part 19 dahil sa pupu... hihi

129 2 0
                                    

“Kung ayaw mong kainin, itapon mo pag-uwi mo,” pinal nitong sabi at bumalik na sa driver’s seat. Mukhang pikon na pikon na sya, abot hanggang tenga ‘yung pamumula ng mukha nya at hindi na nya ako kinausap pa. Nagsalita na lang sya nung magtanong sya ng direksyon kung saan ang bahay namin. Nang makarating kame sa may kanto malapit sa bahay namin, nagpaalam na ako, pero bumaba pa sya,  tinanong lang nya sa akin kung alin ang bahay namin at walang lingong likod na binuhat nya ‘yung mga prutas at nagpatiuna na sa paglalakad hanggang sa makarating sa mismong bahay namin. Hindi ko na rin sya kinausap, mukhang galit pa sya e, napaisip tuloy ako, kasalanan ko ba? Sya rin naman ang iniisip ko e, ayoko syang maabala kaya lagi akong tumatanggi sa mga gusto nya.

“Tao po,” sabi nito sa may tapat ng bahay namin.

“Huwag ka nang tumawag, ako na ang magbubukas ng pinto,” sabi ko pero bago pa lang akong lalapit sa pinto nang bumukas ito at iluwa nito si inay.

“Sino sila?” sagot ni inay, narinig siguro ang pag-tao po ni Alex.

“O anak, e sinong tuma-TAO PO? Tsaka bakit ang aga mo yata ngayon?” tanong nito, hindi pa nya napapansin si Alex na nasa likod ko.

“Magandang hapon po,” sabi nito kay inay, mukhang nawala na ang topak hindi na nakamangot ang mukha.

“Magandang hapon rin sa’yo, ay sino ka ba at sinong kailangan mo?” tanong nito.

“Ah inay kasama ko sya, hinatid nya lang po ako,” paliwanag ko.

“Ah ganun ba, halika pasok ka,” sabi nito kay Alex. At pumasok naman agad si Alex, ayos ah, wala ba sa bukabularyo nito ang salitang hiya?

“Maupo ka hijo, anong gusto mo, softdrinks, kape o tubig?” alok nito kay Alex.

“Ayos lang po ako, inihatid ko lang po si Ellaine, tsaka etong mga prutas,” sabay abot sa mga prutas na pinamili nya.

“Ang dami naman nito, salamat ha, anong pangalan mo nga pala? kaklase ka ba ng anak ko?” tanong nito.

“Alex po ang pangalan ko, hindi nya po ako kaklase, anak po ako ng Prof. na pinagtatrabahuhan nya,” sagot nito.

“Ah, o e ano bang nangyari? Bakit maaga kang umuwi at hinatid ka pa nya?” baling ni inay sa akin.

“Wala naman po inay, medyo sumama lang po ang pakiramdam ko kaya pinauwi na po ako ng doktor ng skul namin, e mapilit po sya at si Prof. na ihatid ako kaya nandito sya ngayon,” paliwanag ko, ayokong sabihin na hinimatay ako kasi tiyak na mag-aalala si inay.

“E okay ka lang ba anak? sabi ko naman sa’yo kanina huwag ka na pumasok e, ang tigas ng ulo mo,”  sermon nito sa akin.

“Nako totoo po, ang tigas po talaga ng ulo ng anak nyo,” biglang sumabat si Alex.

“Pwede ba, huwag ka nang makigulo sa amin,”  bulong ko kay Alex.

“Ah inay, magpapaalam na nga po pala si Alex, di ba Alex?” sabi ko at pinandilatan ko si Alex ng palihim.

“Ah medyo nauuhaw ho pala ako, pwede ho bang makiinom?” sabi nito na ikinagulat ko. Mukhang nananadya pa ata ang lalaking ito ah.

“Oo naman, teka magpapabili muna ako ng yelo para naman malamig-lamig ang mainom mo,” sabi ni inay, tsaka tumayo at dumungaw sa may labas at nagpautos sa isa sa mga batang naglalaro na bumili ng yelo.

“Anong ginagawa mo?” bulong ko dito.

“Wala, e sa nauuhaw ako e,” sabi nito.

“Hindi ka rin makapal e no?” sabi ko dito.

“At least hindi matigas ang ulo na gaya mo,” balik nito sa akin.

“O teka lang maiwan ko muna kayo dyan ha, isasalin ko lang ‘tong yelo sa tubig,” sabi ni inay at tsaka pumunta sa aming munting kusina na natatabingan lang ng kurtina.

Seriously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon