Aral, aral at aral. Ilang puyat at luha na lang, matatapos na ako sa college. Sineseryoso ko talaga tong pag-aaral na to dahil sa pamilya ko. Hindi para i-ahon sila sa kahirapan. Kundi para maging proud sila sakin. Galing ako sa pamilya ng puro mga propesyunal. Engineers, doctors, teachers at isang piloto. Tapos ako, tinatapos ko ‘tong accounting (na nakakapatay ng mga brain cells and nerves), para naman hindi ako mapag-iwanan. Si mommy at daddy, nasa America. Ako lang ang nag-iisang anak nila kaya naman ako lang ang naiwan dito sa Pinas.
Christine nga pala. Christine Mendez. Akala ng iba, ang sarap ng buhay ko. Pero sa totoo lang, hindi. Bukod sa hindi ko kasama sila mommy, matinding pressure din ang nararamdaman ko dahil kilala ang pamilya ko. Si Dad, ang may-ari ng Mendez Jewelries Company. Si Mom naman ay ilang taon na ring namamahala ng ibang branches ng negosyo namin sa States. At ako, kahit ayoko naman talagang maging kumplikado tong buhay ko, no choice.
“Christine, your dad is asking for your grades.” – Mom
Gaya niyan, maaalala lang akong tawagan at i-text nila mommy kapag hinahanap na nila yung grades ko, kapag tinatanong nila kung kamusta na ang pag-aaral ko. Buti pa yung pag-aaral ko, naaalala nilang kamustahin eh, no? Ako, hindi... Hindi talaga...
“Mom, nag-email na ako. Sinend ko na sainyo grades ko this sem.”
“Okay, your dad said na you should spend your summer vacation here in the U.S”
“I don’t have the right to say, no.”
“Christine...”
“Mom, I have to sleep. Okay, I’ll spend my summer vacation there. Good night, bye.”
Nakaka-inis. Dun nga sana ako magba-bakasyon sa Cebu eh. Dun na nga yung usapan namin ng mga kaibigan ko. Mapipilitan na naman akong makasama si Mom. Nakakainis...
”Christine!” Si Eugene. Simula second year college, kinukulit na niya ako. Gusto niya daw akong maging girlfriend. Hindi naman sa ayoko sa kanya, pero kasi mas okay kung magkaibigan lang kami. Friendzoned? Oo, alam ko. Pero maganda ang dahilan ko. Ayoko kasing magka-ilangan kami at ayokong masira yung ilang taon din naming pagka-kaibigan simula high school.
“Oh, Eugene. Anong meron?”
“Hindi ka na daw sasama sa Cebu? Bakit?”
“Ah, oo. Hindi na nga. Sila mommy kasi, pinapapunta akong U.S ngayong bakasyon... Sayang nga eh, gusto ko pa naman sanang kasama kayo dun, tsaka matagal na rin akong di na nakaka-punta sa Cebu.”
“Ganun ba... Oo nga, sayang talaga... Akina yang mga librong dala mo. Hatid na kita sa parking lot.” Iniabot ko sakanya ang mga libro ko at ngumiti ako.
“Salamat, Eugene.”