CHRISTINE’S POV
Sobrang lungkot ko na. Araw-araw akong nag-iisip. Nami-miss ko na yung bestfriend ko sa Pilipinas, si Mandy. Nami-miss ko yung mga terror kong prof., nami-miss ko yung mga kaklase kong laging namo-mroblema tuwing may seatworks and exams kami. Ang weird pero, na-mimiss ko si Eugene. Namimiss ko kung paano ko nakikita sa muka niyang masaya siya kapag nakikita niya ako...
Nakaka-inis pa kasi lagi kong nakikita si James dahil magka-trabaho kami. Pareho kaming boss ng isang branch ng negosyo namin since magka-bussiness partner na ang pamilya namin.
“Hi Christine!” speaking of the devil.
“Mr. Carter, you should sign the papers on your desk.” I told him coldly, at tinuro ko na yung mga papel sa lamesa niya na katapat lang ng lamesa ko.
“Would you like to go out with me tonight?” Bigla naman akong natigilan nung tanungin niya ako. Ewan ko pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nanlamig ang mga kamay ko. Lumunok muna ako sandali, saka sumagot, “Sasama ako sa’yo kapag pumayag ang girlfriend mo na mag-date tayo.” Nahalata ko naman na bigla siyang sumimangot. Hindi na siya nagsalita.
Tss. Nakaka-inis ‘tong lalaking to. Nakaka-awa naman ‘yung girlfriend niya.
“James, anong pangalan ng girlfriend mo?” Na-curious ako bigla sa love-life ng siraulong ‘to. Ang tagal bago siya sumagot.
“Alyssa.” Sabi niya ng hindi tumitingin sa’kin.
“Alyssa? What a beautiful name.”
“...and she’s really beautiful.” Ewan ko pero biglang parang may naramdaman akong kurot sa dibdib ko. Hindi ako nagseselos dahil hindi ko naman type ‘tong si James. At higit sa lahat, alam kong isa lang ako sa MGA babaeng pinagkaka-abalahan niya. Bwisit.
“Of course,” sagot ko habang naka-ngiti ako sa kanya. “Guys like you prefer beautiful girls.” Hindi parin siya tumitingin sa’kin. Nakaka-panibago. Nasanay kasi akong lagi siyang may isinasagot sa’kin para inisin ako o kaya ay pagtawanan. Anong problema nito ni James?
JAMES POV
Bakit magta-tatlong araw na akong hindi tine-text at tinatawagan ni Alyssa? Hindi ko rin siya ma-contact kapag sinusubukan ko siyang tawagan. Naninibago ako. Oo sige, playboy nga ako pero girlfriend ko yun! At hindi ako sanay na hindi niya ako kinakausap. lagi niya akong kinakausap kaya naninibago talaga ako.
Pag-pasok ko sa opisina namin ni christine, bigla naman umokay ‘yung mood ko. Para akong nakakita ng anghel eh. Yung hanggang bewang niyang buhok na itim na itim, yung mata niyang singkit at yung balat niyang ang kinis kinis at ang puti... ha-ha! Ang ganda naman netong ka-trabaho ko.
“Hi Christine!” Naka-ngiti ko siyang binati habang busy siya sa pagta-type ng kung ano sa laptop niya. Tinignan niya naman ako ng masama, naiinis na naman ‘to sa’kin.
“Mr. Carter, you should sign the papers on your desk.” Naka-simanot niyang itinuro ang mga papel sa lamesa ko. Bakit ba ang lakas ng karisma neto ni Christine? Bigla kong naramdaman na gusto kong hawakan ang mga kamay niya. ang... ganda niya kasi talaga eh.
“Would you like to go out with me tonight?” Walang anu-ano, tinanong ko siya. Napansin kong ninerbyos siya sa narinig niya. ha-ha! That’s cool James, you’re doing the right thing...
“Sasama ako sa’yo kapag pumayag ang girlfriend mo na mag-date tayo.”
“Sasama ako sa’yo kapag pumayag ang girlfriend mo na mag-date tayo.”