CHAPTER 12: PHILIPPINES, WITH... KYLE

27 0 0
                                    

KYLE’S POV

Kaya ba umiyak si Christine kanina habang magkausap kami? Mahal pa ba talaga ni kuya si Alyssa, eh niloko nga siya nung babaeng ‘yun. Pero sabagay, pareho lang sila kasi si kuya, manloloko naman talaga. Kanina, habang nasa labas ako ng pintuan nila Christine, gusto ko siyang hilain palapit sakin para yakapin. Hindi ko alam kung gusto niya bang yakapin ko siya, pero pakiramdam ko kailangan niya lang ng taong makakasama ngayon. I stopped the car nung nasa park na kami at bigla ko nalang siyang niyakap.

 Hindi siya nagsasalita. Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako ng mahigpit. Sobrang                                        higpit. Maya-maya pa, umiyak na siya.  

                                “Kyle, anong ginawa ko?” she asked. “ano ‘tong nararamdaman ko?”

                                Hindi ko rin alam. Gusto kong isipin na nasaktan lang siya dahil sa pride niya, hindi dahil sa nagseseselos siya dahil may gusto na siya kay kuya. Pero ayokong magsalita. Gusto ko lang na magkayakap kami hanggang sa gusto niya.

                “Gusto kong umuwi ng Philippines.” She said. Bigla akong umalis sa pagkaka-yakap sa kanya at nagtataka akong nagtanong, “Seriously?” tumango naman siya. “Kasama sa usapan namin ni James na dadalhin niya dapat ako sa Philippines. Pero ayoko na. Ayoko na siyang makita. Kaya ko naman mag-isa, kaya ako nalang uuwi dun. Tawagan mo ako kapag okay na ang company niyo para mai-ayos na namin ni James ang divorce.”

                Nagulat ako, may mga ganung usapan pala sila. Alam kong biglaan yung kasal nila pero hindi ko alam na planado pala nilang dalawa ‘yun. Nagpa-kasal sila para mai-save ang kompanya, dahil malaking tulong ang pamilya ni Christine sa pag-lago ng negosyo namin. At sinabi nila Mr. Mendez na hindi na sila makikipag-partner samin kapag hindi ikinasal sila kuya dahil nga hindi sila naniniwala na walang nangyari sa kanila nung gabing pareho silang nalasing sa alak at problema.

                Out of nowhere, bigla ko nalang sinabi na, “I’ll take you to the Philippines.” Halatang nagulat siya, pero bago pa siya makapag-salita, itinuloy ko na ang sasabihin ko. “Pero, eto ha. Hanggang tatlong buwan lang tayo dun. Hindi pa okay ang kompanya, at higit sa lahat ipapapatay ako ng parents mo kapag nalaman nilang itinakas kita. Isa pa, si kuya---“

This time, ako naman ang pinutol niya.

                “Hayaan mo na si James. Si Alyssa ang gusto niyang kasama, kaya pagbibigyan ko siya. Three months, deal!” nakita ko na namang ngumiti siya. Si Chrisitine... I really, really, really like her...

                “Okay,” I said. “Bibigyan kita ng four hours. Bilhin mo lahat ng kailangan NATING DALAWA. LAHAT, Christine, ha? Bibili ako ng ticket. Wag mo na balikan yung mga gamit mo sa hotel. Baka mahimatay ka kapag nakita mo kung ano na ang ginagawa ng dalawa dun.” She smiled. “Eto oh.” Inabutan ko siya ng pera. But she refused. “Kyle, mas mahal yung ticket papuntang Pinas. Haha! Ako na bahala sa mga kailangan natin.” Tapos, bumaba na siya sa sasakyan at nagpunta sa mall sa tapat ng park.

                Ang saya ko. Babalik ako ng Pilipinas, kasama yung babaeng gusto ko. Lord, thank you po.

CHRISTINE’S POV

Masaya na ‘ko. Para talagang hero ko ‘tong si Kyle. Bukod sa malalayo ako kay James, makakabalik pa ako ng Pilipinas. Biglaan pero okay lang kasi, siya naman yung kasama ko. Alam kong safe ako, at aalagaan niya ako.

"Let Me Let You Go." (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon