part 17 the decision

118 1 0
                                    

2 weeks had passed, kahit sa bahay nila mom ako umuuwi, tuloy pa rin ang mga gimik ng barkada, at lalo pa atang lumala ang pambabae ko sa pagbabakasaling mabura sa isip ko si Ellaine. Putek! Hindi ko talaga matanggap na nagkakaganito ako dahil sa babaeng ‘yun, noong una ilang beses ko syang binalik-balikan sa grocery, pilit ko pa ngang hinihingi ang contact number nya dun sa mga nakasama nya sa grocery store pero mahigpit din ang pagtanggi nila, hanggang sa magsawa na rin ako at hinayaang burahin ng panahon ang pagnanais kong makita muli ang babaeng ‘yun, pagkatapos heto na naman ngayon kahit pilit kong ibaling sa iba ang atensyon ko pilit pa ring nagsusumiksik ang imahe ni Ellaine tuwing makikipagdate ako, actually kundi lang dahil kay mommy siguro araw-araw akong pupunta sa office nya para lang makita si Ellaine.

Isang araw paggising ko, napagdesisyunan ko na puntahan si Ellaine sa university pero hindi ko ipapaalam kay mommy, kailangan kong makakita ng isang bagay sa kanya na ikakaturn-off ko para mawala ang interes ko sa kanya pero naisip ko rin paano kung wala akong makitang hindi maganda sa kanya? Bahala na nga! basta gusto ko syang makita at tsaka ko na iisipin ang susunod.

“O anak, saan na naman ang punta mo?” tanong ni mommy sa akin.

“Ihahatid ka,” kaswal kong sagot dito.

“What for?” takang tanong nito sa akin.

“Bumabawi lang po ako sa inyo,” sagot ko.

“Bumabawi ka nga lang ba talaga o may iba kang pakay?” tanong nito na may pagdududa.

“C’mon mom, gusto lang talaga kita ihatid,” defensive kong sagot.

“Siguraduhin mo lang ha, sige ihatid mo ako pero hanggang sa harap lang ng university then umalis ka na,” sabi nito na may pagdududa pa rin.

“Hindi ba pwedeng ihatid kita hanggang faculty room mo, ipagdadala kita ng mga gamit mo, then pwede nyo rin ako maging assistant,” pagbabakasakali ko.

“Sinasabi ko na nga bang may iba kang pakay e, sorry pero hindi pwede,” tanggi nito.

“Anong ibang pakay? Mom I just what to make it up to you tsaka medyo nabobore na rin naman ako sa panonood ng TV at paglalaro ng computer games dito sa bahay habang naghihintay ako ng gabi para makagimik,” paliwanag ko.

“E kung pumupunta ka na lang kaya dun sa office na inilaan sa’yo ng daddy mo, aba e inaamag na’yung opisinang ‘yun kahihintay na mabisita mo,” sarkastikong wika nito.

“That can wait mom, ayaw nyo po bang tulungan ko kayo?” pamimilit ko dito.

“NO! besides may assistant na ako kaya hindi ko na kailangan ng isa pang assistant, at tsaka nga pala may I remind you na you are no longer allowed in my office,” sabi nito.

“Mom!? Kelan ka pa naging malupit sa anak mo?” reklamo ko.

“Since the day na nagpakita ka ng interes sa student assistant ko, I just got a feeling na kailangan kong gawin ‘to,” sabi nito.

“Sige na nga, ihahatid na nga lang kita sa gate ng university,” pumayag na lang ako kesa humaba pa ang usapan.

“Okay, well then let’s go, o…” sabay abot sa mga gamit nya.

“O akala ko po ba ayaw nyo magpadala ng gamit?” tanong ko dito.

“Ipagdala mo ako hanggang sa kotse,” sabi nitong ngingisi-ngisi.

“Mabigat-bigat din pala ‘tong dala-dala n’yo e, sigurado po ba kayong ayaw nyo ipagdala ko na kayo hanggang sa office nyo?” pamimilit ko dito.

“Huwag na nga,” pinal na sagot nito kaya nagkibit balikat na lang ako.

Gaya ng gusto ni mom inihatid ko sya hanggang sa gate ng university, tsaka ako pumarada saglit sa dakong malayo-layo sa gate. Nang masiguradong nakaalis na sya ay pinaandar ko ulit ang kotse papasok ng university at tinungo ang parking lot na malapit sa architecture department buti na lang nakilala ako ni manong guard kaya naituro nya sa akin agad ang direksyon ng architecture department, tsaka meron naman akong sticker ng university kaya malaya akong nakakapasok dito.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon