Kabanata 18

4.5K 129 2
                                    

Kabanata 18

Talk


"Baby, talk to me… please?"

Umiling-iling pa rin ako. Hindi ko siya kinibo kahit nung tapos na siyang magpaliwanag sa akin. Nanatili akong tahimik. Hindi ako nag-iingay o nagsasalita dahil pinapa-kalma ko pa ang sarili. Wala na siya sa ibabaw ko dahil tinulak ko. Tumayo lang ako at lumabas upang kunin ang dustpan at linisin ang sahig sa kwarto. Napansin ako ni mama (ni Braze) kunot ang noo habang nakatingin sa akin.

"Hija, may nabasag ba sa kwarto niyo?" tanong niya.

Tumango ako.

"Opo. Yung baso po kasi… nahulog," paliwanag ko.

Huminga siya tsaka ngumiti ng matamis.

"Okay. May kasambahay naman, sila na ang bahala maglinis doon." aniya sa nag-aalalang boses.

Umiling ako at ngumiti.

"Hindi na po. Kaya ko naman pong gawin e." sagot ko.

She nodded and then sighed heavily. Alam kong pagod na rin sila dahil sa kulang sa tulog. Maya-maya kasi ang bisita kaya kailangan asikasuhin. Sa sobrang daming kaibigan ni Lola Creme, siguradong kailangan asikasuhin ng mabuti.

"Sige. Magpahinga na rin kayo ni Braze." habilin niya.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay muli akong bumalik sa kwarto upang linisin ang kalat. Pagkabukas ko ng pinto ay agad na nakita si Braze na nakahiga sa kama at mahimbing ang tulog. Napahinga ako ng malalim. Pagod na pagod talaga siya kaya kahit ang suyuin ako ngayon ay nakatulugan na niya.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi. Lumapit ako sa kanya at nilagay ang kumot sa kanyang katawan. Bago umalis, pinagmasdan ko muna ng kanyang mukha. Hinaplos ko ang pisnge at yumuko upang mahalikan ang kanyang labi ng mabilis. Pagkatapos ay tumalikod ako at nilinis na ang nabasag na baso. Kinuha ko ang bubug at nilagay sa dustpan, pagkatapos pinatuyo ko ang basa sa pamamagitan ng floor mop.

Nang makitang malinis na, muli akong lumabas upang ibalik sa storage room ang ginamit na materyal. Nang mapadaan sa sala, nakita ko pa si Shayla na kinakausap ang mama ni Braze. Nagtatawanan sila habang kaharap ang isa't-isa. Kung kanina kinain ako ng selos dahil sa asawa ko, ngayon naman ay insecure kasi matagal na silang magkakilala. Alam kong gusto rin ni mama si Shayla para sa kanyang anak ngunit wala siyang nagawa para doon.

Noon pa man, alam kong si Shayla ang kilala ng lahat. Mula sa mga businessman, hanggang sa mga mayayaman na pamilya hanggang sa social media, siya ang kilala bilang nababagay kay Braze. Samantalang, ako yung babaeng nagtatago lang noon. Naninilip kapag nasa kamalig sila at kapag nandoon si Braze. Patagong pinagmamasdan siyang may yakap na iba, may kahalikang iba. Noon, ganoon lang ako.

Pero ngayon maraming nagbago. Maraming dumating sa buhay namin. Nawala si Lola Bikay, nabuhay akong ibang tao ang kasama. Nakatapos ng pag-aaral at ngayon, naging asawa ni Braze. Hindi ba ako nagsisi sa desisyong ginawa ko? Hindi ba ako nagkamali? Parang ang bilis pala ng lahat. Parang sa isang iglap, kinasal ako sa lalaking minahal ko mula noon.

Ang bilis ng lahat sa amin. Ang bilis kong mag-desisyon para sa amin. Ni hindi ko manlang na-experience ang magtrabaho sa kursong natapos ko. Hindi ko manlang nagawang ma-appreciate ang mga bansang gusto kong puntahan. Wala akong nagawa. Lahat ng desisyon ko ay padalos-dalos. Hindi ko manlang naisip iyon noon, nung hindi pa ako pumapayag sa inaalok niyang kasal. Ang bilis-bilis ng lahat. Ang bilis kong bumigay.

Inabot ko ang cellphone, nasa veranda ako hapon sa parehong araw na iyon. Tulog pa rin si Braze habang naisip kong magpahangin sa labas. Pinagmamasdan ko lang ang nature. Sobrang refreshing at nakakawala ng problema. Pinikit ko ang mga mata, tinawagan ang numero ni ma'am Lucila. Ilang ring bago niya sagutin.

Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon