CHAPTER 17

52 5 6
                                    

Zay's POV

"Clean up this mess, Dos. School's parking lot. Asap." Agad kong pinatay ang tawag pagkatapos kong sabihan si Dos na linisin ang kalat dito. Dapat na itong malinisan bago pa may ibang makakita nito.

Bahagya akong natigilan nang pagharap ko sa likod upang pumunta na sa kotse ko ay nakita ko ang apat na nakatulala habang nakatingin sa akin.

Fucking shit!
Akala ko ba naka-alis na sila?!
Damn it! Fuck!

Wala na ba? Nawala na ba ang iniingatan ko? Alam na ba nila? Nakita ba nila ang lahat?!
Bwisit!

Ano nalang ang iisipin nila?! Na ang inosenteng mukhang ito ay pumapatay pala ng tao? Huhusgahan ba nila ako? Iiwasan?

Mabuti na rin siguro iyon. Ayaw ko nang madamay pa sila sa gulo ko. Ayaw kong masaktan sila nang dahil sa akin.

Iniwas ko na ang paningin ko saka dali-daling sumakay sa kotse at pinaharurot papuntang hospital. Wala akong pakialam kung may mga bahid pa ng dugo ang uniporme ko. Wala akong pakialam kung may sugat pa ako sa braso. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao. Ang mahalaga ay gusto kong makita ang kakambal ko.

Ngunit...

Pagkatapak ko sa harap ng pinto ay dinig na dinig ko ang pagtatangis sa loob.

Biglang nanindig ang mga balahibo ko. Hindi ako makahinga. Parang ilang segundo nalang ay susuko na ang tuhod ko mula sa pagkakatayo.

Kitang-kita ko kung paano pigilan at hilain ni Dad si Mom na ayaw bumitaw mula sa pagkakayakap sa kakambal ko. Kitang-kita ko kung paano siya humagulgol habang yakap-yakap ang kakambal ko. Parang biglang tumigil ang oras.

"ZAAAYNE!!! ANAK!!!"

Hindi ko na kinaya. Napasandal nalang ako at agad na napatakip ng bibig nang sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko.

"A-ANAAAK! H-HUWAG M-MONG I-IWAN S-SI M-MOMMY!!!"

Hindi ko na napigilang mapahagulgol. Para akong nauubusan ng hininga sa naririnig.
Ang sama ng pakiramdam ko. Bigla akong nanlamig. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Z-zayne..." halos pabulong ko nang sambit sa pangalan niya. Sunod-sunod lang na tumulo ang luha ko. Ibang klaseng kaba ang lumukob sa buong pagkatao ko.

"K-kuya..." pabulong kong sambit habang nanginginig.

Bakit mo ako iniwan?

Bakit hindi mo ako hinintay?

Bakit?

K-kuya...

B-bakit?

Hindi ako makahinga. Ang sakit-sakit na hindi ako makahinga.

"AAAAAAAAAHHH!" malakas kong sigaw habang pinagsusuntok ang pader.

"A-ANG DAYA M-MO, K-KUYAAA!" sigaw ko habang patuloy na umiiyak at pinagsusuntok ang pader.

"A-ang d-da-daya m-mo." hinang-hina kong sambit saka tuluyan nang napaupo dahil hindi ko na kaya.

B-bakit ngayon pa?

B-bakit ngayon ka pa sumuko?

"A-anak..."

Naramdaman kong niyakap ako ni Mommy habang umiiyak siya. Ang sakit.

May mas masakit pa ba dito?

Bakit sa lahat ng tao, ang kakambal ko pa?

Wala na.

Behind a MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon