CHAPTER 19: THIS IS TOO MUCH CHRISTINE...

57 0 0
                                    

CHRISTINE’S POV

                11 PM na, wala pa rin si James. Napasobra naman kasi talaga yung ginawa ko sa kanya. Pero nakaka-inis naman kasi talaga eh. Pinagseselos niya lang ba ako, o talagang hindi pa rin siya nagbabago? Babaero pa rin. Ni hindi man lang nag-text kung asan na siya o kaya missed call man lang para kunwari nagpapapansin siya sa’kin. Di ko na siya natiis kaya nag-text na ako:

                Carter. It’s getting late

                Hintay-hintay lang ako hanggang sa lagpas na ng kalahating oras, wala pa rin. Tinawagan ko na pero out of coverage area naman yung phone niya. Ay nakooooo!!! Wait... Umuulan ba? Para kasing malamig. Pagsilip ko sa bintana, umuulan na nga, malakas pa. Asan na ba kasi yung lalaking yun? Hmm. Sabagay, dala niya naman yung kotse.

*after 2 hours*

 Hindi ko na kaya! Nag-aalala na talaga ako.

                Lumabas na ako kahit madaling araw na. Sa sobrang lakas ng ulan at hangin, nilipad na yung payong ko. Wala pa akong kaide-ideya kung saan ko siya hahanapin. Pero dapat, kumalma ako. Pagtingin ko sa kalsada, halos wala ng sasakyan. Nakaramdam ako bigla ng takot. Pero hindi dahil sa sitwasyon ko ngayon, kundi para kay James. Nag-aalala na talaga ako. At dahil wala nga sakin yung kotse, naglakad-lakad ako. Sinisilip ko lahat ng bar na malapit sa’min, tinitignan yung mga pwede niyang puntahan. Kaso, wala talaga eh! Nag-uumpisa na naman akong maiyak. Wala na akong maisip na gawin. Malayu-layo rin ang nilakad ko at nanghihina na ako. Nag-hanap ako ng malapit na tindahan para maki-tawag...

                ME: Uhm, hello... Eugene.

                HIM: Chris, it’s almost three AM. What’s wrong?

                ME: (nanginginig na ako sa lamig) Eugene, kasi... nandito ako sa... tapat ng bar malapit sa bahay. Uhm, just a few houses away. I’m looking for James... kasi... ano eh...

EUGENE’S POV

                Napatawag ng alanganing oras si Christina. Malamang may nangyayaring hindi okay.

CHRISTINA: (parang nilalamig na siya) Eugene, kasi... nandito ako sa... tapat ng bar malapit sa bahay. Uhm, just a few houses away. I’m looking for James... kasi... ano eh...

After that, hindi na siya nakapagsalita. Nag-panic na ako. Kahit naka-boxer shorts lang ako, nagmamadali na akong sumakay sa kotse para puntahan yung babaeng mahal na mahal ko.

Pagdating ko sa tapat ng bar, nakita ko si Christine na nakahiga sa kalsada. Wala na sigurong nakapansin sa kanya dahil halos wala na talagang tao sa daan. Bukod sa late na, ang lakas pa ng ulan.

“Christine!!!” tumakbo agad ako sa kanya at kinarga siya papasok sa kotse. I turned the heater on then nag-drive na ako agad-agad papunta sa condo unit ko. I don’t care, basta. Binihisan ko siya. Nung mapansin kong medyo natutuyo na siya, naka-tulog na ako sa sofa habang nandun siya sa kama ko.

                “Eu...gene” napabangon naman ako agad nung marinig kong tinawag ni Christine yung pangalan ko. “Honey. Hey.” Lumapit ako sa kanya. Pagka-hawak ko sa braso niya, naramdaman kong nilalagnat na pala siya. Tumakbo agad ako sa kusina para kumuha ng mainit na tubig. Tumakbo agad ako sa kanya para punasan siya. After that, pumunta ulit ako sa kusina para ipagluto siya ng soup. Habang nagluluto ako, naawa ako bigla sa sarili ko.

                Ako ‘tong nandito para sa kanya ngayong may kailangan siya, pero hindi naman ako ‘yung gusto niya. Ganun naman talaga eh. Yung good guy, hindi sa kanya napupunta yung babaeng gusto niya. Napupunta yung mga babae sa mga lalaking pinapahirapan sila. Tapos... argh. Naramdaman kong sumakit yung mga sugat ko. Kakalabas ko lang kasi ng ospital. Hindi ko naalala sa sobrang pag-aalala ko kay Christine. Pagkatapos kong magluto, dahan-dahan akong umupo sa kama; sa tabi ni Christine.

                “Oh my God Eugene, your forehead. It’s  bleeding.” Pag-hawak ko sa noo ko, dumudugo nga yung sugat ko. Kahit medyo hilo pa si Christina, tumayo siya para gamutin yung sugat ko; inasikaso niya pa rin ako. “I’m so sorry.” Paulit-ulit siyang nagso-sorry sa’kin. Hindi ko alam pero hindi ko maramdaman yung sakit ng mga sugat ko ngayon. Mas masakit ‘to. ‘Tong puso ko...

Halos magkalapit na yung muka namin. Palakas ng palakas yung tibok ng puso ko. Parang gusto ko na siya yakapin ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit...

                After how many minutes, inihiga niya ako sa kama. “Just take a rest. Okay lang ako. Lagnat lang ‘to. Ikaw, dinudugo na yang mga sugat mo.” Humiga naman ako at tahimik ko siyang tinitigan. Yung mga mata niya, kutis, buhok, labi, ilong, lahat. Maganda. Siya talaga yung babaeng guto ko makasama habang-buhay eh. Lord, please? Bigay mo na ‘to sakin.

“Uhm, Eugene.” She said. “Yes?” I asked. “Pwede bang pahiram ng phone mo? I’ll check if nasa bahay na si James.” Asar. No choice, kaya inabot ko naman ‘yung phone ko sa kanya.

CHRISTINE: “James. I don’t care if you’ll be able to listen to this or not. But honestly? I’m fed up. Okay. Okay. I’m sorry about what happened last time. But I’m not going home today. I have to... uhm... basta. Wag mo kong hahanapin! Yung phone ko, nabasa so wala na yun. Bye.

JAMES’ POV

                GRABE! MAGDAMAG AKONG HINDI UMUWI, PERO HINDI MAN LANG AKO HINANAP NI CHRISTINA! ARRRGH!!! Matapos kong marinig yung voice mail, hinagis ko na yung phone ko. Sinong inuto niya?! Alam ko namang alam naming pareho na kasama niya si Eugene. Sus!!! Napipikon na talaga ako sa babaeng yun ha. Masyado niya namang inaabuso yung pagiging sunud-sunuran ko sa kanya. Selfish. Hindi man lang ba siya nag-aalala kung kumain na ba ako? Nakatulog ba ako ng maayos?

*After 10 minutes*

AY NAKOOOOOO!!!! HINDI KO NA KAYA. SUSUNDUIN KO NA SIYA KILA EUGENE!!!

Pagkabukas ng pinto ni Christina, nakita kong natutulog si Eugene ng mahimbing kaya hinila ko na siya palabas.

“Aray! James Carter!!! Pwede ba?! Bitawan mo nga ako!” nakasigaw niyang sinabi habang tinutulak niya ako palayo at pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak ko sa kamay niya. “Stop being a bratt Christine. Sumosobra ka na.” Hinila ko siya papasok ng kotse. “Isa pa,” I continued, “hindi ka man lang ba nag-alala sakin habang magdamag akong nawawala? Ha?!” itutuloy ko pa sana yung sasabihin ko, kaso tinignan niya ‘ko ng masama. “James,” she said, “ikaw?! Nag-isip ka ba kung anong nangyari sakin kagabi?! Ha?! HA?!” Medyo natigilan ako at nabitawan ko yung pagkakahawak ko sa susi. “Kagabi, lahat ng bar na pwede mong puntahan, PINUNTAHAN KO! Lahat ng resto na pwede mong pagkainan, PINUNTAHAN KO Kahit na ang lakas lakas ng ulan at ng hangin!!!! Tapos, ‘yang cellphone mo, hindi ko ma-contact!!!! Hilong-hilo na ko, kaya tingin mo, SINONG TATAWAGAN KO BUKOD SAYO?! SILA MOMMY?! HA?! SI KYLE?! Nag-iisip ka ba?! INAAPOY AKO NG LAGNAT KAGABI. PERO WALA KA! SI EUGENE ANG NAG-ALAGA SAKIN! SIYA RIN YUNG NAGHANAP SAKIN KAGABI HABANG NAWALAN AKO NG MALAY SA GITNA NG KALSADA! ANG KAPAL NG MUKHA MO JAMES!” Alam kong marami pa siyang sasabihin na masasaktan ako, pero nag-umpisa na siyang umiyak. Hinampas niya ng paulit-ulit yung ulo niya sa pasenger’s seat; habang ako naman, dahan-dahan ko siyang hinila palapit sakin para mayakap ko siya.

“No, James.” Sabay tulak sa’kin. “Leave me alone. Just... leave me here with Eugene.” Akala ko, masakit na yung mga narinig ko kanina na hindi ako yung nandun para alagaan siya. Pero wala nang mas sasakit pa dun sa sinabi niyang hindi ako yung gusto niyang kasama...

"Let Me Let You Go." (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon