Part 2 Raffy

264 2 0
                                    

"Ellaine! Ellaine!" 

Ha!? May tumatawag ba sa akin? Medyo tumigil ako sa mabilis na paglalakad ng maulinigan ko ang pagtawag sa pangalan ko kaya't lumingon lingon ako.

"Ellaine!" 

"Oy Raffy!" bati ko kay Raffy na nkita kong sakay ng bisikleta nya papalapit sa akin.

"Naglalakad ka ulit?" tanong nya.

"Oo e, medyo gipit na naman sa pamasahe," sagot ko.

"Ah, halika angkas ka na sa akin para mapabilis ka papuntang school", alok nito.

"Nako, hindi na, kaya ko na'to, salamat na lang Raffy!" tanggi ko.

"Sigurado ka ba? Medyo late na tayo o, tsaka mukhang nanghihina ka pa ata, halika na sumabay ka na," pagpupumilit nito.

Napaisip ako, medyo late na nga kame at saka medyo nananakit pa ang mga binti ko dahil sa ginawa ni itay sa akin kaya pumayag na rin ako.

“Sige na nga,” pinaupo ako ni Raffy sa bandang harapan ng bisikleta sa pagitan ng manibela at ng kaniyang inuupuan. Wala kaming naging imikan habang binabagtas ang daan patungong paaralan.

Maya-maya lang ay nakarating na rin kame sa school namin ang Pasig Central High School, public school eto pero dahil nga central school ay may kalakihan at may karamihan din ang pumapasok dito, may 20 sections ang bawat year.

“Una ka na Ellaine,susunod na ako, 5 mins. na lang magsisimula na ang klase, aayusin ko lang ‘to” sabi nito habang inaayos ang kadena ng bisikleta nito sa stand para  sa mga bisikleta na nasa may gate ng paaralan malapit sa guard house.

“Ah oo sige salamat ha!” sabi ko sa kanya at umuna na nga ako sa paglalakad kahit gusto ko syang hintayin dahil nakakahiya naman na matapos kong umangkas e iiwan ko na lang sya basta, kaso alam ko namang maaabutan nya rin ako dahil hindi rin ako masyado makatakbo dahil nga sa medyo masakit pa ang mga binti ko kaya minabuti ko nang umuna sa paglalakad.

At tama nga ako, nasa hagdan na ako ng ikalawang palapag ng abutan nya ako kung bakit naman kasi nasa 4th floor pa yung room namin e ang sakit sakit na nga ng binti ko.

“Ellaine, kanina ko pa napapansin bakit parang medyo iika-ika ka at tsaka bakit parang may latay ang pisngi mo?” tanong nito.

“Ah eto, oo nako kasi kanina sa pagmamadali ko natalisod ako at tumama yung binti ko at saka pisngi ko sa upuan, minsan kasi clumsy talaga ako e, hehe”, sabi ko na lang. Ayoko na kasing pag-usapan pa ang nangyari sa amin sa bahay.

“Ah ganun ba? Tsk.. tsk.. mag-iingat ka baka sa susunod mapasama ang  tama mo, at…… mabawasan ang ganda mo” sabi nito pero hindi ko na masyado naintindihan yung huli nyang sinabi.

“Ha? Ano yun?” tanong ko sa kanya.

“Wala sabi ko bilisan na natin kasi late na tayo”, sabi nito.

 “Oo na, o kaya mauna ka na lang baka nandun na si Ma’am Cerna.” pambubuyo ko dito.

“Hindi okay lang sabay na tayo malapit na naman e…” wika nito.

“Okay bahala ka,” sabi ko dito kahit alam ko na may mga nakatingin sa amin na ibang mga mag-aaral at ang iba ay nagbubulong bulungan pa.

“Sila na ba?” rinig kong sabi nung isang nakasilip sa room na katabi ng classroom namin.

At may kasunod pa

“Imposible di ba tomboy si Ellaine?”  ay naloko na, mukha ba akong tomboy!? Duh!? Hindi naman ako kilos lalaki at hindi naman ako mukhang lalaki hindi lang ako malanding gaya nila haayyy bahala nga sila  wala akong panahon sa ganoong klase ng mga usapin.

At sa wakas nakarating din kame sa classroom namin. Buti na lang lumabas daw ulit si Ma’am Cerna dahil may naiwan sa faculty room kaya nakapasok kame ng classroom ng walang aberya maliban na lang sa konting panunukso ng ilan naming mga kaklase na binalewala ko naman.

Parehas kameng nasa section 1 ni Raffy at karaniwan kaming dalawa ang magkalaban para sa top 1 ng klase. Mabait at maginoo si Raffy, hindi sya nagmula sa mayamang pamilya pero hindi rin naman sila masasabing naghihirap. Maraming may crush kay Raffy dahil bukod sa pagiging matalino, may taglay din itong kagwapuhan at kakisigan, matangkad din ito sa taas na 5’9 at pinoy na pinoy sa kulay ng balat nya na kayumanggi, matangos ang ilong, katamtamang kapal ng labi at kilay at medyo singkit ng konti ang mga mata pero sabi nila yun daw ang asset nito dahil cute daw ang mga mata nito na parang laging nakangiti.

Pero nasa kanya man ang mga katanging kinababaliwan ng karamihan ng mga kaklase  at school mate ko, para sa akin hindi ito mahalaga, mas mahalaga sa akin ang pag-aaral, ang makatapos at makahanap ng magandang trabaho. Kaya nga binibiro ako ng mga kaklase ko na tomboy daw yata ako kasi parang wala akong pakialam sa mga lalaki dahil kung sila ang libangan ay pag-usapan ang mga naggwagwapuhang artista at mga crush nila, ako naman madalas lang nasa library at nag-aaral, pano naman kasi wala akong pambili ng mga libro at pangsearch sa internet para makapag-aral ng mabuti at tanging sa library lang ako nakahahanap ng mga isasagot sa mga assignments at projects na kailangan naming gawin. May mga crush din naman akong mga lalaki sa school namin pero hindi talaga iyon ang prayoridad ko sa buhay, mas mahalaga sa akin ang makakuha ng mataas na marka para makapagpatuloy ako ng pag-aaral dahil sa scholarship na pinangangalagaan ko plus additional incentives kapag nkapag-uwi ako ng award sa mga sinasalihan kong kompetisyon.

Maya-maya lang ay dumating na si Ma'am Cerna ang teacher namin sa English at tumatayong adviser na rin ng klase namin, mabait naman ito medyo mahigpit lang sa late at attendance.

Uwiaan na naman, naging maayos naman ang buong maghapon ko sa eskwela kahit na nasimulan ito ng hindi maganda dahil sa panggugulo ni itay. Inannounce na rin ng mga teacher namin sa iba't ibang subjects ang date ng final exam namin at ang scope nito na dapat naming ireview. Excited na ako, ibig sabihin lamang nito malapit na rin matapos ang school year at next year ay 4th year na kame at gagradweyt na ako. Alam kong matagal na panahon pa ang aking gugulin para matupad ang pangarap ko pero sa pakiramdam ko malapit na, at abot kamay ko na ang mga pangarap ko... sabi nga ng isang teacher namin..."Claim it and it will be yours"  para daw maattract ang positive vibes. At naniniwala ako dun, kaya nga kahit alam ko na matagal pa at marami pa akong dadaanan pra matupad ang mga pangarap ko e inaangkin ko na talagang matutupad ang pangarap ko kahit anu pang mangyari.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon