Kabanata 7
Cute
Hiyang-hiya ako sa sariling kwarto ng pumasok siya upang ilagay ang bag sa loob. Ang pisnge ay namumula sa sobrang hiya na nararamdaman. Ngayon lang kasi may lalaking nakapasok dito at sobrang naninibago lang ako tapos si Braze pa 'yon, ang lalaking hinahangaan ko. Nakaka-kaba ng husto, para bang hinuhukay ang kaluluwa ko habang pinagmamasdan siyang nakaupo sa papag na gawa namin. Sobrang liit tignan ang higaan ko lalo pa't Malaki siyang tao.
Napaiwas ako ng tingin dahil bumaling siya sa akin. Simple lang naman ang kwarto ko. Walang masyado arte lalo pa't wala akong gamit. May mga larawan ni Lola Bikay na nilagay ko sa dingding upang sa tuwing umaga kapag nakikita ko 'yon ay nagiging mabuti ang umaga ko. May maliit akong cabinet na pinagawa ni Lola sa mga lalaki dito, lalagyan ko ng pipiranggot na mga damit. Halos walang laman itong kwarto ko, hindi rin naman kasi ako maarte.
Tsaka pinalaki ako ni Lola na maging kontento sa mga bagay na meron kami. Ang lahat ng bigay ng Diyos ay dapat alagaan at pasalamatan. Kaya ang mga binigay niyang damit sa akin ay sobrang biyaya. Napatingin siya sa paper bag na nasa papag, inabot niya ang Isa at kinuha ang damit doon. Nanlaki ang mata ko dahil isang mamahaling damit iyon, at sigurado akong mahal iyon.
"These clothes are from my Lola's boutique. Ako ang mga pumili nito since alam kong hindi ka naman mahilig sa mga revealing na damit." marahan niyang sabi.
Napatango ako at ngumiti. Sa katunayan, ang ganda ng damit na pinili niya. Kulay pink 'yon na may simpleng design. Alam kong babagay ito sa akin.
"Salamat talaga sa mga bigay mo, kuya Braze. Ngayon lang kasi talaga ako makakasuot ng mga ganyan e." sa nahihiyang boses.
Tumingin siya sa akin at napahinga. Ang lalim ng mga mata niya, ang pilik-mata na siyang nagbibigay akit sa kanya ay lalong nagbigay atraksyon sa akin. Ang kanyang ilong na mataas ngunit mahaba at magandang tigna. Ang labing namumula. Lahat ng parte sa kanyang mukha ay sobrang gandang tignan.
Natigilan ako ng hinubad niya ang damit kaya ang kanyang katawan naman ang nakikita ko ngayon. Napaiwas ako ng tingin sa kaba at kakaibang nararamdaman. Nang bumaling sa kanya ay nakitang kumukuha siya ng bagong damit sa bag na dala. Napahinga ako at kinabahan ng kaunti sa ginawa niya. Nang matapos magpalit ng damit, muli siyang tumingin sa akin at ngumiti.
"By the way, I already update your laptop. May Microsoft na doon at pwede mong magamit agad. And your WiFi will be set tomorrow." aniya habang ang damit na pinalitan ay nilagay sa lalagyan ng mga labahan ko.
Tumango ako at ngumiti. Alam kong malaking halaga ang mga binigay niya sa akin. Ang mga gadget na binili niya ay mahal. Alam kong malaki ang babayaran ko kung sakaling pinabayaran niya sa akin. Mabuti nalang at mabait siyang tao kaya libre lang ang lahat at bigay niya lang.
Mababait talaga ang mga Costiño. Tama si ma'am Acosta, hindi lang mayaman at magagandang lahi ang pamilyang iyon, mababait rin. Naalala ko nung sinabi sa akin ni ma'am na parte ang Costiño family sa pagpapagawa ng paaralan namin. Ang senior high building ay mula sa donation ng kanilang pamilya. Ang ibang rooms naman ay mula sa Merciless na siyang kasosyo ng pamilya ni Braze sa negosyo.
Malaki ang ambag ng Costiño sa bayan namin. Sila rin ay kilala sa iba't-ibang lugar dahil sa mga donation na naibigay. Kaya ngayon, napatunayan kong tama sila. Sa binigay sa akin ni Braze, masasabi kong mabait nga sila. Full package na silang lahat. At sobra akong masaya dahil ang mga imposibleng bagay na naiisip ko noon, ngayon ay nangyayari na.
"Siguradong matutuwa ang mga kapitbahay namin kapag malaman nilang magkaka-kuryente na sa amin. Matagal na kasing problema dito ang dilim kaya malaking tulong 'to sa amin." masaya kong sabi.
BINABASA MO ANG
Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceNamuhay ng tahimik at mahirap sa Libtong si Mywa Anicia Altamonte, ang babaeng taga bukid. Siya ay iba sa mga karaniwang babae na nasa paligid. Mas gusto niyang ginugugol ang oras sa pag-aaral at pag-aalaga sa kapaligiran. Siya ay mabait na apo, at...