KYLE’S POV
Pagdating ko sa office, naabutan ko si Angela na nakaupo sa lamesa ko. “Good morning, Kyle.” Nginitian ko naman siya at hinalikan sa pisngi.
“Good morning, sweetie.”
“Matutuloy na ba tonight yung date natin Kyle?” I paused a while. Biglang pumasok sa isip ko si Christine. Ewan ko kung bakit. Ayokong isipin siya, pero somewhere in my heart, gusto kong maligaw siya ulit. Tapos ako ulit ang maghahanap sa kanya. At kapag nangyari ulit ‘yun, gusto ko siyang ilayo kay kuya. Weird.
“Kyle?!” bigla akong napatingin kay Angela na nung mga oras na ‘yun ay nagtataka na.
“I’m... sorry. Sige, tuloy tayo mamaya.”
CHRISTINE’S POV
“Hoy James!!! Hindi ka ba tatayo diyan?! Sisipain kita, isa!” Nagising akong nasa tabi ko si James. Naka-idlip ako sa sofa pagkatapos naming kumain ni James at nung magising ako, nakita ko nalang na katabi ko na siya. Nakapatong pa yung paa niya sa legs ko, talagang isiniksik niya ‘yung sarili niya. Nagkasya kaming dalawa sa upuan!
Sinipa ko siya nung hindi niya ako pinapansin.. pero... hindi man lang siya bumangon. Wala man lang siyang reaksyon kahit nalaglag na siya sa upuan.
“James?”
“Chris...tina...”
Tumayo ako para lapitan siya, pag-hawak ko sa kamay niya, ang init. Okay, so nilalagnat naman siya ngayon. Hindi na naubos eksena ng lalaking ‘to. Itinayo ko siya ng dahan-dahan at hiniga ko siya sa kama. Hinila niya ako palapit sa kanya kaya nakahiga ako sa ibabaw niya.
“Carter!”
He groaned. “Dito ka lang. Dito ka muna.” Hanep, ang lakas ng mood swings ni James, dahil hindi ako komportableng nakapatong sa kanya, umalis ako. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig para punasan siya. Ang awkward nung itsura namin kanina pero, naka-ramdam na naman ako ng malakas na kabog sa dibdib ko. Hindi ko na naman makalimutan yung amoy niya... ang bango eh.
Nilapitan ko siya sa kama at pinunasan ko ang braso, noo at mga kamay niya.
“Ayoko niyan!” bigla niyang hinampas ang kamay ko.
“Ano bang problema, James?! Kanina lang, bigla mo kong niyakap, ayaw mo kong paalisin tapos ngayong inaasikaso kita, hahampasin mo ‘ko. Ano ba talagang gusto mo, ha?!”
“Call Alyssa.”
“A...ano?!” parang biglang may sumuntok sa dibdib ko. Biglang parang gusto kong ibuhos sa kanya yung malamig na tubig. “Anong sasabihin ko sa kanya?” nanghihina kong tanong...
“Tell her I’m sick and I need her.” Yun na. Sobrang sakit na talaga. Ako na ‘tong nandito sa tabi niya, yung babaeng niloko lang siya ‘yung hinahanap niya ngayon. At higit sa lahat, ako ang asawa niya... Christine, hindi ka pwedeng umiyak! Don’t be stupid. Ibinato ko sa muka niya ‘yung towel. “If you want her to be here, ikaw ang tumawag sa kanya!”
“I need Alyssa, okay? I need her!” nakapikit siya habang sumisigaw sa’kin. Yung paulit-ulit niyang sinabi na si Alyssa ang kailangan niya. Sobrang sakit. Anong nagawa ko? Ano bang problema ni James?
I took his phone and called Alyssa...
Alyssa: James?
Me: No, Alyssa. This is Christine.
Alyssa (in a very cold voice): Oh. You must be his new girlfriend.
Me: Listen, he’s sick and he wants you to be here.
Alyssa: Me? But... why?
Me: I don’t know, but just come over here, okay?
Binaba ko na... Habang pigil na pigil ako sa pag-iyak, narinig kong nagsalita si James...
“Pupunta siya? You can go anywhere now.”
“Oo. Pero wala akong pupuntahan kaya hindi ako aalis.”
Mamamatay na ‘ko sa sobrang sakit at higpit ng dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga kasi pigil na pigil ako; yung lalamunan ko, sobrang sakit din. Papatayin mo ‘ko, James Carter.
After 15 minutes, dumating na si Alyssa. I opened the door and without greeting her, dumiretso ako sa C.R... bago ako pumasok sa banyo, narinig ko pa siyang nagsabi, “Baby, James baby. What’s wrong?”
Bago pa nila ako makitang humagulgol, pumasok na ko banyo at umiyak.
Maya-maya pa, tumunog na ‘yung phone ko. Si Kyle. Lumunok ako ng maigi at pinigil yung iyak kong may kasamang hikbi.
Kyle: How are you?
Me: Uhm.. Ky...kyle. hi. I’m.. okay.
Bwisit na pag-iyak ‘to. Hirap pigilan.
Kyle: Christine, anong nangyari? Bat ka umiiyak?
Me: H..ha? He-he. Hindi ako umiiyak no. *hikbi* okay lang ako. Ano bang meron? Bat... bat ka... tumawag? *hikbi*
Kyle: I’ll be there in ten minutes.
Me: Ky---
Pero binaba niya na. Gumaan naman yung loob ko. At least, may kakampi ako at may mapagku-kwentuhan ng problema ko. Thank you talaga Kyle... Lagi ka nalang dumadating kapag kailangan kita.
Lumabas ako ng C.R, ayoko sana kaso di ko mapigilang silipin sila James. Nakita ko silang magka-yakap ni Alyssa. Pero this time, hindi na ganun kasakit kasi inaasahan ko naman na yung nakita ko. Dumiretso ako sa gilid nila para kunin yung bag ko. Humarap ako sa salamin at nag-ayos ng konti.
“I hope you’re having fun Alyssa, while hugging my boyfriend. And you, James, I hope you’re feeling better now that this bitch, having sex with the guy she replaced you, is hugging you right now.”
Nakita kong nainis silang pareho sa sinabi ko. Magsasalita na sana si Alyssa ng biglang may kumatok. Alam kong si Kyle na ‘yun.
“Oh, so my date’s finally here.”
Pag-bukas ko ng pinto, sinadya kong makita ni Kyle na kasama ni james si Alyssa sa kama at sinadya kong makita ni James na sinusundo ako ng kapati niya.
"Akala ko ba Chrisitna wala kang pupuntahan ngayon?" Lumingon naman ako kay James para sagutin yung walang kwenta niyang sinabi, "Anong gusto mo, panuorin ko kayo ng malanding yan habang naglalambingan kayo sa hotel room NATIN?"
