Zay's POV
Tulala lang akong nakatingin sa labas ng bintana.
Nadudurog.
Nasasaktan.
Mahigit isang linggo akong natulog at nagpahinga. Nagpahinga para makakuha ng lakas pero pakiramdam ko, tuluyan na akong nawalan ng buhay.
Bukas na ang libing ng kakambal ko.
Iniisip ko palang, nadudurog na ako.Kahit pilitin ko pa ang sarili kong magpakatatag, tila hangin lang na tinangay ang lahat ng lakas ko.
Hinang-hina na ako.
Pinanghihinaan na ako ng loob.Kahit anong sabi nila na kaya ko, na magpakatatag ako, alam ko sa sarili kong mahirap.
Ang daling sabihin na,
'Kaya mo iyan!''Magiging okay ka rin.'
'Malalampasan mo rin iyan.'
Pero alam ba nila kung gaano kahirap?
Alam ba nila kung gaano kasakit?Alam ba nila na nawalan na ako ng gana pang mabuhay?
Gustuhin ko mang magpakatatag...
Pero ang hirap.
Sobrang hirap na alam kong hindi ko na kakayanin. Masakit. Masakit mawalan ng minamahal sa buhay, higit sa lahat, kung marami na kayong pinagdaanan.
Hinayaan ko lang na dumaloy ang luha sa pisngi ko. Kahit anong pigil ko ay pilit na lumilitaw sa isipan ko ang mga alaala naming dalawa.
Hirap na hirap na ako. Kahit anong gusto kong kalimutan ang lahat ay hindi ko magawa.
Our old happy memories is hunting me. Kahit anong pigil ko ay hindi ko magawa. Napakasakit na parang binibiyak ako.
Mas gugustuhin ko pang masaktan physically kasi alam kong mabilis lang iyon hihilom. But, being hurt emotionally is more painful. Ang tagal humilom ng sugat at hindi mo pa makakalimutan ang sakit na idinulot nito.
Narinig kong kumulo ang tiyan ko. Alam kong wala nang laman ang tiyan ko pero wala akong ganang kumain. Tuluyan na akong nawalan ng gana.
Nakarinig ako ng katok sa labas ng kwarto ko. Simula nang makalabas ako sa hospital ay nagkulong lang ako sa kwarto. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay.
Nanatili lang akong nakatingin sa labas nang naramdaman kong may pumasok. Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino iyon.
Mabuti sana kung kakambal ko iyan.
Nami-miss ko na ang pambubulabog niya sa akin tuwing umaga.Ang pag-goodmorning at good night niya. Ang pang-aasar niya sa akin.
Sa bawat sulok kung saan ako tumingin ay naaalala ko siya. Siya ang kasama ko habang pinapagawa itong mansion. Siya ang kasama ko nang una kaming tumira dito.
Siya ang nagturo sa akin kung paano lumangoy, magluto ng adobo, magpatugtog ng drums, mag-gitara, at mag-painting. Lahat nang iyan ay itinuro niya sa akin sa bahay na 'to kaya ang hirap. Sobrang hirap ang kalimutan siya.
••••••••
Az's POVNasasaktan akong makita siyang nadudurog at umiiyak habang walang buhay na nakatingin sa labas ng bintana.
Walang ekspresiyon ang kanyang mukha at walang buhay ang kanyang mga mata habang patuloy na lumuluha.
Masakit makita ang pinakamatalik kong kaibigan na nasasaktan. Ramdam ko ang lungkot niya.

BINABASA MO ANG
Behind a Mask
ActionZay is a typical simple lady. Simple? Yeah, but she's deadly. She's one hell of a kind. She's perfect but mysterious. Her life is thrilling and even more interesting. She's a human but others sees her as a monster. They don't know her. She has a mi...