Part 26 - Ang Cellphone part 2

14 1 0
                                    

"Alex, nakita mo ba ang cellphone ko? Baka kasi nahulog ko sa kotse mo kagabi..." Tanong agad ni Ellaine pagkakitang pagkakita nya sa akin, naisip ko tuloy hinihintay nya kaya ang txt ng mokong na 'yon.

"Bakit may hinihintay ka bang txt?" Sagot ko dito.

"Ha? Wala naman pero mahalaga sa akin 'yun, pinaghirapan ko 'yung mabili mula sa pagtatrabaho ko sa grocery noon" si Ellaine.

Para naman akong naguilty sa tinuran nito.

"Ah oo, kaso hindi ko namalayan na nasa sahig kaya ayun natapakan ko at nabasag, pasensya na Ellaine..." Pagsisinungaling ko dito, sana hindi ako mahalata na gawa-gawa ko lang 'yung nasira ang phone nya dahil ang totoo ibinigay ko na ito kay manang Dory,  isa sa mga katulong namin, matapos kong palitan ang simcard.

"Ano!? panong hindi mo napansin? saan ba nahulog? Patingin baka pwede pang ipagawa, pati ung sim card ko,  'yung mga contacts..."

"Relax ka lang Ellaine.." Sabi ko dito.

"Anong relax ang pinagsasabi mo dyan Alex, antagal kong pinag-ipunan ang pinangbili ko dun tsaka pano ung mga contacts ko dun?!" Mangiyak ngiyak nitong turan.

Nilabas ko ang cellphone na pinaglumaan ko at iniabot sa kanya, actually hindi naman talaga sya luma dahil iphone 6plus ata ito nagkataon lang na nagpalit ako ng mas latest na modelo ng iphone, at alam ko na hindi tatanggapin ni Ellaine kung ibibili ko sya ng bago kaya 'yung pinaglumaan ko na lang.

"Ano 'yan?" Tanong nito.

"Ah cellphone?" Ngingisi ngisi kong sagot.

"Alam kong cellphone 'yan, pero bakit mo binibigay sa akin?"

"Kapalit ng cellphone mong nasira ko," simple kong sagot.

"Hindi ko matatanggap 'yan, ibigay mo sa akin 'yung cellphone kong nasira dahil sure ako na pwede ko pang ipaayos 'yun," tanggi nito. Sabi ko na nga ba hindi ito magiging madali.

"Sira na nga di ba? Tsaka 'wag kang mag-alala pinaglumaan ko na ito, nakastock na lang ito sa bahay at walang gumagamit,"

"tsk, tsk, tsk!" Iiling iling ito.

"What? Bakit? May Nasabi ba akong masama?" Takang tanong ko dito.

"Kayo talagang mayayaman, may dumating lang na bagong model ng phone bili agad, hindi man lang kayo nanghihinayang sa pera e kung tutuusin good as new pa nga 'yung mga gamit nyo papalitan nyo na agad dahil lang sa may bagong modelong dumaying hayyy nako," sermon nito.

"Masama ba 'yun? E what can i do, i have all the means" depensa ko sa sarili ko.

"Oo masama 'yun! And besides kanino bang pera ang ginamit mo pambili e sa pagkakaalam ko hindi mo pinapasukan 'yung trabahong ibinigay sa'yo ng tatay mo, kaya malamang... Ay mali pala sigurado ako na pera ng magulang mo ang pinambili ng mga gamit mo," sermon pa nito.

"Ouch! Hindi mo naman ako iniinsulto ng lagay na 'yan ha Ellaine?" Napasama pa ata ang pagbibigay ko ng cellphone.

"Nope, i'm just telling the truth, does it hurt? You should! Kaya hindi ko tatanggapin yan at ibigay mo sa akin ang phone ko na sabi mo ay nasira dahil ipagagawa ko pa 'yun, hindi ako tumatanggap ng mga bagay na hindi ko pinagtrabahuhan," pagmamatigas nito at sa tono ng pagsasalita nya ngayon mukhang hindi talaga uubra ang charm ko dito.

"Sige na nga, bukas ibibigay ko sa'yo, kung hindi lang kita mahal" bulong ko sa huling parte ng sinabi ko.

"may sinasabi ka?" Tanong nito.

"Wala, hindi naman ako mananalo sa'yo," suko ko dito.

"Buti alam mo, sige dyan ka na, alis na ako, may klase pa ako sa kabilang building, si Mandy pati baka nandun na 'yun may bibilhin lang daw sya sandali at malamang nakabalik na 'yun dun, 'yung cellphone ko ha don't forget," bilin pa nito.

"Ellaine!" Tawag ko dito.

"What?" Lingon nito.

"Ayaw mo talagang tanggapin 'to?" Pakita ko sa iphone na nkabox pa.

Tinaasan lang ako ng kilay nito.

"Okay, okay fine! I get it," itinaas ko pa ang dalawang kamay ko bilang pagsuko.

"Good! Bye Alex! See you around!" At umalis na nga ito ng tuluyan.

---------------------
"Alex, hijo! What brought you here?" Tanong ni mommy, sa office nya kasi ako dumiretso pagkatapos kong makausap si Ellaine, at hanggang ngayon, hawak hawak ko pa rin ang iphone na gusto ko sanang ibigay sa kanya.

"Hi mom!" Bati ko dito.

"What's with the long face?" Tanong nito nang mapansin ang malungkot kong mukha.

"Nothing mom,"

"Hulaan ko, si Ellaine ano?" Tanong nitong parang siguradong sigurado.

Tumango na lang ako. Simula kasi kanina ng makausap ko sya ay hindi na ako mapakali, hindi ko alam kung saan ba talaga ako nadismaya, 'yun bang hindi pagtanggap ni Ellaine ng phone o 'yung sinabi nito tungkol sa pagbili ko ng mga gamit na hindi ko naman pinagpaguran. Hindi ko tuloy maiwasan maisip ang mokong na iyon, hangang hanga sya dito dahil sa mga achievements nito, kung tutuusin hindi pa naman malago ang company nito pero kung hangaan nya at ipagmalaki ganun na lang samantalang ako parang diring diri sya sa mga gamit ko dahil lang sa hindi ako ang bumili nito, kasalanan ko bang ipinanganak akong mayaman?

"What happened? I will listen..." tinabihan ako nito sa sofa at kinuwento ko lahat ng nangyari pati ang tungkol sa mokong na 'yun.

"Sesermonan nyo rin ba ako mommy?" Tanong ko dito matapos kong ilahad ang mga nangyari.

"Well sa totoo lang dapat ka talagang masermunan sa ginawa mo, unang una pinakiaalaman mo at itinago mo pa ang cellphone ni Ellaine, at ang pinakamabigat nagsinungaling ka pa para lang mawalan ng komunikasyon si Ellaine and that mokong you are saying, that's totally wrong hijo but don't worry hindi na kita papagalitan pa tungkol doon dahil mukha namang binabalikan ka na ng mga ginagawa mo, biruin mo binibigyan mo na nga sya ng magandang phone tinanggihan pa nya and what's so surprising is the reason why she didn't accept it, and she's soooo right on that part, kakaibang babae talaga...." Iiling iling nitong wika.

"So what's on you mind now son?" Tanong ni mommy.

"I don't know mom, I don't even know what to think, i just feel bad, kung bakit naman kasi dumating 'yung mokong na 'yon," pag-amin ko.

"So you better do something about it, or else you'll lose her right in front of your eyes, " banta sa akin ni mommy and I don't like it, hindi ako makahinga, its like a matter of life and death, like as if I'll die if that thing happens...

"And remember, you have to be fair, lumaban ka ng patas anak, actually natatawa na lang ako sa'yo hindi ko akalaing magagawa mo 'yung mangialam ng phone at magsinungaling for a girl?! That's evil son, wag na wag mo na uulitin, wag kang gagawa ng bagay na lalong ikasasama ng loob nya, i'm sure kilala mo na naman si Ellaine, maprinsipyong tao si Ellaine so kung gusto mo talaga sya ma win, kailangan mong yakapin at sumunod sa prinsipyo nya which i think would be the best for you also, you have to change son, you have to mature not just to win Ellaine's heart but for yourself as well, for your future," dagdag pa ni mommy.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon