CHAPTER 4 : IT'S NICE TO SEE YOU AGAIN

31 0 0
                                    

“Hi Leona. You look lovely today. Oh, you look lovely always.” Tinapik ako ni Kyle habang pigil na pigil siya sa pag-tawa...

“Kuya, tigilan mo yan.”

Tumigil na ako at hinayaan ko nang si Kyle na ang kumausap sa secretary ni mama.

“Good morning, We’d like to see Mrs. Carter. We’re her sons and she asked us to see her in her office.”

“Kyle, ang pormal mo na—“

“Kuya.” 

“I’ll shut up.”

“Oh. So you’re Mr. Kyle Andrew and Mr. James Arthur. Mam Carter would like you to wait for her in here. She’s currently talking to her new business partners, the Mendez family.”

“Okay Leona baby, we’ll wait.” Siyempre, effective kay Leona yung mga pambobola ko. Kahit laging sinasabi ni mom na huwag siyang makikipag-usap at makikinig sakin dahil nga daw “womanizer” ako, hindi niya parin natitiis yung charm ko, syempre. 

“Mukang lalaki na naman ang allowance natin brod.” Pabiro kong sinabi kay Kyle. May bago na namang bussiness partner si ma sa kompanya namin ng mga alahas.

Halos kalahating oras din kaming nag-hintay ni Kyle bago kami pumunta sa office ni mama. Nung makita niya kami, hindi na sya nag-sayang pa ng oras. Niyakap niya na agad si Kyle. Teary-eyed pa! Ha-ha. Na-miss kasi talaga namin si Kyle eh.

Napansin kong may tao sa office ni mom. Naka-talikod sila samin ni Kyle.

“Oh! Guys, I’d like you to meet our new bussiness partners, The Mendez.”

Pagharap nila, nagulat akong nakita ko si Christine...

CHRISTINE’S POV

Itong walang hiyang lalaking ‘to ang kinukwento ni Mrs. Carter na pasaway niyang anak?! Obviously, unang beses ko palang makita tong lalaking ‘to, alam ko na agad na napaka-maloko niyang tao. May kasama pa siyang isang lalaki, kamukha niya pero mas mestiso tignan...

“Good morning Mr. And Mrs. Mendez, and to you miss?”

“Christine.”

“...Miss Christine. Hi.” Nakangiti niya akong kinakausap. Ang... gwapo.

“I’m Kyle Andrew, and this—“ tinuro niya ang walang-hiyang si James, na kasalukuyang nakatitig sa’kin. Kainis.

“James Arthur. My brother.” Bago pa magsalita ng kung ano si James, pinaupo muna kami ni Mrs. Carter.

“Naku, hija. Ayang si James ko, napaka-maloko niyan.” Natatawang sinabi niya sa akin.

“Pero, hindi mo naitatanong. May girlfriend siyang nagtya-tyaga sa kanya.”

“P-po? May girlfriend siya?” Nagulat ako dun ah. Ang kapal talaga ng muka ni James, grabe! Nakuha pa akong yayain lumabas samantalang may girlfriend na pala siya.

“Oo, dalawang taon na sila at---“

“Ma.” Narinig naming pinigilan na ni James si Mrs. Carter sa pagkwento.

“Sorry anak. Naging madaldal na naman ako.”

Tumayo na si mommy at masayang nag-paalam sa kanila. “I’d really like to stay, but my husband and I are going to see some clients. But my daughter will stay here---“

“Mom?!”

“...for her to know the important details about your company.” Talaga naman. Ang galing talaga ng timing ng tadhana, no? Kung saan ang ayoko, dun talaga ako dinadala. Peste. Nakangiti naman akong hinawakan sa braso ni Mrs. Carter, 

“Okay, ako na bahala kay miss Christine. Thank  you so much and have a nice day.”

Umalis na sila mommy and daddy. At gaya nga ng napag-usapan, naiwan ako dito. Pero ayos lang, kasama ko naman si Kyle. Ha-ha!

JAMES’ POV

Bakit naman dito pa kami nagkita ulit ni Christine? Pwede namang sa bar, sa gimikan, o kaya kahit saan na wala si mama para hindi na niya nasabing taken na ako. Haaay.

“Kyle, ayan yung Christine na kinukwento ko sa’yo. Shet, ang ganda niya talaga no?”

“Seryoso? Siya ‘yun? Grabe, ang ganda nga talaga. Pero simple lang siya. Kaya lalong ang ganda niya.”

“Tumigil ka. Akin yan.”

“Alam ko. Sinabi ko lang naman na ang ganda niya eh. Pero di ko pa rin yan type. Haha!” Mabilis kong siniko si Kyle nang makita kong papalapit samin si Christine.

“Hi, Kyle.” Naka-ngiting binati ni Christine ang utol ko. Teka nga, nakangiti? Samantalang sa’kin, todo busangot tong babaeng to!

Dapat talaga kakausapin ko na siya eh, kaso bigla na naman nakisali ‘tong si mama, “Miss Mendez, James will be the one to tour you inside the building. My son Kyle will have to go home to take a rest since he just came this morning from his training.” 

Kapag sinuswerte ka nga naman oh...

* * * * * *

Pag-alis nila mama, syempre di ko na pinalagpas yung pagkakataong kausapin siya.

“Miss Mendez, you’re too lucky to have me as your tour guide. Aside from being handsome—“

“Wala ako sa mood para makinig ng mga kayabangan mo. Ilibot mo ‘ko dito para maka-uwi na ‘ko.”

Wow, ang sungit. Ang sungit sa’kin.

“Alam mo Tin, lalo kang gumaganda sa paningin ko kapag tinatarayan mo ‘ko.”

“Who gave you the right to call me that way?!”

“See? Ang ganda ganda mo tuloy lalo. Kainis.” Bago niya pa ako mahampas sa inis dahil nakita kong namumula na siya sa galit, tumayo na ‘ko para i-tour siya sa buong building. After two hours, nag-offer na akong ihatid siya pauwi. Kaso ayaw eh. May sasakyan daw siya. Di niya daw kailangan ng driver na makapal pa sa kalyo yung muka. He-he, ang kyut talaga ng babaeng ‘yun...

* * * * * *

CHRISTINE’S POV

“Hello Eugene?” 

Kailangan ko ng kausap. Usapan kasi talaga namin nila mommy, dalawang buwan lang ako dito sa U.S, pero magta-tatlong buwan na ako dito. Ayaw ako ni mommy pabalikin sa Pinas dahil daw magaling akong makipag-usap sa mga kliyente. Masama ang loob ko dahil gusto kong mag-aral... magtatapos na ako eh.

“Christine!!! Uy, hindi ka ba mag-eenroll this sem?”

“Hindi eh, masyadong busy ako dito. Kamusta ka na?”

“Sayang naman. Masaya ako. Ilang buwan din akong naghintay na makausap ka. Ikaw kasi, hindi ka naman pala-online na tao. Kaya umaasa nalang ako sa cellphone para makausap ka.” Nararamdaman kong sa boses palang ni Eugene, ang lungkot-lungkot niya. Ang weird pero bigla kong naramdaman na gusto ko siyang makita...

“Eugene... ayaw mo bang pumunta dito sa U.S?” Ano ba ‘tong sinasabi ko?!... pero kasi, gusto ko talaga siyang makita ulit! Hindi ko alam kung b-bakit...

“Christine...”

“Ha-ha!  Ano ba ‘tong sinasabi ko? Sorry... sorry mali. I’ll call you again kapag may free time ako. Ha? Bye Eugene!”

Crazy Christine... crazy, crazy.

"Let Me Let You Go." (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon