CHAPTER 2: HELLO U.S.A

36 0 0
                                    

After a week, umalis na ako papuntang U.S. Labag man sa loob ko, wala rin naman akong magagawa dahil si Dad na mismo ang nagsabing doon ako magbakasyon. Argh! Nakaka-inis talaga!!! Edi sana nasa Cebu na ako . -_-

“CHRISTINE MENDEZ, for your information. Ilang oras na kami ng daddy mong naghihintay ng tawag mo kung papunta ka na ba dito sa bahay! Nasaan ka na ba?!”

“Mom, you’re over-reacting. I dropped by somewhere to eat. Akala mo naman saglit lang ang byahe papunta dito sa U.S. Ginutom ako.”

“Okay, okay hija. Basta pumunta ka agad dito sa bahay. Your dad and I is very excited to see you.”

Si mommy. Kung talagang gusto nila ako makita, sana man lang sinalubong nila ako sa airport. 

Habang kumakain ako, may lumapit na lalaki sa’kin. Nasa U.S na nga ako, pero nararamdaman kong Pinoy ‘to. Halata naman eh. Moreno, maganda katawan at gwapo siya. Ngumiti siya sakin sabay nagsalita,

“Hi. My name’s James.”

Kunwari, natutuwa ako na ang kapal ng muka niya...

“Hi James.”

“You’re?”

“Christine.”

“Hi Christine. I’d like to ask you to go out with me.”

Pero this time, na-bwisit na ‘ko. Hindi ko man lang makitaan ng konting hiya tong lalaking to at nagagawa niya pa akong ngitian kahit na ipinahalata ko sa kanya na naiinis na ako.

“Alam mo James, ang kapal ng muka mo.” 

“B-bakit?”

“Hindi ako nakikipag-usap sa mga hindi ko naman kilala, pero pasalamat ka dahil nahalata kong Pilipino ka kaya nagsasayang ako ng oras ko para lang makipag-usap sayo. At hindi mo naitatanong, naiirita ako sa mga lalaking presko, gaya mo.”

Imbes na magalit siya sa mga sinabi ko, nagawa niya pa akong ngitian.

“Alam mo Christine,” na may halong accent- “Hindi rin ako nakikipag-usap sa mga hindi ko naman kilala. Pero pasalamat ka, maganda ka kaya ako na mismo unang pumansin sa’yo. Hindi mo naitatanong, but I like tough girls, just like you.”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nabigla lang ako, kasi hindi gaya ng ibang mga lalaki na nasungitan ko, kakaiba si James dahil nagagawa niya pang ngitian ako, at hindi pa siya umalis nung oras na nataasan ko na siya ng boses. Pero siyempre, hindi ako nai-impress sa ginawa niya kaya umalis na ako at pinuntahan ko na sila mommy at daddy.

*JAMES POV*

That was the first time a girl yelled at me like that. Hindi sa pagmamayabang pero, pang-ilan lang talaga si Christine sa mga babaeng ako ang unang kumausap. Pero siya lang ang gumawa sakin nun. Napahiya ako, pero... I like her. Hindi ko naman siya lalapitan kung hindi ako nagandahan sa kanya eh. Pero hindi ko alam na mas magugustuhan ko pa pala siya dahil  sa way ng pakikipag-usap niya sa’kin. Ha-ha. Weird eh.

Habang nagda-drive ako, nakita ko siya sa isang fast-food chain. Napansin ko agad na she’s attractive. Her hair is long and black, ang simple niyang tignan nung itinali niya yun sabay kumain nang walang ka-poise poise. Singkit na mga mata, at makinis. Ganun pa naman yung mga tipo ko. Yung mga chinita.

Hindi na ako nag-dalawang isip na lapitan siya, syempre.

“Christine... It’s nice to meet you. It’s really nice to meet you...” ;)

* * * * * *

“Daddyyyy!” Si dad agad ang una kong nakita sa pintuan ng bahay namin.

“My princess!!!” Sabay kinarga ako at niyakap. Nakakatuwa. Kahit na ang tindi niya mag-disiplina, nararamdaman ko talagang ako ang prinsesa niya.

“Welcome, honey.” 

“Mooooooooom!!!”  I was about to hug her, kaso bigla niya akong pinagalitan. 

“Will you please lessen your voice’s volume?” Okaaay, ang O.A kong nanay.

“Sorry mom.” Bineso niya lang ako sabay niyaya na ako ni dad kumain.

“I really missed you princess. I’m glad na dito ka magbabakasyon, kasama namin ng mom mo.”

“Uhm, dad. Paabot naman po ng steak. Thanks... I missed you too Mr. Mendez!” Natawa siya sa isinagot ko, pero pagtingin ko kay mom, naka-simangot siayng umiiling-iling habang kumakain...

“Christine, stop calling your dad that way. Hindi kita sinanay na ganyan ang itawag mo sa kanya.” Hindi ako sumagot, yumuko lang ako. Pasimple akong tinapik na dad. It’s his way of saying, “cheer up.” Si mom, kahit kailan talaga. Lagi nalang niyang kino-kontrol lahat ng tungkol sakin...

"Let Me Let You Go." (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon