CHAPTER 17: A DAY WITHOUT TEARS

23 0 0
                                    

AFTER NG ISANG ARAW NG IYAKAN...

“Christina, magbihis ka. Aalis tayo,” James said while I’m still half asleep. Kahit naman nanghihina pa ako at antok na antok pa, tumayo naman ako para maligo at nagbihis na. Paglabas ko ng bahay...

“CHRISTINA!” Ngiting-ngiti akong tinawag ni James papasok sa kotse. “Hiniram ko kay manong driver mo tong susi ng kotse niyo. Papasyal tayo!!!”, excited na excited?

“Teka,” sabi niya. “Naiwan ko pala yung bag ko sa loob. Teka. Babalik ako. Masyado kasi akong excited eh.” Bumaba siya ng kotse at pumasok ulit sa loob ng bahay, ako naman nagbasa muna ng paborito kong libro. (Fault in Our Stars) Maya-maya pa, naramdaman ko na na may pumasok na sa kotse an ini-start na yung car kaya ibinaba ko na yung librong hawak ko.

“KYLE?!”, gulat na gulat talaga ako nung makita kong si Kyle yung nasa loob ng sasakyan at nagda-dive.

“Teka nga! Kyle ano ba?! Ihinto mo to!!! Ngayon na!”, pero para siyang walang naririnig. Nilakasan niya pa yung radyo para hindi na ako makapagsalita ng malakas.

“Pwede ba, Christine?! We have to talk.”, he said while driving.

“No!”, pasigaw ko namang sagot. “Ibalik mo ko sa bahay!!! Hahanapin ako ng kuya mo, ano ba, Kyle?!” halos maubo na ako sa kakasigaw, marinig niya lang ako. Bigla naman siyang natigilan, actually parehi kami nung marinig namin yung tugtog...

‘Oo nga pala, hindi nga pala tayo...

Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo...’

Okay, ang awkward talaga. Pareho kaming hindi makatingin sa isa’t-isa eh. Sakto talaga yung tugtog, pareho kaming natatamaan. Totoo naman eh, hindi naman kami ni Kyle. I like him, sobra. Pero... hindi ko alam kung ano ba talagang plano at nasa isip niya.

‘hindi sinasadya na mahulog na ang loob ko,

Asan nga ba ako? Andyan pa ba saiyo?

Nahihilo, nalilito.. asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo?’

Bigla naman niyang pinatay yung radyo at kitang-kita ko na namumula siya.

“Christine...”, he said in a very low voice. Sa sobrang low, parang maiiyak na siya na ewan. Ako naman, hindi ko pa rin siya tinitignan. Paulit-ulit kong naiisip yung lyrics ng ‘migraine’ para bang ginawa yung kanta para saming dalawa ni Kyle. “I’m sorry.”, napatingin naman ako sa kanya bigla at naramdaman kong uminit yung pisngi ko nung makita kong inilapit niya yung muka niya sa muka ko. Akala ko talaga hahalikan niya ako, pero bigla niya akong niyakap.

“I was too scared to fall in love with you”, teka... parang narinig ko na yun ah. “Sorry. Alam ko talagang gusto kita, pero hindi ko kayang iwan si Angela.” Napangiti naman ako nung maintindihan ko yung sinabi niya. Si Angela ang mahal niya, hindi ako. At, si James ang mahal ko, hindi siya.

Pagkabitaw niya sa pagkakayakap sakin, pareho kaming nangiti. Nagkaintindihan kami. Nawala agad yung ngiti namin nung marinig namin na may kumakatok sa bintana ng kotse.

Lumabas agad ako nung makita kong si James ‘yun. Hingal na hingal. Hinabol niya kaming dalawa ni Kyle?!

“Baby”, i said. Pero halatang galit na galit siya kaya niyakap ko na siya agad.

“Bitawan mo nga ako”, tinulak niya ako at hinila palabas ng kotse si Kyle. “James!!!”, napasigaw ako sa takot. Ayokong magkasakitan na naman sila ulit. Masyado ko nang nasisira yung relayon nilang dalawa bilang magkapatid.

“Ano na naman ba, Kyle?! Are you planning to steal her away from me again?!”, susuntukin na naman niya sana yung kapatid niya nung bigla ko siyang pinigilan. “James! Let him go!” binitawan naman siya agad ni James.

JAMES: “Christina. Kung gusto mong sumama kay Kyle, go ahead! Hindi na kita pipigilan. Nagsasawa na akong habulin ka tuwing iiwan mo ‘ko.”

KYLE: “Kuya, hindi mo naiintindihan.” Napatingin naman kami pareho nang matawa si Kyle. Halatang galit na galit pa rin si James saming dalawa. “She’s yours. You can take your wife back sa America. Kung may problema, just call me. Balak ko pang ipasyal si Angela dito sa Philippines.” Yun lang at tumalikod na samin si Kyle. Pero siyempre, bago siya umalis, gusto ko munang yakapin siya for the very last time.

ME: “Kyle.” Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako at hinalikan ako sa noo. Naramdaman ko namang hinila ako ni James para mabitawan ko si Kyle.

JAMES: “What the hell is happening here?!” pero umalis na talaga ng tuluyan si kyle at naiwan ako kasama si James para magpaliwanag.

Bumalik kami sa loob ng kotse at sinabi ko kay James lahat. Tinawagan niya naman agad yung kapatid niya to say sorry.

“James, pano antin haharapin sila Daddy at yung mama mo? For sure, galit sila.”, I asked.

“Si mama, for sure hindi galit ‘yun. She’s not like your  mom. I mean... I’m sorry, pero kasi si mama, maiintindihan niya agad.”, hindi naman ako nag-disagree. Totoo naman eh. Ang hirap hirap magpaliwanag kay mommy. Isa pa, malaking kasalanan tong ginawa ko. Naku naman!!! Humanda yang daldalerang Alyssa na yan sakin. Iipunin ko na lahat ng english na alam ko para hindi ako ma-speechless kapag nag-away na kami.

“Akong bahala sayo.” He said then he kissed my forehead.

* * *

Natapos yung araw naming masaya. Natulog kaming magkatabi, hindi man lang ako nakaramdam ng kahit konting ‘awkward feeling’ ang saya. Sana james, lagi nalang tayong ganito... sana maulit ulit tong araw na to... kung ano man yung mangyayari bukas, bahala na. Basta ang mahalaga, andyan ka. Nasa tabi ko lang, lagi. 

"Let Me Let You Go." (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon