Kabanata 11

4.2K 134 6
                                    

Kabanata 11

Isipan


"Mywa, pwede ka ng magsimula sa pagtra-trabaho. Lilinisin mo ang buong kabahayan at maglalaba ng mga damit nila. Tapos maghuhugas at magbabantay dito." 

Ngumiti ako ng malungkot harap kaharap si Aling Juaning, ang ginang na tumulong sa akin upang makahanap ng trabaho. Huminga siya ng malalim at malungkot na hinaplos ang buhok ko.

"Alam kong sobrang lungkot mo pa hanggang ngayon dahil sa nangyari kay Ate Bikay pero sana simulan mo ng tanggapin ang lahat. Masaya na si ate ngayon, at hayaan nalang natin siya." malungkot niyang sabi.

Kahit ang luha ay patulo, nagawa ko pa ring ngumiti kahit punong-puno ng sakit at pighati ang puso ko. Durog na durog dahil ang nag-iisang pamilya ko…iniwan na din ako. Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon. Parang bago lang ang lahat sa akin. Parang kailan lang nayakap ko pa siya at kinantahan pa ako tapos ngayon, wala na siya. Wala na ang Lola ko. 

Ang hirap tanggapin at intindihin kasi hindi pa ako nakaka-lisan sa sakit na nararamdaman pero kailangan at dapat kong palayain si Lola. Para sa ikakatahimik ng kanyang kaluluwa. Kailangan ko ring magsimula kasi hindi naman ako pwedeng mawalan ng pag-asa. Mamatay ako sa gutom at pagdadalamhati kung mananatili ako sa Libtong. Mabuti nalang at nandito ang kapatid ni Lola kaya tinulungan akong makarating dito sa Ormoc upang magtrabaho. 

Tatlong linggo na ang nakalilipas at hanggang ngayon ay masakit pa rin ang nararamdaman ko. Una dahil nabigo ako kay Braze, pangalawa ay nawala si Lola sa akin. Dalawang tao ang sinaktan ako ng lubusan. Yung tipong hindi na ako makahinga sa kakaiyak at pag-aalala sa yumao kong Lola. Hanggang ngayon bitbit ko pa rin sakit sa puso, ang pangungulila sa matanda at pagkabigo ng pagmamahal. 

Tama nga siguro ang lahat ng mga taong nagsasabing kapag mataas ang pangarap, bumabagsak na durog-durog at walang natitira kundi pait at sakit. Sa sobrang taas ng pangarap ko, hindi ko manlang naisip ang matanda. Naiwan ko siyang mag-isa sa bahay at ngayon, nasasaktan ako ng lubusan. Kailangan kong tanggapin pero masakit pa rin.

"S--salamat po sa lahat, Auntie Juaning. Salamat sa pagtulong sa akin dito." mahina kong sagot.

Huminga siya at tumango. 

"Walang problema, hija. Basta mag-iingat ka palagi huh. Kapag may kailangan ka, tumawag ka lang sa akin. Hangga't kaya ko, tutulong ako sayo." huling salita bago niya ako iwan sa malaking bahay na pagta-trabahuan ko.

Malungkot akong umupo sa maliit na kama, hindi man maluwag na kwarto pero okay na okay ako dito. Napatingin sa larawan ni Lola habang patulo ang mga luha sa mata. Tumingala ako habang walang tigil sa pagtulo ang luha. Gusto kong kumalma at huminto sa pag-iyak pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang hindi maalala ang lahat ng nangyari sa akin.

Alam kong pagod na si Lola kaya iniwan niya. Siguro kailangan ko na ring tanggapin ang lahat. At nagsimula sa buhay na mag-isa. Wala na akong ibang masasandalan kundi ang sarili at ang Diyos lang. Siya at siya nalang ang magiging kalakasan ko ngayon. Sa bagong buhay na tatahakin, at sa bagong simula na haharapin. 

Pinahid ko ang mga luha at bumuga ng malalim na hangin. Nakasuot na ako ng pang maid uniform. Sakto lang sa akin ang binigay ng mayordoma. Tinali ko ang buhok at inayos ang sarili kahit nanghihina pa rin. Ang sabi ni Auntie Juaning, ngayong araw mismo ang simula ko bilang katulong. Tatlo kaming recruited mula kay auntie at maninilbihan bilang isang katulong. Naka-assigned sa akin ang paglalaba at paglilinis ng bahay. 

Lumabas ako sa kwarto at nagsimula ang trabaho. Pumunta ako sa dining room dahil nandoon daw ang mga amo namin. Isang hingang malalim bago naglakad papasok sa hapagkainan. Natigil lamang dahil nakatitig sa akin ang buong pamilya. Mabilis akong tinablan ng hiya kaya yumuko at umatras upang humingi ng paumanhin.

Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon