Kabanata 14

4.8K 135 2
                                    

Kabanata 14

Dog

"I'm not sure about it." mahina kong tugon sa gusto ni Braze.

Humigpit ang yakap niya sa akin. Nasa kandungan pa rin ako at nasa kotse pa rin kami. Ilang oras na kaming nandito kaya pakiramdam ko'y hinahanap na ako ni ma'am. Kinakabahan ako ngayon dahil sa kanya. Ramdam ko ang kakaibang emosyon sa yakap niya na para bang ayaw na niya akong bitawan pa.

"Hindi ka pa rin handa? Ilang taon pa ba ang kailangan malagas para maging handa ka sa akin?" aniya sa marahang boses.

Napalunok ako sabay pikit ng mata. Honestly, I want to accept his offer but half of my heart saying that I need to be careful. Baka scam na naman 'tong pinagsasabi niya. Marry is not a joke. Kapag kinasal, dapat seryoso at pang matagalan kasi walang divorce sa Pilipinas. Tsaka mahirap ang makipaghiwalay dahil siguradong malaking issue 'to sa bansa.

Bagama't hindi mapaglarong lalaki si Braze pero may nararamdaman pa rin akong pangamba. Kalahati sa akin ay nangangamba na baka kapag pumayag ako, maiwan ulit sa bandang huli. Hindi ko na kakayanin ang masaktan pa ulit dahil sa pagmamahal. Madali lang ako masaktan at durog na durog kapag nangyayari 'yon sa akin.

"Braze, marriage is not a joke." mahina kong sabi.

I felt his hug tighten.

"Damn it, Mywa." malutong niyang mura.

Kinabahan ako. Did I pulled his anger? Nasaktan ko ba ang ego niya? 

"I know the term of marriage. At hindi ko sasabihin 'yon sayo kung hindi ako handa sa lahat. Fuck, I feel old now. And you are in legal age. I want to have a family with you, baby." he said.

I sighed. May kulang pa talaga e. May gusto pa akong marinig sa kanya. I want to hear those word to firm my decision. Kapag marinig ko 'yon, bibigay na ako. Binaon niya ang mukha sa leeg ko. Kiliting-kiliti sa kanyang balbas. Napakagat-labi ako sabay buntong-hininga.

"I can't…" I said.

He sighed heavily. 

"Why?" 

Napakagat-labi ako. I sighed and shook my head.

"You don't love me." mariin kong sabi.

Natigilan siya ngunit mahigpit pa rin ang yakap sa akin. Narinig ko ang tawa niya dahil sa sinabi ko. Totoo naman kasi e! Anong silbi ng kasal kung walang pagmamahal na nakapa-loob? Ano 'yon, bubuo kami ng pamilya na walang pagmamahal? Baka masiraan ako ng isip kapag ganoon ang mangyari.

"Fuck it, baby." he said.

Hinalik-halikan niya ang leeg ko. 

"Ilang taon na ba akong baliw sayo hmm? Ilang taon na ba akong naghihintay na dumating ang panahon na ito? Tangina, Mywa. Matagal na kitang mahal. Bata ka palang, binaliw mo na ako." malambing niyang boses.

I was stunned by his word. Is it real? Hindi niya ba ako gino-good time lang? Baka kapag maniwala ako, tsaka naman niya ako iwan. Half of me believing him. But half of me still on doubt. 

"How can I believe you?" I asked.

He kissed my neck romantically.

"Marry me to prove that I love you." may hamon sa kanyang boses.

I nipped my lips. Nagkatinginan kami, pungay na pungay ang kanyang mga mata at umiigting ang panga. Napahinga ako ng malalim, para akong nasa hot seat kasama siya. Nag-iinit ang pisnge at naghuhuramentado ang puso. Sinapo niya ang mukha ko, unti-unting lumapit ang mukha sa akin at nilapat ang labi sa labi ko. Sa ikalawang pagkakataon, muli niya akong nahalikan sa labi. Muli kong nalasap ang kanyang halik.

Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon