CHAPTER 25

61 6 1
                                    

Zay's POV

After the wedding, I decided to stay here in the Philippines. Sinabihan ko naman sina Mommy na matatagalan ang pagbalik ko doon sa France.

Sinabi rin nila na babalik sila dito to visit my twin pero hindi nila sinabi kung kailan.

I'm now heading to cemetery dahil bibisitahin ko na ang puntod ng kakambal ko dahil baka nagtatampo na iyon sa akin.

Pagdating ko doon ay umupo ako at inilagay ko ang mga bulaklak na dala ko sa tabi ng lapida niya saka ako nagsindi ng kandila.

"Hi, Zayne." sabi ko saka ngumiti habang nakatingin sa lapida niya.

"It's been a decade since I last visited you. Sorry na at alam kong nagtatampo ka. Alam kong alam mo naman kung bakit hindi ako nakadalaw eh."

"Masaya na ako ngayon, Zayne." sabi ko habang hinihimas ang pangalan niya sa lapida.

"Salamat sa lahat ng payo mo sa akin noong buhay ka pa. Salamat dahil nang dahil sa iyo ay hindi ako sumuko. Salamat din sa taong mahal ko dahil naging matatag ako." nakangiti kong kausap sa kanya.

"Alam mo ba, Zayne. Ikakasal na ako sa taong hindi ko inaakalang mamahalin ko ng sobra. Na siya ang makakapagpabago sa akin. Akala ko noon ay wala nang gagawa sa akin ng mga bagay na ginagawa mo sa akin noon pero nagkamali ako. He became my bestfriend, my lover and he said he'll also be my brother." I said as a tear escape from my eye.

"I'm very thankful na sa pagkawala mo ay dumating siya sa buhay ko." sabi ko saka pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Salamat dahil pinili mo siya para alagaan, protektahan at mahalin ako." nakangiti kong kausap sa kanya.

"Tinanggap ko na ang nakaraan at nakapagbagong buhay na ako, Kuya. Alam kong masaya ka para sa akin. Sana, patuloy mo parin kaming gabayan."

Biglang umihip ang hangin kaya napangiti ako.

"Mom and Dad wanna say 'Hi' to you. Uuwi din daw sila dito para bisitahin ka." sabi ko saka napabuntong-hininga.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at tiningnan.

It was Azhton who's telling me to go home now.

"Zayne, pinapauwi na ako so paano ba iyan? Maiiwan nanaman kita. Bibisita nalang ulit ako dito next time." sabi ko saka na tumayo.

"Uuwi na ako, Kuya. Until my next visitation. Au revoir!" sabi ko saka nilisan ang puntod niya at umuwi na ng bahay.

Pagdating ko ay agad akong sinalubong ni Butler Clein.

"Young lady, dumiretso nalang daw po kayo sa kwarto niyo sabi ni young master Azhton."

Napatango nalang ako sa kanya saka na naglakad papuntang kwarto ko.

Yes, natutulog na din dito sa bahay si Azhton because he's my fiancé after all pero hindi sa mismong kwarto ko. Sa kwarto ni Zayne ko siya pinatulog.

I'm curious kung anong ginagawa niya sa kwarto ko at kung bakit siya nandoon.

Pagbukas ko ng kwarto ay nagulat ako nang bigla niya akong niyakap at dinala sa kama ko.

"Damn! What are you doing here in my room?!" tanong ko sa kanya pero isiniksik lang niya ang mukha niya sa leeg ko.

Shit! Damn it!
Nakikiliti ako!

"I missed you and your scent babe kaya ako nandito." sabi niya habang nakasiksik parin ang mukha sa leeg ko.

"Damn, Azhton. Nakikiliti ako! Umalis ka nga." sabi ko pero mas hinigpitan lang niya ang pagyakap sa akin.

Behind a MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon