“Anak, pasensya ka na ha, hindi ko gustong matigil ka sa pag-aaral kaya lang…” si inay, napansin nya pala ang pagtitig ko dun sa mga kolehiyala kanina.

“Inay naman e, hindi natin kagustuhan lahat ng nangyari sa atin, tsaka nadelay lang naman ang pag-aaral ko, pedeng pede ko pang ituloy ito,” wika ko.

Ngumiti na lamang si inay sa akin ngunit kita ko ang lungkot sa mga mata nya dahil sa pagnanais nya na makapag-aral din ako gaya ng ibang mga kabataan na kaedad ko.

Lumipas pa ang mga araw, malapit na naman ang pasukan ngunit hindi pa rin sapat ang naipon ko para makapag-aral ako. Hayyyy! Ano pa nga bang magagawa ko kundi ang magtiis, pero pangako isang taon na lang, mag-eenrol na talaga ako.

“Anak, malapit na ang pasukan, hindi ka pa ba hahanap ng eskwelahan na mapapasukan mo? Aba dapat e kumukuha ka na ng entrance examination sa mga panahong ito ah?” tanong ni inay. Nag-aalmusal kami noon kasama si ninang, Linggo noon kaya kumpleto kami wala kaming mga pasok.

“Oo nga Ellaine, bakit hindi ka pa maghanap ng mapapasukan?” tanong din ni ninang.

“Sa isang taon na lang po ako mag-eenrol para makapag-ipon pa po ako, medyo mahal po kasi ‘yung gusto kong kurso kaya kailangan marami tayong ipon,” wika ko kila inay.

“Pero anak, sayang ang panahon, tsaka kakayanin naman siguro natin ang mga gastusin, tsaka di ba kukuha ka pa ng scholarship? Malaking kabawasan na rin ‘yun kaya pede ka nang pumasok ngayong pasukan,” pangungumbinsi ni inay sa akin.

“Inay, pinag-isipan ko na pong mabuti ito, bago pa lang tayo nakakabangon sa mga gastusin at intindihin dito sa bahay at sakto lang sa mga pangangailangan natin dito sa bahay ang kinikita natin kapag dumagdag pa ako paano na naman tayo? ayokong dumating sa punto na nakakapag-aral nga ako pero magugutom naman tayo,” paliwanag ko kay inay.

“E di ba nakaya naman natin noong high school ka? Tiyak kakayanin din natin ito ngayon,” wika pa ni inay.

“Iba na po ito ngayon inay, wala na po ako sa high school, mas higit na magastos ang pag-aaral sa kolehiyo, at hindi na po pedeng lagi na lang akong mag-eexcuse kung hindi ko matugunan ang mga requirements sa kurso ko,” patuloy na paliwanag ko kay inay.

“Pero anak, maghahanap pa ako ng ibang pagkakakitaan para makadagdag sa mga gastusin sa pag-aaral mo,” si inay.

“Inay hindi po kayo pedeng mapagod ng husto di ba nga may history na kayo ng tubercolosis baka pag nagdagdag pa kayo ng trabaho bumalik na naman yung  sakit nyo, tama na ‘yung trabaho nyo sa carinderia ni aling Mameng, kung ako nga ang masusunod hindi ko na kayo pagtatrabahuhin e,” sabi ko.

“Dyan naman ako hindi papayag, gusto kong makatulong sa inyo kahit papano, ayokong maging pabigat,” wika ni inay.

“Hindi po kayo pabigat, anlaki nga ng nagagawa nyo para sa amin ni ninang e, kayo ang nag-iintindi sa lahat ng mga gawaing bahay dito, kayo ang nag-aasikaso sa amin,” sabi ko.

“Pero ayokong matigil ka ng matagal sa pag-aaral, siguro naman meron pa akong mahahanap na trabaho na hindi masyadong mabigat para makadagdag sa pag-aaral mo,” pagpupumilit ni inay.

“Pero inay…” nahihirapan na akong magpaliwanag kay inay.

“Ay nako Lanie hayaan mo na nga ‘yang anak mo, matalino ‘yang anak mo, alam nya ang ginagawa nya magtiwala ka na lang,” sabi ni ninang na kanina pa nakikinig sa amin ni inay.

“Ang sa akin lang naman ay ayokong masyadong masakripisyo ang kanyang kapakanan nang dahil sa pag-iintindi sa akin, pakiramdam ko kasi nakakalimutan nya na ang maging masaya at maranasan ang mga ginagawa ng mga kabataang kaedad nya,”

“Sus naman inay, masaya ako, masayang-masaya ako sa ginagawa ko tsaka para kanino rin ba ang mga ginagawa ko? Para rin sa atin ito, kailangan lang nating magtiis ng konti para kapag nakamit na natin ang tagumpay sobrang tamis at walang humpay,” exaggerated ko pang sabi kay inay.

“Tsaka gusto nyo ba akong tumulad sa mga kabataan ngayon? E puro lakwatsa at puro pakikipagrelasyon lang naman ang laman ng mga utak ng mga ‘yun, gugustuhim nyo ba na tumulad ako sa kanila?” dagdag ko pa.

“Hindi naman sa ganun pero…” magpapaliwanag pa sana si inay ng sumingit si ninang.

“Ay nako tapusin na nga natin ang usapang ito, inaanak bahala ka na, gawin mo kung ano ang alam mong tama, naniniwala naman ako sa’yo, at Lanie huwag kang mag-alala sa anak mo sa tingin ko naman hindi nya gagawin ang lahat ng ito kung labag sa kalooban nya, hayaan na natin sya ha? okay?” pagkumbinsi nya kay inay.

“Hayyyy, sige na nga, basta anak ha, ipangako mo sa akin na next school year mag-eenrol ka na, tsaka gusto ko huwag mo ako masyado alalahanin, okay lang ako kung anong meron sa atin ngayon masaya na ako basta magkasama tayo ‘yun ang importante sa akin hindi mahalaga ang materyal na bagay kung mahihirapan ka lang at hindi ka magiging masaya, okay?” sabi ni inay.

“Pangako po,” sabi ko at itinaas ko pa ang kanang kamay ko tanda ng pangangako ko. 

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon