Kabanata 1
Siya
"Mywa, kumusta ang iyong grado sa pag-aaral? Nakapasa ka ba?"
Napabuntong-hininga ako sa tanong ni Loida, ang kaibigan ko dito sa Libtong. Hindi siya nag-aaral dahil nahihirapan sa transportasyon. Tsaka nahihirapan din ang kanyang magulang na pag-aralin siya. Kaya kapag may oras ako, tinuturuan ko siya upang matuto naman. Hindi naman siya mahirap matuto, sa katunayan ay matalino rin siya.
Grade nine na ako ngayong pasukan at nag-aaral pa rin. Gusto kong magtapos ng pag-aaral kasi gusto kong matulungan si Lola Bikay sa buhay. Mahirap lang kami pero mataas ang pangarap ko. Gusto kong mabigyan siya ng mabuting bahay, matulungan ang mga kabitbahay namin at maging maayos ang pamumuhay. Pinalaki akong mabait na tao ni Lola. Siya ang naging magulang ko habang nabubuhay sa mundo.
Iniwan kasi ako ni mama sa kanya ng manganak ito at hindi na bumalik. Malaki ang naging papel ni Lola Bikay sa akin kaya nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa pagiging mabuting Lola. Napahinga ako ng tumingin kay Loida. Nasa dagat kami at naghahanap ng mga kabibe na pwedeng maulam. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang nakita kanina habang pauwi dito. Hanggang ngayon ay siya pa rin talaga ang nagpapatibok nitong puso ko.
Umiling-iling ako upang makalimutan ang iniisip. Kailangan kong ibigay ang oras sa paghahanap ng mauulam namin ngayon. Naramdaman ko ang titig ng kaibigan, nakanguso siya habang nakataas ang kilay.
"Nakita kitang nakangiti kanina. Bakit?" tanong niya.
Napahinga ako.
"Wala. May nakita lang ako sa daan kanina. Kalimutan mo na 'yon." marahan kong sagot.
Ngumisi siya. Hindi na nasundan ng tanong dahil naghanap na kami ng kabibe. Habang papalayo sa kaibigan ko, bumalik sa isipan ang nangyari kanina sa daan habang pauwi ako. Tahimik ang kagubatan, ang daan ay ganoon din. Habang naglalakad ako pauwi, nakarinig ako ng mga tawanan sa maliit na bahay. Nakaramdam agad ako ng kaba dahil iisa lang ang nasa isip ko ng marinig iyon. Nandito sila.
Kaya mabilis akong nagtago sa puno at sinilip ang sapa at napahinto ng makita ang katawan ng lalaking matagal ko ng gusto. Dalawa silang nandito, at kilala ko 'yon. Himala at hindi nila kasama ang kapatid ni Braze. Walang babae kaya hindi kumirot ang puso ko. Pinagmasdan ko siya, gwapong-gwapo sa tubig, nagmistulang modelo ng sapang iyon. Ang kanyang katawan ay hindi kasing-gaanong malaki ngunit may hubog.
Ang kanyang biceps ay litaw na litaw. Ang kaputian ay pansin na pansin. Ang nunal sa dibdib ay masyadong nakakaaliw pagmasdan. Ang mapu-pulang labi ay labis nagbigay attraction sa kanya. Ibang lalaki si Braze, hindi katulad ng mga nakikita kong lalaki sa paaralan namin. Matangkad siya, matipuno ang katawan at gusto ng mga kababaihan. Mayaman at may ibubuga sa lahat ng bagay.
Nakita kong inabot niya ang baso ng wine at sumimsim doon. Ano kaya ang lasa ng iniinom niya? Masarap ba 'yon? Hindi ko pa kasi alam kung ano ang lasa ng wine. Siguro ko masarap kasi inumin 'yon ng mga mayayaman e. Katulad ni Braze, palagi siyang umiinom ng wine. Nang makita kong tumaas ang adams apple niya, mas lalo akong nakaramdam ng kakaiba sa katawan.
Ang bata ko pa para makaramdam ng ganito. Ang sabi sa akin ni Ma'am Acosta, ang ganoong nararamdaman ay para lamang sa mga matatanda. Hindi 'yon pwedeng gawin o hanapin ng mga bata na katulad ko. Pero bakit ganito? Bakit ramdam na ramdam ko siya? Bakit may kakaiba akong nararamdaman bukod sa pagiging gusto ko siya? Ano kaya ang ibig sabihin no'n?
Umatras ako upang umuwi na dahil ang araw ay unti-unti ng kinakain ng gabi. Kailangan kong makarating sa Libtong ng maaga bago gumabi. Siguradong magagalit si Lola Bikay kapag mahuli ako. Iyon ang huli kong alaala bago bumalik sa sarili. Masaya ako dahil muli ko siyang nakita. Masaya ako dahil nandito siya. Matagal kasi bago sila bumalik dito. Minsan nga'y natatapos pa ang taon bago umuwi dito. Siguro dahil marami silang ginagawa sa Maynila.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)
RomantikNamuhay ng tahimik at mahirap sa Libtong si Mywa Anicia Altamonte, ang babaeng taga bukid. Siya ay iba sa mga karaniwang babae na nasa paligid. Mas gusto niyang ginugugol ang oras sa pag-aaral at pag-aalaga sa kapaligiran. Siya ay mabait na apo, at...