Kabanata 6

4.4K 128 33
                                    

Kabanata 6

Imposible

Ang dami niyang dala na mga paper bag, maging ang hamburger na kanyang pinangako ay dala niya. Sobra akong mangha at gulat sa kanya, at sa pagpunta niya dito. Hindi ko talaga akalain na gagawin niya 'to. Ang isang Braze Costiño, pumunta talaga para lang makita ako? Imposible! At hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa kanya.

Pinagtitinginan siya ng mga kapitbahay namin. Sa dami ba naman kasi ng kanyang dala, halos hindi ko na makita ang kamay niya niya. May bag rin siyang dala na hindi ko alam ang laman. Napakagat-labi ako sa sobrang hiya na nararamdaman. Saan ko naman siya patutuluyin? Saan siya papasok ngayon? Nakakahiya ang bahay namin para papasukin siya doon.

"Kuya…umuwi ka nalang po," mahina kong sabi.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Tuluyan na siyang pumasok sa bungaran habang ang ugat ay unti-unti ng nakikita.

"Really, Mywa? Papauwiin mo lang ako?" mangha niyang sagot.

Nahihiya akong tumango at yumuko. Nakakahiya naman kasi ang bahay namin. Nakakahiya ang lugar namin. Ang Libtong ay pag-aari pa nila kaya alam kong may karapatan pa sila dito ngunit sa sitwasyon ng bahay namin, nahihiya ako.

"N--nakakahiya po kasi sa bahay namin…kuya," halong bulong kong sabi.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

"What's wrong with your house?" tanong niya.

Napahinga ako ng malalim at tumingin sa kanyang mga mata. Kahit kailan talaga, palagi akong nalulunod sa kanyang mga titig. May kakaiba talaga sa mga mata niya e, yung tipong kaya kang panginigin sa takot at kaba.

"Hindi po kasi katulad ng bahay niyo. Maliit lang po ang sa amin at kaming dalawa lang ni Lola ang kasya." mahina kong sabi.

Ngumisi siya. Nakita ko na unti-unti na siyang nahihirapan sa dala kaya lumapit ako at tinulungan sa pagdala ng ilang paper bag. Lumambot ang kanyang mga titig sa akin.

"Mywa, it doesn't matter to me. Tsaka may dala naman akong tent para sa tutulugan ko e. Maybe I can stay here for two or three days." aniya sa marahang boses.

Napahinga ako ng malalim. Sinabi niya kasing dito muna siya mananatili hanggang sa maubos namin ang leksyon. At ngayon nakumpirma kong siguro tent ang nasa loob ng bag niya kaya malaki. Okay naman mag overnight sa dalampasigan namin dito, malinis ang tubig dagat at ligtas naman. Pero nakakahiya lang na nandito siya. Para kasing hindi nababagay e. Parang hindi siya nararapat na pumunta dito.

Ngayon ko talaga napatunayan na ang katulad niya ay sobrang layo sa amin. Ang porma, kilos at tayo ay sobrang layo sa mga katulad namin. Pinagtitinginan nga siya ng mga tao dahil sa kanyang itsura at tindig. Ngayon mas lalo kong napatunayan na malayong-malayo kami sa isa't-isa. Langit talaga siya, lupa lang ako. Katulad sa mga naririnig kong kwento, ang babaeng para sa kanya ay mayaman katulad niya.

"B--baka kasi hindi ka sanay sa lugar namin. Wala po air-con tsaka malamok po…" mahinhin ang boses ko.

Napahinga siya ng malalim at nilapag ang ibang paper bag sa lupa. Tumingin siya sa akin na may mapupungay na mga mata. Sa bawat matang nagtatagpo, ang puso'y kumakabog sa kaba. Hindi kayang iwasan ang katotohanang siya ang lalaking una kong ginusto.

"Mywa, it's really fine with me. I've tried hiking and it's same here. Tsaka sanay ako sa walang air-con at kahit ang lamok ay okay lang din." aniya sa malambing na boses.

Para talagang musika ang kanyang boses sa aking pandinig. Ritmo na animo'y hini-hile ako sa pagtulog. Hindi nakakasawang marinig at ulit-ulitin. Kaya kapag dumating talaga ang panahon na mahanap niya ang babaeng para sa kanya, masasaktan ako at malulungkot pero magiging masaya pa rin para sa kasiyahan niya.

Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon