CHAPTER 22

52 5 0
                                    

Zay's POV

It's been a month since the game ended. Every after three days ay pumupunta ako sa presinto para dalawin si George.

Ang itsura niya ngayon ay hindi na katulad ng dati. He's like a living skeleton with undescribable image.

Paulit-ulit kong ipinaranas sa kanya ang sakit at paghihirap physically and emotionally pero hindi parin siya sumusuko.

Today is my eighth time on visiting him and I'm now heading to jail.

Sinalubong ako ni Khai saka sinamahan papunta sa kung nasaan si George.

"Ano na ang balak mong gawin sa kanya?" He asked me but I just stared at the man who is laying inside the bars.

"Nothing. I'm done with him. Just bury him if he die." sabi ko sa kanya na ikinabuntong-hininga nalang niya at ikinatango.

"I'll leave first." aniya saka siya umalis. Nanatili lang akong nakatingin kay George na nakahiga sa sahig na parang wala nang buhay.

"I want to have mercy on you but I can't. You left a deep wound in my heart that no one can heal even time. I may be a sinner but I'm willing to forgive myself. I'm willing to let go of the pain and hatred that surrounds in my heart. Someone told me that letting go can set me free and make me happy. So now, I'm letting it go. I'm forgiving myself. So as you, George."

Isang patak ng luha ang kumawala sa akin. Hindi ko inaakalang gagaan ng ganito ang kalooban ko matapos kong sabihin ang lahat ng iyon. Ngayon, naniniwala na ako. Letting go can set you free and can make you happy by taking a chance to start again.

Tumalikod na ako para umalis pero hindi pa ako nakakaisang hakbang nang marinig ko siyang magsalita.

"Q-Queen..."

Humarap ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa akin habang tumutulo ang luha.

"I'm sorry..."
Kasabay ng paghingi niya sa akin ng tawad ay ang pagpikit ng kanyang mga mata. Isang maliit na ngiti ang kumawala sa akin.

"I already forgive you, George." I said as I let out a deep sigh. "You may rest in peace."

Tumalikod na ako saka naglakad paalis. At last, he said sorry. He said sorry before his life ended. Iyon lamang ang gusto kong marinig at makuha mula sa kanya na ibinigay niya bago siya binawian ng buhay.

"Khai..." tawag ko sa kanya saka siya nginitian ng tipid.

"Bury him peacefully and thank you for helping me." I said to him and he just smiled before I went out, leaving the jail.

Totoo nga ang sinasabi nila. Kapag nagparaya ka ay magiging malaya ka sa lahat ng bagay. Malaya kang makakapagsimula ulit at maging masaya. Palayain ang sakit at galit na bumabalot sa puso mo at makakamit mo ang tunay na kaginhawaan.

Nasa harapan ko ngayon ang lapida ng kakambal ko. Masaya akong nakabalik dito.

"It's been a month since I last visited you, Zayne." sabi ko saka umupo sa harapan ng lapida niya. Nauna nang bumisita kanina sina mommy dito at ako ang panghuli.

"Miss na kita, Kuya. Haha." sabi ko saka pinunasan ang pumatak na luha sa pisngi ko.

"Alam kong nakita mo ang lahat ng ginawa ko. Tapos na ang misyon ko at nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay mo, Zayne. At sa legal na paraan."

Biglang umihip ang hangin kaya napangiti ako. Alam kong kasama ko siya ngayon. Nararamdaman ko.

"Natuto akong magparaya at magpatawad, Kuya." sabi ko saka ngumiti ng bahagya habang nakatingin sa lapida niya.

"Natuto ako sa taong hindi ko aakalaing makukuha ang loob ko."

Hindi ko inakalang siya ang makakapagpabago sa akin, na siya ang tutulong sa akin kung paano itama ang mga mali ko. Kung paano maging malaya at masaya. Kung paano magsimula ulit.

"Pero ang taong iyon ay wala na rin."

Pumatak nanaman ang luha ko saka mapait na ngumiti.

"Bakit niyo ba ako iniiwan?" Hindi ko na napigilang mapahagulgol.

"Ganito na ba ako kasama para iwan ng mga taong mahal ko?"

Ang hirap.

Pero hindi ko sinasabing susuko na ako. Hindi ko sasayangin ang sakripisyo nila para sa akin.

"Alam kong mahirap pero kakayanin ko. Sanay na rin naman ako sa ganito eh. Sabi mo nga, makakaya ko. At alam ko rin naman sa sarili kong makakaya ko." sabi ko saka pinahid ang mga luha ko bago tumayo.

"Don't worry, Zayne. I'll take care of Mom and Dad. Just guide and be with us in our every journey. We missed you. Hanggang sa muli kong pagbisita." I said as I turn my back and walk away, leaving the cemetery.

Napabuntong-hininga ako saka tinapunan ng huling tingin ang sementeryo bago sumakay sa kotse at umuwi.

Naabutan kong naghihintay sa salas sina Mom and Dad. They smiled at me and so I am. Natuto na akong ngumiti noong natutunan kong magparaya at magpatawad. Noong natutunan kong tanggapin ang sarili ko at magsimula muli.

"Are you ready?" Mom asked me and I just nod.

"I'm ready."
They smiled at me before bringing our luggage to the car. Tiningnan ko ang kabuuan ng bahay at napangiti ng bahagya.

"Take care of this mansion, Butler Clein. I'm going to miss this." sabi ko kay Butler na siyang ikinatango niya at ikinangiti.

"I will, young lady. Take care." aniya saka ko siya tinanguan at nginitian na ikinabigla niya.

"Let's go?" Dad asked so I just nod.
Tinapunan ko ng huling tingin ang bahay bago pumasok sa loob ng kotse at umalis.

We're going back to France. Babalik na ako sa lugar kung saan ko ipagpapatuloy ang pagbabagong buhay.

Yes, I'll change pero hindi ibig sabihin na ititigil ko na ang pagiging 'Reyna' ko. I'll still run and do it but now in a good way. 

Parte na ng buhay ko ang pakikipagbasag-ulo pero ngayon, ang pumatay na ang iiwasan ko. I now know my limits and what I know for now is to be happy and enjoy the life like what he said. Ang buhay na malaya at masaya, na walang problema at paghihirap.

"We're here now, Zay. Wake up."
Napamulat ako nang marinig ang boses ni Mom.

We're back in France.
I'm back!

Tumayo na ako saka sumunod sa kanilang bumaba. I smiled when a light rays of the sun touches my skin.

This is it.

"A new life." I said as I walk towards my car and drove it back home.

~•*•~

Behind a MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon