JAMES’ POV
“AYOKO.” Hindi ko alam kung bakit pero yun lang talaga yung gusto kong sabihin sa kanya. Ayokong mag-sorry dahil alam kong hindi niya naman ako kayang patawarin sa ngayon. Ini-start ko na yung kotse. “CARTER! IBABA MO KO! WAIT, NO!!! STOP!! BABABA AKO!!!” Ngayon, nagwawala na talaga siya sa galit.
Maya-maya, kumatok na si Eugene sa bintana ng kotse. Nagmamadali namang binuksan ni Christine yung bintana.
“Dude. Pababain mo si Chris dito, ngayon na..” Gusto kong pigilan yung sarili ko. Alam kong kakagaling niya lang sa ospital kaya ayokong magulpi siya. “Pre. Wag kang mangealam. Problema ng ‘mag-asawa’ to.” Yun lang, the he was stunned. Hahaha.
Pero akala ko, okay na...
“Are you that obsessed with me, James?!” nagulat ako sa sinabi ni Christine sa’kin. Sobrang blanko ng emosyon sa muka nya. Hindi ko na siya napigilan. Bumaba na siya ng kotse.
CHRISTINE’S POV
Ayoko na. Pagod na pagod na ‘kong makisama kay James. Kalalaking tao, isip bata. AYOKO NA. Isa pa, kailangan ako ni Eugene ngayon. Inalagaan niya ‘ko kagabi, ako naman ang mag-aalaga sa kanya ngayon. Bumalik na kami sa condo unit niya at naupo ako sa kama. Huminga ako ng malalim...
Naramdaman kong inakbayan ako ni Eugene. “It’s okay. You can leave if you want to.” He said. “No.” I answered, “I’ll stay. Dito muna ‘ko.” Sabay isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya. Gusto ko muna ng ganito... Yung tahimik, kasama yung lalaking hindi ko kailangang makipagsigawan na lang lagi. Kasama yung lalaking hindi pinapasakit yung ulo ko... Si Eugene ang kailangan ko ngayon...
*AFTER 3 DAYS*
Hindi pa talaga ako bumabalik sa bahay para makasama si James. Ang saya dito eh. Less worry. Tsaka nageenjoy akong kasama si Eugene. Pero minsan, napapaisip ako... Kasal kami ni James eh. Bale sa papel, mag-asawa kami. Tama kaya tong ginagawa ko?
“Christina, tumatawag si James.” Iniabot sakin ni Eugene ‘yung phone niya...
ME: ...
JAMES: I’m sorry.
ME: ...
JAMES: Babalik na ‘ko sa US.
W...wait. what?!
ME: ...
JAMES: Alam kong galit ka. Alam ko ring hindi ka sasama kahit pa kaladkarin kita dyan. Kaya aalis ako mag-isa.
ME: JAMES! Uhm--
JAMES: Pero puntahan mo muna ako dito bago ako umalis. Please? Para at least maging okay tayo bago ako mawala ng tuluyan sa tabi mo.
ME: ok. I’ll be there. After 30 minutes.
Then binaba ko na ‘yung phone. Lumapit ako kay Eugene sabay niyakap ko siya ng mahigpit. He hugged me back. “Eugene, okay ka na ba? Aalis na ‘ko. Di rin kasi tama na mag-stay ako dito sa condo mo. I’m so sorry for everything. Pero kung kailangan mo ko pupuntahan kita.” Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin. “Ha?”, he asked. “Hindi ko maintindihan.” Niyakap ko siya ulit. “Aalis na si James. I’ll be staying at my house. In case na kailangan mo ko, I’m just 30 minutes away. Okay?” humarap ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. Inilapit niya naman yung labi niya sa noo ko at hinalikan ako. “I love you.” He said. Pero hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya niyakap ko nalang siya ulit...
Hindi ko alam pero kinakabahan ako habang palapit ako ng palapit sa bahay. Pagbukas ko ng pinto, may malaking stuff toy na teddy bear sa sofa. “NOSE TO NOSE MO KO MOMMY, PLEASE” nabasa ko yung note na nakalagay sa tyan nung bear. Lumapit ako, niyakap ko ‘yung bear sabay idiniin ko yung ilong ko sa ilong nung teddy bear tapos biglang...
“Girl you can say anything you want, it don’t mean a thing no one else can have you; i want you back... i want you back.” Teka, boses to ni James ah. Haha ang kyut, kumakanta siya. “Hi baby. Alam ko bwisit na bwisit ka na sakin kasi ang kulit ko at ang babaero ko. Okay, sige. Seloso rin. Pero mahal na mahal kita. Ew. Ang cheesy. Pero gusto kong maging okay tayo.” Okay. Naiiyak na naman ako. Mahal na mahal ko rin naman kasi siya eh. Idiniin ko yung muka sa tyan nung teddy bear. Ang sakit sakit ng dibdib ko... Di ko rin maintindihan kung kinikilig na ba talaga ako o nasasaktan. Ang gulo naman kasi ng sitwasyong pinasok ko. Tapos bigla kong naramdaman na may yumakap sa’kin. “Napaka-iyakin.” Oh my God, James. Ano bang ginawa mo, bakit ganito yung nararamdaman ko sayo... Humarap ako sa kanya sabay niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. “Sasama ako sa US. May mga aayusin pa tayo.” Bulong ko sa kanya; na para bang biglang nabura sa sisip ko si Eugene, yung ex-girlfriend ni James sa America, si mom and dad at yung problema namin. LAHAT nawala sa isip ko, maliban kay James...
