CHAPTER 19

56 5 5
                                    

Zay's POV

Dumating na.
Dumating na ang araw na pinaka-inaayawan ko.

Ang araw kung kailan ako madudurog ng husto. Ang araw ng libing ng kakambal ko.

Nakatayo lang ako habang walang buhay na nakatingin sa kabaong na nasa harapan.

Ayaw ko sanang pumunta dahil mabibiyak lang ako ng husto pero kahit sa huling sandali man lang ay masilayan ko ang kakambal ko.

Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko at sa bawat paghakbang ay ang unti-unti ring pagpatak ng luha ko.

'When I am down and, oh my soul, so weary.
When troubles come and my heart burdened me.
Then, I am still and wait here in the silence.
Until you come and sit awhile with me.'

Tuloy-tuloy lang na tumulo ang luha ko habang papalapit sa kinaroroonan ng kabaong niya.

Nang tuluyan na akong makalapit...

Hindi ko na napigilang yakapin ito at doon na tuluyang humagulgol.

'You raise me up so I can stand on mountains.
You raise me up to walk on stormy seas.
I am strong when I am on your shoulders.
You raise me up to more than I can be.'

Ilang patak na ng luha ko ang nasa salamin ng kabaong niya. Ramdam ko na ang panghihina habang nakatingin sa kanya.

'You raise me up so I can stand on mountains.
You raise me up to walk on stormy seas.
I am strong when I am on your shoulders.
You raise me up to more than I can be.'

Hindi ko na kinaya at napaluhod nalang ako. Ramdam ko ang yakap sa akin ni Mommy habang umiiyak.

Nadudurog na ako ng sobra-sobra.
Hindi na ako makahinga sa sobrang sakit. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit.

Inalalayan ako ni Ashley at Az na makatayo. Wala sa sarili akong umupo at natulala.

Hinang-hina na ako. Nasasaktan. Nadudurog.

Ang sakit.

Ilang minuto pa akong natulala bago nahagip ng mga mata ko ang gitara sa gilid. Kusang gumalaw ang katawan ko at kinuha ito.

Umupo ako sa gitna, kaharap ang kabaong niya. Hindi pa ako nagsisimula ay pumatak nanaman ang luha ko.

Kuya...

"H-hindi ba't sabi mo hindi mo ako iiwan. Hindi pababayaan na ako'y mag-isa."

Nangako ka, kuya. But, you just proved to me that promises are really meant to be broken.

"Hindi ba't sabi mo sabay tayong tatanda.
Bakit bigla ka nalang nandiyan sa kabilang buhay."

Wala ka na, Zayne.

Iniwan mo na ako.

Humagulgol ako habang yakap-yakap ang kabaong niya.

"Z-zay..." Mom.

"H-huwag m-mo akong i-iwan, Zayne!"

"Z-zay, t-tama n-na..." Dad.

Ayoko...

Niyayakap lang ako ni Mom at Dad. Gusto kong ilabas ang lahat ng hinanaing ko ngayon.

Kahit ngayon lang.
Kahit sa huling sandali kong kasama ang kakambal ko.

"A-ang h-hirap, k-kuya..." pagkausap ko sa kanya habang patuloy na pumapatak ang mga luha ko.

"H-hindi k-ko na a-alam kung p-paano pa m-mabuhay ngayong w-wala ka n-na."

Behind a MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon