CHAPTER 15: MY FIRST KISS

33 0 0
                                    

CHRISTINE'S POV

1 A.M na at nakaka-limang beer tower na kami. Hindi na ako umiinom, sinalo na ni James lahat ng para sa’kin para daw ako na ang mag-drive pauwi kapag nalasing na siya. How nice. -_____-

Sa tapat ko, napansin ko naman na lasing na si Eugene. Nginingitian niya ako pero halos papikit na ‘yung mga mata niya. Si Eleonor, Mae, Nikka at Lloyd, sumasayaw habang naiwan sa table si James, Eugene, Mandy, Lea, Lara John at ako.

MANDY: "Eugene, tama na. Lasing ka na."

EUGENE: "I’m okay. Sasabay na muna ako kay Lara umuwi. Lara! Ha..hatid mo ‘ko... okay?"

LARA: "Lasing na talaga ‘to. Oo na, sige. Sige, hahatid kita."

Nag-alala naman ako kay Eugene. Huling beses na nakita ko siyang lasing eh nung nag-away sila ng kapatid niya (kuya niya) na nauwi sa suntukan.

JAMES: "Dude, tama na. Okay na. Lahat ng sobra, nakakasama."

Inagaw na namin ‘yung baso kay Eugene at hindi na namin siya pinainom. Nagkwentuhan nalang kami para malibang siya...

MANDY: “Eugene, may dine-date ka ba ngayon?”

Mali pa ng naitanong ‘tong si Mandy. Kinabahan ako sa tanong niya. Alam kong nagpapaka-lasing si Eugene ngayon dahil sa’kin. Ilang taon niya akong kinukulit na ligawa, tapos ngayon malalamn niyang may boyfriend ako. (kasal na nga eh)

EUGENE: “Wala. Si Christina kasi, hindi ako binigya ng chance.” Sumingit na sa usapan si John,

JOHN: “Pre, may ipapakilala ako sa’yo...” hindi pa siya tapos magsalita, tumayo na si Eugene at tinignan si James. Lahat naman kami, pinapa-kalma siya. Lumapit na rin sila Lloyd nang mapansin nilang hindi na okay ‘yung mga nangyayari sa table namin. Hinila naman ni John si Eugene para paupuin, pero hindi rin siya napaupo.

EUGENE: Congratulations James, napasagot mo yung babaeng ilang taon ko nang kinukulit para ligawan ko.

Si James, walang kibo. Nakatingin siya kay Eugene pero hindi siya nagsasalita. Hinawakan ko siya sa kamay, pero wala pa rin siyang reaksyon. Nilapitan naman ako ni Mandy at pasimple niya akong binulungan: “I love you best friend. Sorry kung may ganitong gulo.”

I kissed her cheeks at umiling ako. “No Mandy, it’s okay. Naka-inom lang si Eugene kaya ganyan siya.” Then I kissed her cheeks again. Niyakap niya ako at sinenyasan na niya ‘yung iba pa nain kaibigan, they all smiled at me. Naguluhan ako, pero sinabi ni Mandy, “Sige na. Umalis na kayo ni James, magkikita ulit tayo, pero hindi na natin isasama si eugene. Sige na, lakad na.” Tama sila, kailangan na namin umalis bago pa magka-gulo.

Habang nakahawak silang lahat kay Eugene, lumabas na kami ni James at sumakay na sa kotse. Ako nag magda-drive.

Nasa likuran siya umupo. Hindi pa rin siya nagsasalita. Humiga siya at nag-drive na ako.

Bandang 4 A.M, nakabalik na kami sa resthouse sa Tagaytay. Tinext naman ako ni Mandy para sabihing tulog na si Eugene at nag-overnight sila sa bahay nila John. Ginigising ko si James, pero hindi siya sumasagot o nagre-react man lang. Umupo muna ako ng sandali sa driver’s seat. After how many minutes, lumabas ng kotse si James at hindi man lang ako pinansin. Hinabol ko naman siya papasok sa bahay... “James Carter, anong problema?! Anong problema mo, ha?!”

Nagulat ako nang kargahin niya ako at inihiga sa kama. “Ja..James?” humiga rin siya at kinumutan ako. Tumingin ako sa kanya, pero nakapikit lang siya. Anong problema nito?

"Let Me Let You Go." (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon