Kabanata 20

4.9K 130 4
                                    

This will be the last chapter for this story. The next chapter will be the epilogue. Thank you.
--------------------------------

Kabanata 20

Believe

Tinupad niya ang pangako sa akin, pagkatapos ng isang araw na pahinga sa mansion, umalis kami papuntang ibang bansa upang magbakasyon at doon muna manirahan ng ilang buwan. Pumayag ako kahit hindi doon tumira habang buhay, alam ko kasing kailangan din niyang atupagin ang kompanya nila. Lalo pa't siraulo ngayon si Brazier. Muntik ng malugi kasi hindi nabigyan ng pansin dahil sa kanya.

Pagkatapos ng walong buwan na pamamalagi sa Greece, umuwi kami para alagaan ulit ang negosyo nila. Sa bahay nila kami tumira lalo pa't request iyon ni mama. Malaki rin naman kasi ang kanyang kwarto at wala namang problema sa akin kaya pumayag ako. Ngunit, nitong mga nakaraang linggo, palagi siyang late umuwi. Minsan nga natutulugan ko nalang sa paghihintay kasi matagal dumating.

Alam kong hectic ang trabaho sa company lalo pa't muntik na talaga itong bumagsak sa kamay ni Brazier at ngayon siya ang gumagawa ng paraan upang ibalik ang nawalang pera sa negosyo. Hindi rin naman tumutulong sa kanya ang ibang pinsan kasi busy na ito sa kani-kanilang pamilya. Naisip ko rin na bakit hindi pa ako nagbubuntis? Kung pagtatalik lang ang pag-uusapan, parati naman namin 'yon ginagawa lalo na kapag pagod siya at gusto niya ng lambing ko.

Nagtataka man ako ngunit hindi ko na 'yon naisip pa kasi baka darating talaga ang panahon sa amin na makabuo ng anak. Sa ngayon, focus ako sa pag-aalaga sa kanya. Marami akong naisip para sa pamilya namin, bumuo ng anak at magkaroon ng sariling bahay. Gusto ko rin naman kasing magkaroon kami ng sariling bahay nang sa ganoon ay magawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin.

Sa mansyon kasi, naiilang ako kapag naglilinis dahil ayaw ni mama na gawin ko 'yon lalo pa't may kasambahay naman daw. Kaya wala akong magawa kundi ang tumunganga sa kwarto namin, maghintay sa asawa ko kung kailan uuwi. Gusto ko rin subukan na magluto ngunit pinagbabawalan din ako ni mama kasi may kasambahay na naman. Ang mga gusto kong gawin ay hindi magawa dahil nandito kami sa mansyon nila. Lahat ng kilos ko ay inaalagaan ni mama.

Hindi sa galit o nagtatanim ako ng sama ng loob sa kanyang ina, nakakapanlumo lang kasi hindi ko magawa ang mga iyon. Hindi ko rin naman masabi kay Braze kasi baka mag-isip siya ng kung ano-ano. Kaya wala akong magawa kundi maglihim nalang at tumahimik sa tabi. Ayoko ring masira ang relasyon nila dahil sa akin. Pamilya kami dito, at kung ano man ang problema ko, sa akin na 'yon.

Ngayon naman, nasa kompanya si Braze dahil sa project na in-offer ng Fumar Venture Corporation sa kanya. As of the moment, nasa conference room sila at nagmi-meeting kasama ang mga shareholders. Naisip kong magdala ng pagkain sa kanya, hindi kasi kami nagkita kagabi at ngayong umaga dahil maaga siyang umalis sa mansyon. Gabing-gabi na rin siya umuwi kaya nakatulugan ko. At ngayon, gusto kong magdala ng pagkain para sa kanya, at para kumustahin na rin ang negosyo nila.

Bumaba ako sa kusina upang maghanap ng pwedeng dalhin sa kanya. Nang makita ang mainit pang menudo at lumpia, natuwa agad ako. Ito nalang ang dadalhin ko sa kanya. Si mama siguro ang nagluto nito. Kumuha ako ng lunch box, nilagyan ng maraming kanin tapos ulam. Masaya ako ngayon kasi mapupuntahan ko na siya. Hindi pa kasi ako nakaka-punta sa building nila dahil nahihiya akong magsabi. Pero ngayon, may rason na para makapunta ako doon.

Naghanda rin ako ng mango float para sa dessert niya. Nang matapos, masaya akong umakyat sa taas upang magpalit ng damit. I wore white dress, hanggang tuhod 'yon at Mary Janes na sandal ang suot ko. Hanggang balikat nalang ang buhok kung kaya't tumingkayad ang mala-dyosa kong mukha. Si mama ang nagsabi sa akin na magpagupit ako para mas lalong mabaliw si Braze sa akin. At totoo naman na nangyari 'yon kasi halos hindi niya ako tinantanan nung nakita ako sa bagong hairstyle.

Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon