Lanz's POV
Hindi ko alam but I sensed something weird. It's just me or weird talaga? Parang ang lungkot ng atmosphere ngayon eh.
Dumiretso na kami papasok ng room. Pagpasok namin ay as usual na nagsitilian nanaman ang mga mga kababaihan. Tsk.
Dumiretso na kami sa mga upuan namin at umupo. Hindi muna namin pinapasok si Az dahil sumakit ang ulo niya. After the party kasi ay pinuntahan namin siya, to check him. Doon na rin muna kami natulog para bantayan at alagaan siya. When he woke up, doon na namin siya tinanong. Now, we already knew what happened to him.
Napatingin kami sa biglang bumukas na pinto. Pumasok si Ashley. Az's ex. Napakunot ang noo ko nang makitang parang wala siya sa sarili habang naglalakad papunta sa upuan niya. Namumugto rin ang mga mata niya.
What's up with her?
Pero ang nakakuha ng pansin ko ay ang taong biglang pumasok.It was Zhee.
Mas kumunot ang noo ko nang makitang namumutla siya. Namumugto rin ang kanyang mga mata at halatang kulang sa tulog. Naglalakad din siya na parang wala sa sarili. In another words, she's like a walking zombie. Walang buhay rin ang kanyang mga mata. At makikita kong puno din iyon ng kalungkutan.Anong nangyari sa kanya?
What's up with them?Kaya ko ba nararamdaman na ang lungkot ng atmosphere ngayon? Bakit ganyan ang mga itsura nila?
"Hey, Zhee. Are you okay?" tanong ko sa kanya nang makaupo na siya. Tanging tango lang ang tinugon niya sa tanong ko. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.
"Are you sure na okay ka lang?" paninigurado ko sa kanya. Pero mismo ako ay nabobobo sa tanong ko eh. Halata namang hindi okay ang tao, tatanungin pa kung okay lang ba! Letse!
Hindi ko na siya kinulit pa. Baka may pinagdadaanan kaya siya siguro ganyan. Pwede naman niyang sabihin sa amin kung ano ang problema niya eh. Baka matulungan pa namin siya.
Napa-ayos kami ng upo nang dumating ang professor namin. Tahimik lang ang buong klase na wari'y nakikinig sa discussion hanggang sa matapos.
"Anong nangyari kay Zhee?" biglang tanong sa akin ni Nathan.
"Ewan. Hindi ko alam eh." sagot ko sa kanya saka inayos ang ibang gamit ko. Break time na rin naman kaya pupunta na kaming cafeteria.
"Baka may problema lang siya." sabi ni Tyler habang nakatingin kay Zhee na nakatulala nanaman.
"Siguro. Hindi rin siya nakadalo sa party, diba?" tanong niya na ikinatango ko nalang. Hindi nga siya nakapunta. Hindi namin alam kung bakit.
"Let's go. Just let her be alone first. Huwag niyo muna siyang guluhin." biglang sabi ni Azhton saka nauna nang lumabas.
Kumunot naman ang noo ko. Bakit ganun siya magsalita? May alam ba siya kung bakit nagkakaganyan si Zhee?
Sinulyapan muna namin si Zhee bago lumabas at pumuntang cafeteria. Dumiretso nalang kami sa table namin at si Tyler na ang nag order ng pagkain namin.
Nahagip ng mata ko si Azhton na may kausap na isang estudyante.
Bago iyon, ah?Nakita kong umalis na ang estudyanteng kinausap niya saka siya bumuntong-hiniga at pumunta sa counter para um-order.
He's weird.
Bakit naman niya kinausap ang babaeng iyon?Nagkibit-balikat nalang ako saka tumingin kay Nathan na kanina pa pala nakatingin sa akin.
"Bakit ganyan ka makatingin kay Azhton?" tanong niya na nakakunot ang noo. I just tsked.
"He's weird. And, kanina ko pa napansin na ang weird ng mga tao ngayon."
![](https://img.wattpad.com/cover/263268524-288-k285697.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind a Mask
ActionZay is a typical simple lady. Simple? Yeah, but she's deadly. She's one hell of a kind. She's perfect but mysterious. Her life is thrilling and even more interesting. She's a human but others sees her as a monster. They don't know her. She has a mi...