Kabanata 4

4.3K 124 9
                                    

Kabanata 4

Umigting


Gaya ng sabi niya, maaga akong umalis sa Libtong upang maaga ring makarating sa kamalig. Alas tres palang ay gising na ako dahil kailangan kong magluto para kay Lola. Nag-igib pa ng tubig para sa pangligo niya tapos naghanda na rin ng pagkain para sa hapunan niya. Pagkatapos ay naligo na rin ako at nagsuot ng simpleng damit lang.

Kumain na rin ako upang hindi na magutom mamaya sa pagtuturo niya. Bitbit ang dalawang notebook at isang ball pen, naglakad ako na may saya sa mukha. Kahit papaano'y magkakaroon ako ng kaalaman habang hindi pa nakababalik sa paaralan. Excited talaga ako dahil sa offer niya. Halos hindi nga ako makatulog kagabi kakaisip sa pwedeng mangyari ngayon. Siguro marami akong matututunan sa kanya.

Matalino siya, at tapos na sa pag-aaral. Marami siyang kaalaman at alam kong matuturuan niya ako ng mabuti. Sana lang ay hindi ako mahirapan para hindi siya magkaroon ng problema sa pagtuturo sa akin. Ngumiti ako, puno ng pag-asa ang damdamin. Kaya mo 'to, Mywa!

Nang makita ang kamalig, muli akong niyanig ng kaba. Umiling-iling sa sarili at naglakad ng diretso papunta sa bukana ng bahay. Nanginginig ang braso ko habang hawak-hawak ang notebook, halos hindi pa nga mailakad ang paa dahil iniisip ko ang mangyayari ngayon. Sana naman ay maging maayos lang ang araw namin. Huminto ako sa tapat ng pinto, nakasarado iyon at tahimik. Nandito na ba siya? Baka sobra yata akong maaga?

Lumapit pa ako upang kumatok ngunit bumukas ang pinto ng kusa. Napaatras ako ng makita si Braze na walang damit habang pawisin ang katawan. Napaiwas ako ng tingin dahil nahihiya at naiilang sa kanya. Napalunok pa ako at kabadong-kabado ang puso. Bakit ba palagi siyang nakahubad? Wala ba siyang damit na dala? Nakakailang tuloy kapag ganito siya. Tinatagan ko ang sarili at humarap sa kanya na may ngiti sa labi.

"H--hi…kuya," naiilang kong bati.

Ngumiti siya ng malambing.

"Hello. Good morning. Have you take your breakfast?" tanong niya.

Mabilis akong tumango at ngumiti.

"Opo. Tapos na po, kuya." mahina kong sabi.

Nawala ang masigla niyang mukha, para bang nawalan siya ng gana. Bakit kaya?

"Really? Sayang nagluto pa naman ako ng breakfast para sa atin." naging malamig ang kanyang boses.

Nanlaki ang mata ko. Talaga? Nagluto siya ng pagkain para sa amin? Hindi ko inaasahan ito.

"Ah? T--talaga po?" takang tanong ko.

Bumuntonghininga siya at tumango ng pagod. Kaya ba pawisin ang katawan niya dahil sa pagluluto? Kaya ba? Mas lalong kumabog ang puso ko ng malaman iyon. Hindi ko lubos akalain na gagawin niya sa akin ang pagluluto ng pagkain. At totoo nga ang sabi-sabi, marunong din siya sa gawaing bahay. Napangiti ako.

"Yup. I prepare our breakfast. Pero ang sabi mo'y kumain ka na kaya wag nalang…" malungkot ang boses niya.

Umiling ako at ngumiti ng nahihiya.

"Ah hindi po, sige po kakain ako. Sasabayan kitang kumain po…kuya," nahihirapan kong sabi.

Bumalatay ang ngiti sa kanyang labi. Umiling-iling kaya nagtaka ako. Bakit kaya siya umiling? May problema kaya sa sinabi ko? Di kaya natatawa siya dahil parang gutom na gutom ako at gustong makakain ng niluto niya? Ganoon ba ang dating ng sinabi ko sa kanya? Nakakahiya naman kung ganoon nga.

"Really? Kahit busog ka na?" manghang-mangha ang kanyang boses.

Napahinga ako at napipilitang ngumiti.

Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon