CHAPTER 16: BIG TROUBLE

23 0 0
                                    

JAMES’ POV

After namin manuod sa theater room, nagyaya naman si Kyle na mag-bon fire daw kami. Antok na antok na ako. Isa pa, si Christina, ang sarap na ng tulog habang nakasandal sa’kin.

“Kyle,” I said. “pass muna, my baby’s sleeping already. Sa inyo na ‘yung kwarto, dun kami sa master’s bedroom matutulog tonight.” Binuhat ko na si Christina at lumabas ng theater room para makatulog na rin ako. Hindi ko maiwasang mapansin na iba yung kilos ni Kyle kapag magkasama kami ni Christine. Kapatid niya ako, nararamdaman kong may dapat akong ikabahala sa mga kinikilos niya.

Inihiga ko na sa kama si Christina at tumabi ako sa kanya. Alam kong masisipa na naman niya ako paggsising niya, pero wala akong pakealam. Gusto ko lang na makatabi siya. Inilapit ko ‘yung ulo niya sa dibdib ko. Nakatulog na ‘ko habang inaamoy-amoy ko ‘yung buhok niyang sobrang bango...

CHRISTINE’S POV

Natulog na naman ‘tong si James sa tabi ko. Pero this time, hindi ko siya kayang sipain pababa ng kama. I can’t help but to touch his face. Tulog na tulog siya. Akala mo hindi pilyo at babaero eh. Ang amo ng muka niya. I traced his nose and his lips; kaya siguro ang lakas ng loob niyang manbabae kasi, alam niya talaga na gwapo siya. Suddenly, niyakap niya ako at hinila hanggang sa mapahiga ako sa dibdib niya.

“Good morning, baby girl”, he said tapos bigla niyang hinalikan ‘yung noo ko. Gusto ko rin siyang yakapin...

*riiiing, riiiiiing* tumutunog ‘yung phone niya. Hinihintay ko namang bitawan niya ako para sagutin ‘yung tawag. Pero nagulat ako nung sabihin niyang, “answer my phone Christina.” Nagdadalawang isip ako, pero sinagot ko pa rin.

ME: “Uhm, hello?”

Nagulat ako ng mabosesan ko kung sino yung tumawag.

JAMES’ MOM: “Oh dear, Christine?”

ME: “Tita...”

JAMES’ MOM: “Mama, mama ang itatawag mo sa’kin.”

ME: “Po? O...okay po... mama”

JAMES’ MOM: “Hija, you have to get back here. Nalaman na ng parents mo na umalis ka kasama si Kyle.”

Nakaramdam ako ng kaba.

ME: “Pano po nila nalaman?!”

JAMES’ MOM: “Nagsumbong si Alyssa sa kanila. Pinalabas niya na may relasyon kayo ni Kyle.”

Hindi na ako nakasagot. Ibinaba ko na yung phone at naramdaman kong nanlalambot ang buong katawan ko. ‘What have I done?!’ dinamay ko pa yung magkapatid sa pagiging makasarili ko. Kailangan kong makausap si Kyle.

Kumatok ako sa kwarto kung nasan si Kyle at Alyssa. “Kyle. Kyle! We have to talk,” malakas yung boses ko kaya after few seconds, pinagbuksan niya na ako. Hindi nagpa-distract sa boxer niya at sa maganda niyang katawan. Okay, sige na-distract ako. Pero konti lang...

“Christine? Why? Good morning.”

“Hindi maganda ‘tong umaga na ‘to.” I answered.

Lumabas siya ng kwarto at pumunta kami sa theater room para dun mag-usap. Sinabi ko sa kanya yung ginawa ni Angela at napa-iyak na ako sa sobrang kahihiyan. Ano na lang ang iisipin ni daddy at ng mom nila Kyle?! Nakakahiya ako. Hindi naman nagsasalita si Kyle, hindi ko na rin siya kayang tignan dahil tinakpan ko yung muka ko habang umiiyak ako.

“It’s okay Christine... it’s okay”, naramdaman ko nalang na niyakap niya ako at hinihimas niya yung likod ko habang pinapatahan ako.

“I’m so so sorry Kyle”, paulit-ulit naman akong nagso-sorry sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ulit ako. Parang gumaan yung pakiramdam ko tapos, biglang hindi na ako nahihiya sa nangyari, sa mga kasalanan ko.

“KYLE?!”, galit na galit na pumasok si James sa theater toom. Naabutan iya pa atang magkayakap kami ng kapatid niya. Hindi naman ako naka-react agad dahil sa sobrang gulat. Nakita ko rin na kasama niya si Angela. Nanlambot na ng todo yung tuhod ko at halos hindi na ako makahinga.

“Oh my God, James... Angela... I’m so...”, dahan dahan akong nagsasalita habang umiiyak ng biglang suntukin ni James si Kyle.

“JAMES?! Oh my, Kyle! Honey!!!” tumakbo palapit si Angela kay Kyle habang ako, nakatulala at gulat na gulat sa ginawa ni James. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko man lang napansin na susuntukin ni James si Kyle.

Lalapitan pa sana niya si Kyle para suntukin ulit ng sumigaw na ako, “stop it James Arthur!!!! Don’t you ever do that again!!!” tinignan niya ako at halata sa muka niya na galit na galit siya. Hinawakan niya ako sa braso at kinaladkad palabas ng theater room nang marinig naman naming sumigaw si Kyle,

KYLE: “Wag mo ngang sasaktan si Christine!!!”

ANGELA: “Kyle! What the hell?!” halatang nagagalit na si Angela.

JAMES: “Kelan ka pa natutong sumira ng relasyon ng dalwang taong kasal na?! Ha Kyle!!!!”

ANGELA: “What?!” nagulat din ako ng sabihin ni James ’yun. So ngayon, pati si angela, alam na rin niya na kasal na kami ni James. “You’re married already?! Then why the hell you, Christina... oh my!!! Bakit pumunta kayo ni Kyle dito sa Pilipinas ng magkasama?! Ha?! Why?!”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Wala akong ibang magawa kundi umiyak. Naaawa at naiinis ako sa sarili ko. Good thing, hinila na talaga ako palabas ni James. Hindi ko na kailangang magpaliwanag kay Angela. Itinulak niya ako sa loob ng kwarto at ini-lock yung pinto.

“Plano mo ba lahat ng to, Christina?!”, halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ni James. Galit na galit talaga siya sakin.

“Ang.. alin?! James, hindi. Hindi mo naiintindihan...” umiiyak pa rin ako.

“BULLSHIT CHRISTINA! ANONG INIISIP MO?! KAYA KA MAAGANG UMALIS SA KAMA EH PARA MAKIAPG-LANDIAN SA KAPATID KO?!?!”

“JAMES!!”

“NO CHRISTINA! SHUT UP!!!” I was stunned. Sobrang ramdam na ramdam ko sa boses niya na nasasaktan siya. Gusto ko nalang siyang yakapin para matapos na lahat ng to. Gusto kong sabihin sa kanya na siya yung mahal ko. Sa sobrang makasarili ko, ang dami damo ko nang problema ngayon... 

Lalo pa akong nasaktan nung narinig kong... umiiyak si James. Napaupo siya sa sahig at sumandal sa pinto. Kitang-kita ko ngayon sa harapan ko yung lalaking mahal ko na umiiyak dahil sa mga kalokohang nagawa ko...

Para akong dinudurog ng paulit-ulit...

“J...James...”, dahan dahan ko siyang nilapitan at isinandal ko yung ulo niya sa dibdib ko saka ko siya niyakap ng mahigpit.

“Christina... bakit si Kyle?” hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko. Bakit nga ba kasi?! Ano bang pumasok sa isip ko at inilagay ko pa ang sitwasyon naming lahat sa ganitong klase ng gulo?! Hindi ako sumagot. Hinigpitan ko lang ng sobra yung pagkaka-yakap ko sa kanya...

"Let Me Let You Go." (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon