KYLE'S POV
At dahil nga nakatanggap ako ng tawag galing kay Christine, at mukang kailangan niya ako, hindi ko na muna tinuloy ang pagpakikipag-kita ko kay Angela.
Me: Asan ka Christine?
Christine: K..Kyle, sa totoo lang hindi ko alam.
Me: Sige, sabihin mo nalang sakin kung nasaan ka banda. Anong building ang nasa gilid, harap at likod mo.
Christine: Kyle... walang building. Andito lang ako sa madilim na lugar, pero nasa may burger stand ako. Malakas ang ulan kaya hindi ko mabasa tong sign sa harapan ko.
Nag-umpisa na akong mag-alala. Kakagaling lang niya sa sakit at siguradong magwawala ang parents niya kapag nalaman nilang nawawala ang anak nila.
Me: May mga vandal ba ang walls diyan?
Christine: I’m not sure, pero parang meron nga. Kanina, napansin ko nung papunta palang ako dito.
Okay, alam ko na kung asan siya. Anong ginagawa ni kuya? Hindi man lang ba siya nag-aalala na baka napano na tong asawa niya? Tsaka teka nga... bakit ako ang unang tinawagan ni Christine? Bat hindi si kuya?
Pagdating ko sa lugar kung asan si Christine, nakita kong gumaan ang loob niya nung makita niya ako. Napatakbo siya sakin pagbaba ko ng kotse, sabay niyakap ako. I hugged her back. Alam kong takot na takot siya at kailangan niyang maramdaman na okay na ang lahat ngayon.
“Christine, ano ka ba. Ang lakas ng ulan. Bat ka sumugod?” Bumitaw ako sa pagkaka-yakap ko sa kanya at inilagay ko ang braso ko sa ulo niya na para bang ako ang payong niya. Hindi siya sumasagot kaya isinakay ko na siya agad sa kotse.
Pagpasok namin sa loob...
“H...hindi man lang ako hinanap ni James.” Dahan-dahan niyang sinabi sabay umiyak na siya. Pagtingin ko sa relo ko, it’s exactly eleven in the evening. Hindi man lang ba nag-alala si kuya sa kanya?
“Christine... tahan na, iuuwi na kita ngayon dun sa hotel.”
“Kung pwede lang na huwag na akong umuwi para hindi ko na siya makita. Na...naiinis ako sa kanya.” Halos nahihirapan na siyang magsalita kaka-iyak niya. Hinubad ko yung coat ko at isinuot ko sa kanya. Nakaramdam ako ng konting inis sa kapatid ko. Kasal na siya pero napaka-iresponsable pa rin niya pagdating sa mga nararamdaman ng babae...
Habang nasa byahe, nakatulog si Christine. Ayoko siyang gisingin dahil alam kong naging mahirap ang gabi niya, kaya binuhat ko na siya paakyat sa hotel room nila...
Kumatok ako. Yung pag-katok ko , may kasamang galit dahil sa kuya kong napaka-walang kwentang asawa. Pagbukas niya ng pinto, nakita niyang karga ko ang asawa niya at nakita kong gulat na gulat siya.
“K...kyle?! bakit? Anong nangyari kay Christina?”
“Kuya, saan ka ba nanggaling? Hindi mo man lang ba hinanap tong asawa mo? Naligaw siya. Ako pa ang nakahanap sa kanya.” Inagaw niya naman agad si Christine sa mga braso ko. Tinanggal niya yung coat ko at pahagis na binalik sakin.
“Bro., salamat. Ako na bahala sa kanya ngayon.” Gusto ko siyang itulak sa pader at suntukin. Kung nakita niya lang sana yung itsura ni Christine kanina. At ngayon, parang wala lang sa kanya yung nangyari sa asawa niya.
“Kapag ako ulit ang nakahanap sa kanya, hindi ko siya ibabalik sayo.” Out of nowhere, bigla ko nalang nasabi ang mga salitang ‘yun. Inihiga niya si Christine sa kama at saka niya ako hinarap...
“At ano?! Iuuwi mo siya sa condo mo? I thought you didn’t like her.” Medyo napataas na ang boses niya. Hindi ko rin naman alam ang isasagot ko dahil hindi ko alam kung bakit ganun ang mga huling nasabi ko. Tumalikod na ako at umalis.
Pag-uwi ko, hindi mawala sa isip ko si Christine. Kung gaano niya pinabilis yung tibok ng puso ko nung yakapin niya ako, kung gaano ak nag-alala para sa kanya. Pero, hindi pwede eh. Asawa siya ni kuya... dear heart, stop beating faster when I think of her.
Kinuha ko na yung phone ko at tinext si Angela...
“Good night sweetie.”
JAMES' POV
“Christina...” umupo ako sa gilid ng kama at tahimik ko siyang tinignan habang natutulog siya. Tek...teka, basang basa pala siya? Hindi na ako nagdalawang-isip, tumayo na ako at kumuha ng damit na ipapalit sa kanya. Hindi ko tatanggalin yung undies niya syempre! Kesa naman magkasakit siya, binihisan ko na.
Napaka–pabaya ko naman... sakto kasi nung pagkahatid ni Kyle kay Christina dito, kakauwi ko lang galing bar. Wala siya pagdating ko pero hindi ko naman siya hinanap. Kasama sa rules ng kasal namin na hindi namin hahanapin ang isa’t-isa kapag nawawala eh. Sumusunod lang ako sa gusto niya. Hindi ko naman alam na napahamak na pala siya. I’m so insensitive.
CHRISTINE’S POV
Paggising ko ,ang sakit ng ulo ko sobra. “Teka, nasa hotel na ‘ko.” Napasigaw naman ako nang mapansin kong iba na ang suot kong damit. “JAAAAAAAAAAAAAMMMMMEEEEESSSS!!!!” Nagmamadali naman siyang tumakbo papunta sakin, galing siya ng kusina.
“Christina, what’s wrong?”
“Ba...bakit ano... uhmm.” Sh*t pano ko sasabihin na napansin kong iba na tong suot kong damit? Bakit? Panong.. argh! Binihisan niya ‘ko?!?!
“Tungkol ba sa damit mo?” walang ka-emo-emosyon niyang sagot.
“Oo.” Halos pabulong kong sinabi dahil nakaramdam ako ng ‘awkwardness’
“Binihisan kita kagabi.” Then he grinned at me.
“WHAT?!” Hinablot ko yung kumot at ibinalot ko sa katawan ko. “how dare you Mr. James Carter?! Ang kapal ng muka mo.”
“Hoy, Christina! Pasalamat ka dahil ginawa ko yun. Kung hindi, baka nilagnat ka na naman dahil naligaw ka kagabi, nakalimutan mo na?!”
“I know! Pero, hinayaan mo nalang sana ako lagnatin kesa... kesa.. kesa hinubaran mo ‘ko!!!”
“Tss. I was dissapointed of what i saw.” Halata sa muka niyang inaasar niya ako. “Oh God, wifey. You’re blushing. Ha-ha!!!”
“W-WHAT?!” Oo, sige na. Hindi ako ‘blessed’ sa size ng ano ko... pero kahit na! “Hoy James! Wala kang karapatang bihisan ako. And will you please stop calling me that ‘wifey’ blahblah!!!! How dare you.”
“Oo na, sige na. Pero wag kang mag-alala, binihisan kita at walang malisya yun sakin no!” nginitian niya ako na para bang sinasabi niyang ni-rape niya ako last night. “tumayo ka na dyan, kakain na tayo.”
Habang kumakain kami, hindi ako makatingin sa kanya, knowing na ganun ang nakita niya kagabi...
“Si Kyle ang naghatid sayo dito kagabi dito sa hotel”
“Si Kyle ang naghatid sayo dito kagabi dito sa hotel”
“Si Kyle ang naghatid sayo dito kagabi dito sa hotel”
Si Kyle
Si Kyle
Si Kyle
Si Kyle
Biglang parang nag-flashback lahat ng nangyari. I hugged Kyle nung nakita ko siya dahil grabe na yung takot ko. Umiyak pa ako kasi hindi man lang ako hinanap ng mokong na ‘to kahit late na eh wala pa ako dito... hindi ko na tinapos yung pagkain ko. I grabbed my phone and texted Kyle,
“Thank you, Kyle.”