“Dude, I’m telling you. This girl is different. She’s stunning and very challenging at the same time!” Kinuwento ko agad sa mga kaibigan ko ang nangyari tungkol sa unang pagkikita namin ni Christine.
“Hi Alyssa!” Bigla namang nabaling ang atensyon ko nung dumating sa bar si Alyssa, girlfriend ko.
“James Arthur Carter, I’ve been calling you the whole day. Where have you been?” Ang over-possessive, hot... blonde kong girlfriend...
“Don’t get mad at me baby, I asked Louis to text you to go here, since I’m not really sure where I’ve left my phone.”
Pasimple naman akong binulungan ni Louis, ang bestfriend ko; Pinoy din.
“Bro, yung totoo. Asan yung phone mo?” Mahina akong sumagot ng...
“Dude, naiwan ko sa kwarto ni Marj kagabi.” Sabay kaming natawa.
“Gago ka talaga kahit kelan.” Nung mahalata na ni Alyssa na may iba kaming pinag-uusapan ni Louis, inalok ko na siyang kumain at uminom. Mahaba pa ang gabi kong ‘to. Sigurado ako...
* * *
Hinatid ko na si Alyssa sa bahay niya dahil nalasing na siya. Nung inihiga ko siya sa kama niya...
“Baby, I have to go. I’m tired.”
“James, just... Stay here with me.”
Kahit na babaero ako, bumabalik at bumabalik pa rin ako kay Alyssa. She’s sweet, caring and understanding. Hindi kami nag-aaway masyado dahil ayaw niyang nakikipag-talo sakin. Kahit ilang beses na akong nahuhuli ni Alyssa na niloloko siya, ako parin daw ang mahal niya. Minsan nako-konsensya na ako, pero hindi ko magawang iwan siya. Dahil alam ko sa sarili kong mahal niya talaga ako. Isa pa, dalawang taon na ang relasyon namin. Dalawang taon na niya kong pinagtya-tyagaan.
“Okay Aly, I’ll stay. But I have to leave at five in the morning. Okay?
“Okay.”
* * * * * *
5:15 AM. Tulog na tulog pa si Alyssa. Hinalikan ko siya sa noo sabay umalis na ako. Kailangan kong maka-uwi bago pa magising si mama. Para hindi na niya ako mapagalitan siyempre.
Dahan-dahan akong pumasok ng bahay...
“JAMES.” Yung boses na yun. Alam kong lagot na naman ako. Tsk! Kapag nagagalit na siya sakin, tinatawag niya ako sa first name ko. Pero kapag good mood siya “JA” ang tawag niya sakin. Short for, “James Arthur.”
“Where have you been?”
“My friends and I... we just had too much fun last night until we fell asleep at Louis’ house.”
“Louis’ mom just called. She’s asking if Louis slept here because he also didn’t came home last night.”
Oops.
“Please explain that to me, mister.” Lumapit na ako kay ma at inumpisahan ko na siyang lambingin. I kissed her cheeks pero tinulak niya ako palayo.
“Ma,” lumapit parin ako sa kanya sabay back-hug. “I slept at Alyssa’s and I’m sorry. She was drunk and I couldn’t just leave her.” At dahil malapit si mom kay Alyssa, ligtas ako.
“Go to your room and have some sleep.” Kiniss ko siya ulit sabay ngumiti siya sakin. “For sure son, napuyat kayo ni Al... I mean, napuyat ka.” Cool mom. Ha-ha!
Humiga na ako sa kama.
My mom... Kung nakakaluwag man kami sa buhay, si mommy ang dahilan nun. Pagkatapos siyang iwan ni Dad, itinaguyod na niya kami ni Kyle... Si Kyle. Oo nga pala!
Bumaba ulit ako at pumunta sa kwarto ni mommy.
“Ma? Si Kyle nga pala?”
“Mamayang 9 A.M ang dating niya. Masyadong busy sa training yun. Alam mo naman.”
“Okay...”
Nakatulog ako, pero ilang oras lang. Nagising ako nang may sumipa sakin at nalaglag ako sa kama ko.
“What the... Kyle!!!!!!!!!!”
“Kuya! Ha-ha” Niyakap ko agad yung kapatid ko. Ilang buwan din siyang nawala dahil nga nagte-training siya para maging U.S soldier. “Kuya, asan pala si mama?”
“Ha? Wala siya?”
“Wala eh. Tara kuya, kain tayo.”
Bumaba kami at nag-almusal na. Ang dami naming napag-kwentuhan. Tungkol sa hirap ng training niya, sa mga hot na babaeng nakikita niya (pero, hindi niya raw pinapansin dahil hindi siya naa-attract sa mga sexy at blonde na babae dito sa America.) Ikinuwento ko sa kanya si Christine at tinawanan niya lang ako.
“Kuya, kayo ni Alyssa. Kamusta kayo?”
Alyssa... Oo nga pala. May girlfriend ako sabay ibang babae naman ang bukambibig ko. Hindi ako makasagot sa tanong nya, ewan ko. Pero bigla akong naguluhan kung ano ba talagang tumatakbo sa isip ko.
“Kuya, wag ka nang mambabae. Ang swerte mo nga kay Alyssa dahil nagtitiis sayo yun. Eh kung tutuusin, ang daming nagkakandarapa sa kanya.”
“Hoy, mas maraming babae naman ang nagkaka-gusto sakin.”
“Alam ko yun. Halos lahat nga ng kapitbahay natin, ikaw ang tipo eh. Ha-ha! Pero siyempre diba, may girlfriend ka na. Kaya, tumino ka na oy! Dalawang taon na rin kayo.”
Nakakatawa. Mas matanda ako kay Kyle pero mas matino siyang mag-isip... Tumayo na ako para kumuha ng tubig sa ref nang makita ko ang note na iniwan ni mommy:
“JA, kapag dumating na si Kyle, pumunta kayo sa office ko ha. Gusto kong makita yang kapatid mong miss na miss ko na.”
“Bro. Bihis na, pupunta tayo kay mama.”