Kabanata 5

4.4K 128 6
                                    

Kabanata 5

Mali



"Anong meron ngayon at bakit may bisita tayo?" nakangising sabi ni Brazier.

Napalunok ako at sabay hinga ng malalim. Hindi ko inaasahan na darating sila ngayon. Buong akala ko ay wala sila dito. Lumapit si Braze sa amin at hinarap ang kanyang kapatid maging ang pinsan.

"I'm teaching her. Tsaka bakit kayo nandito?" si Braze.

Ngumisi ang kapatid bago umiling.

"I thought you don't like babysitting. Why in the hell she's here?" Brazier said.

Napatingin sa akin ang kanyang kapatid habang may ukit ng ngisi sa labi. Ang mga pinsan nila ay umupo sa sofa at pinapanood kami. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Braze, animo'y hindi nagustuhan ang sinabi ng kanyang kapatid.

"Tinuturuan ko nga diba. Stop bugging around." inis na sagot ni Braze.

Umiling-iling si Brazier bago nilapag ang dala sa sahig. Lumapit siya sa akin at inabot ang kamay. Nung una ay nahihiya pa ako dahil ramdam kong ayaw niya sa akin pero kailangan ko rin naman siyang respetuhin kaya tinanggap ko ang kamay niya. Nahihiyang ngumiti.

"I'm Brazier." pakilala niya.

Ngumiti ako ng pilit.

"Mywa po." maikling sagot ko.

Binitawan niya ang kamay ko at ngumisi. Nakipagtitigan siya sa kapatid at animo'y may kakaiba sa kanilang titigan.

"She's out of your age, kuya. Don't do anything bad." aniya sa kapatid.

Narinig ko ang buntong-hininga ni Braze.

"I know about it, Zier. Stop reminding me." malamig nitong sabi.

Nagkibit-balikat ito at umupo na sa sofa. Hindi ko naman alam ang gagawin gayong nahihiya ako sa kanilang presensya. Alam kong ayaw ako ni Brazier dahil halata iyon sa kanyang pinapakitang ugali. Pero wala naman akong magagawa kundi hayaan siya. Hindi ko naman pwedeng baguhin ang pakikitungo niya sa akin dahil siya lang ang may karapatan na gawin iyon.

Bumaling sa akin si Braze, nawala ang dilim sa kanyang mukha ng magkatitigan kami. Ngumiti ako at tumango para ipaalam na maayos lang ako. Kapatid niya si Brazier at hindi 'yon magbabago.

"Okay ka lang?" tanong niya.

Ngumiti ako.

"Oo. Wag ka pong mag-alala sa akin…kuya," mahinahon kong sagot.

Huminga siya ng malalim at ngumiti. Umalis siya upang tapusin ang nilulutong pagkain. Naiwan naman akong kasama ang mga bisita niya. Napabuga ng hangin bago naiilang na umupo sa upuan ko. Nag-uusap ang mga lalaki sa sofa habang pilit kong binabasa ang librong pinagamit sa akin ni Braze.

Wala naman akong maintindihan dahil sa nararamdaman ilang sa kanyang panauhin. Napatingin ako sa laptop niya at nakita ang pumasok na mensahe sa Viber niya. Hindi na ako baguhan sa ganitong teknolohiya dahil si ma'am Acosta ay may ganito rin. Minsan ay pinapagamit niya ako kapag may project na kailangan gawin. Kaya alam kong gumamit nito, ngunit natatakot lang ako kasi mamahalin ang kanyang laptop.

Bagama't nababalot ng pagtataka dahil sa message na pumasok sa kanyang Viber, hinayaan ko 'yon dahil baka makita ako ni Brazier na pinapakialaman ang laptop ng kanyang kapatid. Narinig ko ang tawanan ng magpi-pinsan, may kinakain silang chips habang nag-uusap. Napabuntong-hininga ako.

"Kuya, hinahanap ka pala ni Shayla. Bakit daw hindi ka tumatawag sa kanya." ani Brazier.

Natigilan ako ng marinig iyon. Sino si Shayla? At bakit tila importante ito sa kanila? Lumingon si Braze na may dilim sa kanyang mata.

Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon