Okay na si Christine. Nakatulog ako sa loob ng kwarto niya dahil medyo matagal na at hindi pa rin nakaka-balik sila mama. Nagising nalang ako nung marinig kong tinatawag ako ni Christina.
"J..James..."
"Uy. Ano, nagugutom ka? Okay ka na ba?"
Hindi siya sumagot, pero nginitian niya lang ako. Kahit na ang dami-dami kong inaalala ngayon, gumaan 'yung loob ko nung makita ko siyang naka-ngiti.
"O.A ka naman."
"Christina, I'm... I'm so sorry..."
Hinawakan niya ang kamay ko at nakangiti niyang sinabi, "ano ka ba naman James? Wala kang kasalanan. Napaka-sakitin ko lang. At isa pa... sobrang saya ko kagabi. Sa...salamat."
Araw-araw, paganda ng paganda si Christine sa paningin ko. Kahit pa ang putla niya ngayon. Kinuwento ko na rin sa kanya 'yung nangyari kanina. Napansin kong nalungkot siya. Ayoko siyang ma-stress ngayon kaya naman nag-kwento nalang ako ng kahit ano sa kanya.
Nagta-tawanan kami nang kumatok si mama sa kwarto at pumasok na siya, kasama niya ang mom and dad ni Christina.
"Princess, are you alright?" Nilapitan ni Mr. Mendez si Christina sabay niyakap.
"Dad, lagnat lang 'yun. Gagaling ako kahit hindi na ako dinala ni James dito sa hospital."
Napansin kong hindi man lang kinausap ni Christina ang mommy niya. Tatayo na sana ako para umalis, para hayaan silang makapag-usap usap, ng biglang pinaupo ako ulit ni mama.
"JA. Stay here, we have something to tell you." Nagka-tinginan kami ni Christina habang napa-lunok naman ako.
* * *
Walang kagatol-gatol na nagsalita si Mrs. Mendez, "Kailangan niyong magpa-kasal."
"WHAT?!" sabay kaming napa-sigaw ni Christine.
"Mom?! ARE YOU INSANE? What's wrong with you?!... dad?"
"Princess... Yung nangyari sa inyo kagabi ni James---"
"Dad!!! What are you talking about?! Walang nangyari sa'min, ano po bang iniisip niyo?!" Napa-lakas na ng sobra si Christina, samantalang ako, nakatingin lang ako kay mama. Nagtatanong ang mga mata ko kung anong klaseng sitwasyon 'tong ibinigay niya sa'kin.
"Wala pong nangyari sa'min ni Christine." mahina kong sinabi sa kanilang lahat. Narinig kong umiiyak na si Christina kaya ako na ang nagsalita.
"Bakit naman po nag-iisip kayo ng ganyan?" tumayo si Mrs. Mendez at hinawakan ang balikat ko, "James, we all agreed na ikasal na kayo ni Christine. You spent the night together, mahirap paniwalaan na walang nangyari sa inyo."
"Isa pa," biglang sumabat si Mr. Mendez, "kapag hindi mo pinanagutan ang ginawa mo sa anak ko, maa-apektuhan ang bussiness namin with your family."
"I WANT TO TALK TO JAMES, ALONE!!!" Bigla naman kaming natigilan ng marinig namin ang sigaw na 'yun ni Christine.
Lumabas na sila at iniwan kaming dalawa. Naririnig ko pa rin ang iyak niya habang ako naman, itinakip ko na ang dalawang palad ko sa mukha ko.
“This is insane.” Mahina kong ibinulong sa sarili ko. Naiintindihan ko na, alam kong ayaw ni mama pero, malakingtulong naman kasi talaga sa bussiness namin ang pakikipag-partner namin sa pamilya ni Christina. At malamang, pumayag na rin siya dahil sa kapag ikinasal ako, mawawala ang sakit niya sa ulo dahil sa mga pambababae ko.
“I want to do it.” Bigla akong napatingin kay Christine. Tama ba ‘yung narinig ko?
“If this is what they want, I’ll do it.” Pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak.
“Hindi... ayoko Christina! Mapipilitan tayong pareho at hindi okay yun!” kontra ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko, at pinipilit niyang kumalma.
“James, magpakasal tayo. Maaapektuhan ang negosyo ninyo dahil sa pagiging careless nating dalawa!”
“Kahit pa! Hindi enough ‘yun na dahilan para magpakasal tayo! Pareho tayong hindi pa handa!” inalis ko ang kamay niya sa pagkaka-hawak sa’kin.
“Take away from them.” Natigilan naman ako nung marinig ko ang mga sinabi niya... Naguguluhan ako!!!
“James, ise-save natin ang negosyo niyo at ililigtas mo ako kapag ginawa natin ‘to. Iuwi mo ako sa Pilipinas after ng kasal. Tapos, bahala ka nang gawin kung anong gusto mo.”
Medyo gusto ko yung idea na ililigtas ko ang negosyo at ililigtas ko si Christine. Bago pa ako sumagot, nagsalita na ulit siya.
“Magpapa-kasal tayo. Bibigyan kita ng kalahating taon. After that, pwede na tayong mag-hiwalay. For sure, safe na yung negosyo niyo nun.” Napaka-selfless pala ni Christina. Huminga ako ng malalim... balak kong makipag-ayos sana kay Alyssa, kung nagtiis siya, dapat ako din. Kung minahal niya ako ng todo kaya napapatawad niya ako, dapat ako rin...
Tumingin ako sa mga mata ni Christina, “Okay, let’s get married then.”
CHRISTINE'S POV
NABIBIGLA LANG BA AKO? Hindi. Gagawin ko talaga 'to. hindi ako makakabalik sa Pinas unless, gagawin naming excuse ni James ang "honeymoon" namin. Isa pa, alam kong malaking tulong ang kompanya namin sa kompanya nila James. Ayokong masira sila dahil lang sa pagiging iresponsable ko.
Tatapusin ko ang pag-aaral ko sa Pilipinas. Hahayaan kong gawin ni James ang kahit anong gusto niya, since magiging kasala lang naman kami sa papel.
Pagka-labas ko ng ospital, three weeks after inayos na yung wedding namin. hindi kami sa simbahan ikinasal. gusto namin ni James na maging simple lang since pareho naman kaming may ayaw neto.
Masama ang loob ko kay mommy at daddy pero, gagawin ko pa rin to para sa kanila at lalo na para sa sarili ko.
Magiging succesful ako at tutulungan namin ni James ang isa't-isa.