CHAPTER 8

78 7 2
                                    

Zay's POV

"Young lady, kumain muna po kayo." pagmamakaawa sakin ni Butler Clein.

Bigyan ko kaya 'to ng isang sapak para manahimik na. Isang sapak lang naman eh.

"I have no appetite." I said flatly as I went to garage. I decided to drive by myself kasi may iba pa akong pupuntahan.

"Young lady—"

"WILL.YOU.STOP.FORCING.ME?" I coldly said as I see fear on him. Tsk!

"If you reported this to my twin, malilintikan ka sakin." sabi ko saka sumakay sa kotse at umalis.
Nakakainis! Hindi naman ako mamamatay kung hindi ako kakain ng isang beses.

Pinaharurot ko nalang ang kotse ko papuntang Mall. Bibili pa ako ng panlinis sa sugat ko. Wala eh, pinaalis ko yung nurse na pinadala sakin ni Doc. Williams. Mukha kasing hindi nurse sa dami ng arte. Tss.

Dumiretso na akong Watsons saka bumili ng mga kailangan ko saka umalis. Sa kotse ko nalang ginamot ang sugat ko saka nagpaharurot papuntang school.

"Zhee! Good morning!"

Shutangina.

"Sabay na tayo." ngiting-ngiti na sabi sakin ni Lanz.

"Nakasabay ka na nga eh." sarkastiko kong bulong.

"Huh? May sinasabi ka?"
Tsk. Kalalaking tao ang daldal, bingi pa.

Nagkibit-balikat nalang ako saka hindi siya pinansin. Daldal siya ng daldal tapos ako walang pakialam.

"Zhee naman. Huwag mo naman akong deadmahin. Para akong sira dito na nagsasalita mag-isa tapos hindi ka naman nakikinig."

Sino bang nagsabi sa kanya na dumaldal siya?
"Zhee, pansinin mo naman ako."

Tumigil ako tapos hinarap siya. I looked at him bored.

"Too talkative. Tsk." sabi ko saka siya iniwan.

Mukhang wala ata akong makakasundo dito. And that's the good news.

Dumiretso nalang akong classroom saka umupo at pumikit. Ilang sandali palang ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Zhee naman! Bakit mo ako iniwan?"

Fuuuu—!!!
Ano bang problema ng Lanz na 'to?!

"Hanggang dito ba naman Zhee, hindi mo ako papansinin? Sa lahat ng estudyante dito ikaw lang ang hindi ako pinapansin eh. Ang mukhang 'to ini-ignore mo—ARAAAYYY!!!"

"Ang daldal mo! Umalis ka nga diyan. Upuan ko iyan eh." sabi ni Az pagkatapos niyang pingutin ang tenga ni Lanz. Tsk!

"Ano ka ba naman, Az! Kita mong nag-uusap pa kami ni Zhee eh tas namimingot ka bigla!" inis na ani Lanz.

"Nag-uusap? Did she even say a word, Lanz?" nanunuyang tanong ni Az na siyang ikinasimangot ng huli.

"Wala ka talagang moral support! Aiiish!" maktol ni Lanz saka pumunta sa upuan niya.

"Dre, inaaway nila ako oh!" sumbong niya sa katabi niya na binigyan lang siya ng uninterested look. Si Mr. Forstein.

"Oh? Anong mukha iyan, Lanz?" tanong sa kanya ni Nathan na kakarating lang kasama si Tyler.

"Gwapong mukha!"

Napaface palm naman kami sa proud na sagot niya.

"Baka gagong mukha!" sabat ni Tyler na natatawa kaya natawa na din sila—maliban samin ni Mr. Forstein— dahilan upang mas lalong hindi maipinta ang mukha ni Lanz.

Behind a MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon