Kabanata 3

4.4K 120 14
                                    

Kabanata 3

Puso



Kinimkim ko ang sakit na nararamdaman kahit nung dumating ang umaga at kailangan kong gumising. Nagtimpla agad ako ng gatas para kay Lola. Kailangan niya kasing makainom ng gatas para mas lalong lumakas ang resistensya niya. Napangiti ako ng malungkot dahil sa kalagayan ni Lola. Ang kanyang kumot ay nahulog kaya kinuha ko 'yon at nilagay sa kanyang katawan.

Nagsaing ako para sa agahan namin. Ang natitirang tatlong itlog ay niluto ko rin para maging ulam namin. Kailangan ko rin palang bumili ng bigas dahil wala na kaming sasaingin mamaya. Bibili rin ako ng itlog tapos mga pwede naming makain. May naiwan pa namang pera sa akin na pwede kong gamitin. Nang maging handa na ang pagkain namin, ginising ko si Lola para kumain na. Sabay kaming dalawa sa agahan.

Nang matapos ay naglinis ako. Nilinis ko ang bahay namin. Nagwalis ako sa labas at diniligan ang mga tanim namin. Nang matapos ay nilaban ko ang mga damit namin. Nagkausap pa kami ni Loida sa mga pwedeng pag-usapan. Sinampay ko ang natapos ng mga damit upang matuyo. Dumating ang tanghalian kaya sinabayan ko si Lola sa pagkain. Pagkatapos ay naghanda na ako para umalis.

Napahinga ako ng tumingin kay Lola, nasa higaan siya at nakatingin din sa akin. Maayos naman ang suot kong damit, tsaka hindi naman ako mukhang madumi. Ngumiti ako sa kanya.

"La, punta lang akong baryo para bumili ng bigas natin. Wala na kasi tayong sasaingin." paalam ko.

Ngumiti siya.

"Sige, hija. Sa susunod na araw ay luluwas ka rin para ibenta ang natapos kong mga walis ting-ting." mahina niyang sabi.

Tumango ako at nagmano sa kanya. Iyon ang kabuhayan ni Lola. Gumagawa siya ng walis ting-ting para ibenta ko. Iyon rin ang tumutulong sa amin para sa pang-araw-araw na gastusin. Si ma'am Acosta ay nagbibigay rin sa akin kapag may sweldo niya.

"Sige po, Lola."

Baon ko ang ngiti niya ng umalis ako. Nilakad na naman ang daan papunta sa baryo. Nang muling makita ang daan na makikita ang kamalig ay kinabahan ako. Naalala ko ang nangyari kahapon. Sana naman ay wala ang mga babae dito ngayon. Tinatagan ko ang sarili at walang lingon-lingon na dumaan. Buong akala ay ligtas ngunit napatigil dahil sa malalim na boses na siyang nagsalita sa likod ko.

Dumagundong ang puso sa kaba, nahirapang lumingon ngunit kailangan kong gawin. Natigilan ako ng bumungad sa akin ang kanyang katawan, basang-basa ngunit suot pa rin ang pang-ibaba. Napaiwas ako ng tingin, kinabahan at nahiya.

"Mywa right?" tanong niya sa marahang boses.

Napatingin ako sa kanyang mata, pungay na pungay at sobrang gwapo. Pilit akong ngumiti at tumango.

"O--opo," halos bulong kong sabi.

Ngumiti siya ng matamis. Unang pagkakataon kong makita ang ngiti niyang ganito. Ang puso ay kumabog ng mabilis.

"Pasensya ka na sa mga pinagsasabi ng kasama namin kahapon. They are like that, rich kids." marahan niyang sabi.

Napangiti ako sabay yuko. Hindi ko alam ang dapat sabihin sa kanya. Pakiramdam ko, sobrang mahalaga ang bawat ilalabas ng bibig ko. Na dapat ay magiging pasado sa kanya. Wala siyang suot na damit sa itaas, siguro ay kagagaling niya lang sa sapa at umalis ng makita ako. Mag-isa lang ba siya? Nasaan ang mga pinsan niya? Bakit hindi kasama?

"Hey? What's up? Are you shy?" pukaw niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya at nahihiyang ngumiti.

"Hindi naman po. Tsaka okay po sa akin ang nangyari kahapon. Nahihiya nga po akong humarap sa inyo lalo pa't nalaman mong s--sinilip ko kayo." ang boses ay nanginig.

Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon