Part 28-From a Distance

0 0 0
                                    

Ilang beses ko nang sinusubukang kontakin ang phone ni Ellaine pero hindi pa rin nya ito sinasagot. Nakakapraning, hindi ko alam kung anong mangyayari, parang gusto kong pagsisihan ang ginawa ko dahil ayoko ng ganito, ayoko na parang iniiwasan nya ako. God i love her, please don't let me lose her, tanging dasal ko na lamang habang patuloy na inireredial ang number nya. I need to see her, hinanap ko ang number ni Mandy at tinawagan ito. Ilang ring lamang ay sumagot na ito.

"Hello kuya Alex?"

"Mandy, help me, hindi sinasagot ni Ellaine ang mga tawag ko," pagmamakaawa ko rito.

"Give it a time kuya Alex, hayaan mo muna si ate Ellaine na makapag-isip, don't worry everything's gonna be alright," paliwanag nito.

"You really think so Mandy? I'm sorry if im bothering you, natatakot lang ako na hindi na ako kausapin ng kaibigan mo, mali ba na nagtapat ako sa kanya?" Tanong ko rito.

"No, i think tama lang ang ginawa mo na magtapat 'yun nga lang medyo mali ang timing, you did something wrong and that made it worst kuya Alex, but that's so sweet medyo kinikilig nga ako sa inyo 'yun nga lng hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ngayon ni ate ellaine so i guess all we can do is to hope for the best, and sana hindi maapektuhan ang friendship natin, pero don't worry kuya Alex, team Alleine ako, ayiiii!" Sabi nitong hindi talaga maiwasang magpatawa.

"Thanks Mandy, i least may kakampi pala naman ako kahit papano, well siguro nga hayaan ko muna sya, pero i can't promise na makahihintay ako ng matagal, hindi ko kaya," pagtatapat ko rito.

"Cool ka lang kuya Alex, kaya mo yan, naniniwala ako na hindi magtatagal at magkakausap ulit kayo," paniniyak ni Mandy.

Lumipas ang isang linggo pero hindi pa rin sinasagot ni Ellaine ang mga tawag ko. Napapraning na ako, pano kung tuluyan na akong hindi kausapin ni Ellaine, pinili kong maghintay pero ngayon hindi ko na kaya kailangan ko na syang puntahan.

—————————-
"Ellaine, nandito ka na pala, may bisita ka," bati ni inay pagdating ko galing sa eskwela.

"Ho? Sino po?" Takang tanong ko dito, wala naman akong alam na pwedeng bumisita sa akin maliban kay...

"Hi Ellaine, kumusta ka na?" Bati ni Raffy.

"Raffy!?" Bulalas ko.

"O bakit gulat na gulat ka? May iba ka pa bang inaasahan maliban sa akin?" Takang tanong nito.

"Hindi naman, akala ko lang kasi kung sino na, maupo ka," bakit ganon parang nadissappoint ako nang malamang si Raffy ang bisita ko.

"Hindi ba sinabi ko naman sayo na dadalaw ako dito sa bahay nyo," takang paliwanag ni Raffy.

"Pasensya na andami kasing trabaho sa school kaya medyo nalimutan ko," paliwanag ko dito.

"It's okay, so kumusta na, is there anything that i can help you with? Sa school?" Alok nito sa akin.

"No, i mean kaya ko naman, thank you for the offer, ikaw kumusta?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Well i'm doing great, lalo na nagkita na tayo ulit, may inspirasyon na ako," hayagang pagpapahiwatig nito ng damdamin na ikinailang ko.

"I... i... i don't know what to say," pag-amin ko dito.

"You don't have to say anything basta hayaan mo lang akong ligawan ka sapat na 'yon," pakiusap nito.

"Tama ba ang narinig ko, liligawan mo ang anak ko?" Sabat ni inay na hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na dumating sya dahil sa nakaiilang na sitwasyon.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon