CHAPTER 23

50 6 0
                                    

Az's POV

"Baby, ikaw na ang mag-drive! Mauuna na ako sa kotse! Sumunod ka nalang!" rinig kong sigaw ng taong mahal ko sa labas. Nandito pa kasi ako sa loob ng kwarto at nagbibihis. May pupuntahan kasi kami.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at lumabas saka sumakay sa kotse.

"Baby, saan tayo unang pupunta?" tanong ko sa kanya at nag-isip naman siya.

"Hmm. Sa organizer nalang muna doon sa boutique niya." aniya kaya napatango naman ako.

"Okay. Let's go!" sabi ko saka na kami umalis.

It's been ten years since that game ended. Marami na ang nangyari at masasabi kong okay na ang lahat.

Me and Ashley went back on being a couple after a month that George died. Inayos namin ang problema naming dalawa saka nagsimula muli.

Now, we're engaged and be married next week kaya pupuntahan namin ang mago-organize sa kasal namin.

"Nabigyan mo na ba ng invitations ang lahat ng gusto mong pumunta?" I asked and she just nodded.

"Except sa isa." aniya kaya napakunot-noo ako. "Sino?" I asked.

"Zay. I don't know kung uuwi o babalik pa ba siya dito sa Pilipinas." she said then smiled bitterly.

I know. Yes, we can invite her pero hindi namin alam kung pupunta ba siya at balikan ang bansang nagbigay sa kanya ng paghihirap noon.

"Let's try. Hindi ka naman niya siguro tatanggihan?" sabi ko sa kanya nang patanong. Hindi naman kasi ako sigurado eh.

Ang huling balita nalang namin sa kanya ay masaya na siya sa buhay na meron siya sa France. Iyon lang.

"Let's just try and let's pray na sana tanggapin niya at makakapunta siya."

Tumango nalang ako sa kanya saka kami nakarating sa boutique kung saan naroroon ang organizer namin.

••••••••

Zay's POV

Pauwi na ako ngayon galing sa grocery store. Wala na kasi kaming stock ng pagkain kaya bumili na ako.

I just park my car at the garage. Napahinto ako at napakunot ang noo nang may makitang sobre sa harap ng pintuan. Tiningnan ko ito at nagulat nang malamang kina Ashley ito nanggaling.

That brat. I missed her. Kahit malayo ako sa kanila ay alam ko ang mga nangyayari sa buhay nila. Tsk.

Binuksan ko na ito at binasa. Napangiti ako nang malamang ikakasal na pala sila next week. And, they invited me to be her maid of honor, huh?

Napabuntong-hininga nalang ako saka pumasok sa bahay at pinaayos nalang sa mga maids ang mga binili ko at ang gusto kong ipaluto. Dumiretso ako sa kwarto saka tiningnan ang invitation card na hawak ko.

Should I come?
Handa na ba akong bumalik?

Maybe. After a decade of living far away from them, maybe kaya ko nang bumalik sa Pilipinas.

Behind a MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon