part 18 ang paghahatid

99 2 0
                                    

Ellaine’s POV

“Hmmmmmmnn… Ang sarap matulog, inaantok pa ako, ang sarap namang yakapin ng kamay ni inay, ang init ng palad nya, matagal-tagal ko na ring hindi nayayakap ang kamay ni inay, hmmmmmn…” at lalo ko pang ikiniskis ang pisngi ko sa kamay nya.

“Ang kinis ata ng kamay ni inay ngayon… hmmmn ang bango pa… teka bakit amoy pabango ng lalaki tsaka parang lumaki ata ang kamay ni inay…. teka parang may mali…”  Unti-unti kong iminulat ang mata ko, kulay puting paligid? Asan ba ako? at kaninong kamay ‘to? Tiningnan ko ang nagmamay-ari ng kamay na hawak-hawak ko at…

“Hi! Kumusta na ang pakiramdam mo?” si Alex with his killer smile. Napabitaw tuloy ako bigla sa kamay nya.

“Anong nangyari sa akin? bakit ako nandito?” tanong ko dito pero hindi ako makatingin sa kanya dahil sa kahihiyan, gaano ko kaya katagal hawak-hawak ang kamay nya, nakakahiya ginawa ko pang unan ang kamay nya. Babangon sana ako sa pagkakahiga kaso biglang nakaramdam ako ng konting hilo.

“O huwag mong biglain ang sarili mo, hinimatay ka kanina, kaya isinugod ka namin ni Mandy dito sa clinic,” paliwanag nito.

“Ah…” nasabi ko na lang, tinimpla-timpla ko ang sarili ko, medyo nawala na ‘yung hilo, siguro nabigla nga lang ako kanina sa biglang pagbangon ko. Gusto ko sana syang tanungin kung paanong sya ang kasama ko ngayon at kung paanong sila ni Mandy ang nagsugod sa akin dito pero nahihiya pa rin ako, parang gusto ko na lang tumakas sa kahihiyan.

“Okay na ako, babalik na ako sa klase, thank you nga pala,” paalam ko dito.

“No!” sigaw nito.

“Ha?!” nagulat ako sa pagsigaw nito, ano bang problema ng lalaking ito.

“I said no, hindi ka babalik sa klase,” sabi nito.

“Pero okay na ako, kaya ko nang bumalik sa klase,” naglakas-lakasan pa ako para ipakitang kaya ko na talaga kahit medyo nanghihina pa ako.

“Are you out of your mind? Kanina lang hinimatay ka sa sobrang taas ng lagnat mo tapos ngayon babalik ka pa sa klase? Hindi pwede, kabilin-bilinan ng doktor na iuwi ka kapag nagising ka!” natulala ako sa panenermon nito.

“Oo nga miss, tama ang boyfriend mo, hindi ka pwedeng bumalik sa klase kasi mahina ka pa, huwag kang mag-alala may medical certificate na kaming ipinadala sa kaibigan mo para ibigay sa mga professors mo,” singit nung babae na siguro ay nurse base na rin sa suot nyang scrub suit.

“Hindi ko..” itatama ko sana ang sinabi nito na boyfriend ko ito kaso nagsalita na naman si Alex.

“Huwag ka nang matigas ang ulo, halika na aalalayan kita, ihahatid kita sa inyo,” sabi ni Alex.

“Teka lang, kaya ko namang…” magsasalita sana ulit ako para tumanggi kaso nagsalita na naman si Alex.

“Huwag ka nang kumontra,” baling nito sa akin.

“Miss, thank you ha, alis na kami,” paalam nito dun sa babae.

 “Okay sige, pagaling ka miss Ellaine, ang sweet ng boyfriend mo ha, hindi ka talaga iniwan,” sabi nito.

“Miss nagkaka…” itatama ko ulit sana sya kaso sumingit na naman si Alex.

“Tara na,” at inakay na nya ako palabas ng clinic. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa gusto ni Alex, wala pa akong masyadong lakas para makipagtalo dito kaya sumunod na lang ako.

“Teka lang Alex, saan ba tayo pupunta?” pigil ko dito nang malapit na kami sa parking lot.

“Hindi ka ba nakikinig? Hindi ba sinabi ko na sa’yo kanina na bilin ng doktor na iuwi ka na,” pagsusungit nito.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon