Part 22 Responsibility

116 2 0
                                    

Ellaine's POV

"Good morning po tita Marie," bati ko kay prof., simula nang maging close kami ni Alex she insisted na tita Marie na ang itawag ko sa kanya kaya kahit nahihiya sumunod na lang ako.

"Good morning iha," bati rin nito sa akin.

"What time nga pala ang lakad nyo ni Alex mamaya?" Tanong nito.

"Lakad po? Wala naman po kaming lakad ngayon eh, last week pa po 'yung huling lakad namin nung sinamahan nya po kami ni Mandy sa Tagaytay," takang sagot ko dito.

"Wala? E ang sabi ni Alex kanina sa daddy nya e may ocular daw kayo ngayon kaya sasamahan ka nya," buong pagtatakang sabi nito.

"Wala naman po kaming schedule ngayong linggong ito ng ocular e," sagot ko.

"E 'yun ang sabi nya kaya hindi daw sya makakasama sa board meeting ng kumpanya kasi...," hindi na nito naituloy ang sasabihin.

"Tsk, tsk, tsk, hay nako he's still Alex after all, pasensya ka na ha pati ikaw idinamay ni Alex sa kalokohan nya," hinging paumanhin ni prof.. dahil alam na nito kung bakit nagdahilan ng ganon ang anak, lumigtas na naman ito sa responsibilidad nito sa kumpanya.

"Nako okay lang po, pasensya na rin po kasi dumagdag pa ata ako sa problema nyo kay Alex," hinging paumanhin ko rin, talaga nga naman itong Alex na 'to o makaligtas lang sa responsibilidad sa kumpanya pati ba naman ako idinamay!? Lagot ka sa akin mamaya, isip-isip ko pero hindi ko rin naman kasi maintindihan kung bakit kapag ako ang idinadahilan ni Alex laging okay lang kila prof. nahihiya tuloy ako parang dumagdag pa ata ako sa isipin nila.

"Nako wala kang kasalanan, masyado lang talagang makalokohan itong si Alex parang hindi nagmamature to think na hindi na sya bata para sa mga ganong kalokohan, hayyy kelan kaya magmamature pagdating sa trabaho yang si Alex?" Sabi nito kasabay ng isang malalim na buntong hininga.

"Hayaan nyo po pagsasabihan ko rin po si Alex pag nagkita kami," sabi ko na lang para kahit papano makatulong ako, 'yun ay kung makikinig sa akin ang mokong na 'yun.

"Sana nga makinig sya sa'yo, pero wag mo na masyado isipin 'yun, i know dadating din ang panahon na magmamature din si Alex, i just hope it will be soon kasi me and his dad are not getting any younger," sabi nito.

"Sana nga po," nasabi ko na lang.

------------------

"O ate Ellaine bakit nakabusangot ang mukha mo e ang aga-aga," tanong ni Mandy ng makitang nakasimangot akong pumasok ng classroom.

"Hay nako, e kasi naman etong si Alex, ginawa ba naman akong dahilan para lang makatakas sa board meeting ng kumpanya nila," paliwanag ko kay Mandy pero sa halip na makisimpatiya sa akin bigla itong tumawa.

"Ang epic lang talaga nitong si kuya Alex o, sukat ba namang ikaw ang isangkalang, well i can't blame him kahit ako ikaw din ang gagamitin ko kung sakali," sabi nitong natatawa pa rin.

"At bakit naman? Kelan pa ako naging sangkalan?" Sarkastikong tanong ko kay Mandy.

"Hay nako ate Ellaine, remember kapag nagpapaalam ako kila daddy at nalaman nilang ikaw ang kasama ko, hindi ba lagi silang pumapayag? Ganon kalaki ang tiwala nila sa'yo," paliwanag nito.

"Alam ko pero iba 'yun e, at least 'yung sa'yo totoo, e 'yung sa kanya hindi naman totoong may pupuntahan kami pero 'yun ang sinabi nya," inis kong paliwanag sa kanya.

"Sabagay e ibang level naman 'yung sa kanya, kung iisipin e talagang mali nga naman talaga pero hindi natin alam kung anong dahilan kaya ginawa nya 'yun, mabuti pa kausapin mo na lang sya, pero nakakatawa lang talaga si kuya Alex, ang kulit lang," sabi pa nitong tatawa-tawa.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon